Iza Calzado, nasaksihan ang sunog sa isang building sa Makati City

by PEP Troika
Apr 6, 2021
Iza Calzado: “Napatili talaga ako. My God, grabe na ang pinagdadaanan ng mga tao, may COVID, may lockdown, tigil-trabaho, tapos ganito, may sunog pa. Sana walang nasaktan o namatay, dasal pa tayo, kapit lang."
PHOTO/S: @izacalzado on Instagram

NOEL FERRER

“Ang bilis ng pangyayari. Naghugas lang ako ng plato mga 10-12mins when I went back to the window area, I saw black smoke.

"Yung term na engulfed in flames talaga yung naisip ko.”

Iyan ang nasabi sa akin ng talent kong si Iza Calzado nang bumungad sa kanya ang sunog nitong Abril 6, Martes, sa isang building sa Makati City sa tapat ng kanyang tirahan.

May kaibigan akong nasa katapat na building ay nagsimula nang bumaba sa kanilang condo para pumunta sa mas malawak na open space.

Ang sabi ni Iza, “Napatili talaga ako. My God, grabe na ang pinagdadaanan ng mga tao, may COVID, may lockdown, tigil-trabaho, tapos ganito, may sunog pa.

“Sana walang nasaktan o namatay, dasal pa tayo, kapit lang,” sabi ni Iza na sinusubukang maging positibo sa gitna ng pinagdaraanan nating lahat.

Mabuti na lang at may impormasyon tayo na yung mga construction workers na gumagawa ng rooftop ng building na yun ang nakapatay ng sunog using fire extinguisher. Ingat-ingat tayong lahat mga kababayan!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kaagad na naapula ang apoy dahil sa nagtulung-tulong daw ang mga tao mula sa dalawang magkatabing condominium na bugahan ng tubig ang apoy.

Kuwento kasi ng isang kaibigan naming nakatira malapit doon, nahirapan daw ang mga bumberong patayin ang apoy dahil sa taas ng building. Hindi raw kinaya ng ilang bumbero, kaya nakatingin na lang daw sila sa baba.

Mabuti at nagawan ng paraan, at hindi na lumaki pa.

Ang hirap ng ganitong nahaharap tayo sa matinding hirap gawa ng COVID-19, madagdagan pa ng ganitong sakuna. Kaya patuloy na lang talaga sa pagdarasal na malagpasan natin ito lahat.

JERRY OLEA

As of April 6, Tuesday, 4:00 p.m., nadagdagan ng 9,373 ang kinapitan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay umabot na sa 812,760. (I wonder, ilan kaya riyan ang “reinfection”?)

Nanlulumo at namimighati tayo sa mga kakilala nating pumanaw o nagluluksa dahil sa coronavirus.

Continue reading below ↓

Nangangamba at lalong nai-stress tayo sa mga balitang-COVID na ating nauulinigan. Natuwa tayo sa balitang naapula ang sunog sa tulong ng mga kapit-condo.

Kailangang magtulung-tulong tayong mga Pilipino sa mga kinakaharap nating pagsubok—sunog man o pandemya.

Bayanihan is essential!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado: “Napatili talaga ako. My God, grabe na ang pinagdadaanan ng mga tao, may COVID, may lockdown, tigil-trabaho, tapos ganito, may sunog pa. Sana walang nasaktan o namatay, dasal pa tayo, kapit lang."
PHOTO/S: @izacalzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results