All-Out Sundays, wagi ang ratings vs Best of ASAP Natin 'To

by PEP Troika
Apr 5, 2021
Ang All-Out Sundays ng GMA Network (upper and lower left) ay nagbabalak bumalik sa work-from-home setup kung magpatuloy ang ECQ sa Metro Manila. Ang ASAP Natin 'To (upper and lower right), nagpalabas muna ng replay nitong Easter Sunday, April 4.
PHOTO/S: Screengrab from All-Out Sundays / ASAP Natin 'To

GORGY RULA

Bumalik na ang normal programming sa TV noong Abril 4, Linggo ng Pagkabuhay.

Mataas ang rating ng Easter Sunday episode ng All-Out Sundays.

Bagong episode iyon na nai-tape bago mag-ECQ.

Ayon sa AGB Neilsen, naka-6.2% ito, na malaki ang agwat sa the “best of” episode ng ASAP Natin ‘To, na naka-2.4 percent.

Ewan ko kung magla-live na ang ASAP Natin ‘To sa susunod na Linggo.

Ang AOS kasi ay meron pang isang episode na nakabangko kaya bago pa rin ang mapapanood sa naturang musical variety-comedy show.

Bilang naka-ECQ pa rin tayo, wala silang pang balak mag-tape sa studio, lalo na’t stop taping din sa buong buwan ng Abril ang lahat na Kapuso drama series.

Isa sa binabalak sana ng AOS ay babalik sila sa work from home set-up, dahil mahirap pa ring makipagsapalaran na mag-taping sa studio, gayung hindi pa bumababa ang COVID cases sa NCR Plus.

Nag-post si Rayver Cruz sa Tiktok account niya na from home daw muna siya magtatrabaho.

Continue reading below ↓

Samantala, okay rin ang rating ng GMA Blockbuster na naka-4.3%.

Dumikit ang Da King: FPJ na 4.2%, sa combined ratings ng A2Z, TV5, at Kapamilya Channel.

Ang laki rin ng itinaas ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes na 9%.

Medyo bumaba ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 18.8%, samantalang 1.5% ang Almost Paradise sa A2Z.

Naka-5.5% naman ang The Boobay and Tekla Show kung saan umamin si Kristoffer Martin na sila na ni Liezel Lopez.

NOEL FERRER

At this point, we err on the side of caution. Napansin ko nga, yung ibang mga programa, naka-replay mode pa.

Except sa news, naiiintindihan ko talaga kung mas mag-iingat ang mga tao, pati na ang mga kasamahan natin sa industriya sa paglabas-labas at pagte-tape ng mga bagong episode.

As of April 5, 2021, Monday, 4:00 p.m., ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay 8,355.

Bale umabot na sa 803,398 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Tinatayang bago matapos ang Abril ay lalampas na sa 1M-mark ang total number of cases natin.

JERRY OLEA

What else is new? Patuloy ang pag-ariba ng COVID-19 sa lupang hinirang.

Inaasam ko na mag-tribute ang All-Out Sundays at ASAP Natin ‘To sa music icon na si Claire dela Fuente.

Pwedeng makibahagi riyan sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Pilita Corrales.

Kung wala silang panahon para gawin iyan sa darating na Linggo... sayang!

Bilang kapalit ng teledramang Magkaagaw, mapapanood muli ang drama anthology na Karelasyon simula Abril 5, Lunes ng hapon, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Dati ay isang beses lang ito sa isang linggo napapanood.

Ngayong bahagi na ito ng GMA Afternoon Prime line-up, matutunghayan ito mula Lunes hanggang Sabado. Six times a week.

Siguro naman, pagkatapos ng rerun ng Karelasyon ay mapapanood na natin ang teledrama nina Rita Daniela at Ken Chan na Ang Dalawang Ikaw, ‘no?

Ang second installment ng second season ng I Can See You, nag-umpisa nitong Monday night, April 5, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.

Continue reading below ↓

Tampok ang reunion nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara sa episode na #Future.

Hinihinog siyempre ng GMA si Miguel na siyang pinakabida sa Voltes V: Legacy.

Simula rin Lunes ng 9:35 p.m., mapapanood na si Rocco Nacino sa Owe My Love.

Magkatrabaho na silang muli ng ex-girlfriend niyang si Lovi Poe.

Nagkasama sina Rocco at Lovi sa teledramang Beautiful Strangers (2015), kung saan nag-blossom ang kanilang beautiful friendship, pero ang ending ay hindi kagandahan.

Napaghilom ng panahon ang sugat sa puso ni Rocco, at maligaya siya sa piling ng maybahay na si Melissa Gohing, kaya napapayag siyang makatrabaho muli si Lovi.

Gaganap si Rocco bilang Dr. Kenneth Paul, na nagbabalik sa Brgy. Petsa de Peligro bilang bagong full-fledged cardiothoracic surgeon sa Centimos Medical Hospital at magsisilbing Head of Medical Services dito.

Of course, ngayon pa lang ay sabik na tayong mapanood ang weekly series ni Senator Bong Revilla na Agimat ng Agila, na mag-uumpisa sa Mayo.

Continue reading below ↓

Tumpak ba ang naulinigan natin na sa Mayo 22, Sabado, ito magpi-premiere?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang All-Out Sundays ng GMA Network (upper and lower left) ay nagbabalak bumalik sa work-from-home setup kung magpatuloy ang ECQ sa Metro Manila. Ang ASAP Natin 'To (upper and lower right), nagpalabas muna ng replay nitong Easter Sunday, April 4.
PHOTO/S: Screengrab from All-Out Sundays / ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results