Gigo de Guzman, emosyonal sa ginanap na virtual wake para kay Claire dela Fuente

by PEP Troika
Apr 7, 2021
Gigo de Guzman, nanghihinayang dahil limitado ang naimbitahan niya para sa virtual wake para sa ina na si Claire dela Fuente. Aniya, "There were a lot of people I wanted to invite and speak, but unfortunately, for lack of time, you’re limited. So, for now, just for now, this will have to do.
PHOTO/S: @gigodg86 / @clairedelafuente Instagram

JERRY OLEA:

Nagpatulong si Gigo de Guzman kay Maffy Soler-da Roza sa pagho-host ng online memorial service para sa kanyang ina na si Claire dela Fuente noong Abril 4, Linggo ng Pagkabuhay.

"We invited a few people. People who have been a part of my mom’s life, to celebrate her life, you know," pasakalye ni Gigo.

Nakangiti ang panganay ni Claire pero bakas ang pighati sa kanyang tinig at ngiti.

Pagpapatuloy ni Gigo, "There were a lot of people I wanted to invite and speak, but unfortunately, for lack of time, you’re limited. So, for now, just for now, this will have to do.

"Actually, one of the things that I truly regret is that I wasn’t able to give her the wake that she deserves.

"But as you know, we do our best. We try our best."

Pilit mang pinasisigla ni Gigo ang sarili, aminadong halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa pagkawala ng ina.

Continue reading below ↓

"For now, let’s just celebrate my mom’s life.

"I would like to call on my friend, confidante, Miss Maffy Soler to help me co-host today—as I don’t know if I’m gonna be stable enough emotionally today."

Si Maffy ay anak nina Raquel Monteza at Jun Soler. Ikinasal si Maffy kay Robin da Roza noong 2016.

Sabi ni Gigo, "For context, guys, Maffy is one of my oldest friends. We met because my mom took her on as a talent.

"So, she is very dear to my mom. And she helped make today possible for us."

Nag-request si Gigo kay Maffy na magsalita tungkol sa kanyang mom.

Pahayag ni Maffy, "To start off, I just wanna thank everybody for being here. I know, today is a very hard day for all of us, but today is way for us to celebrate her wonderful life.

"And as you can see, she is loved by many. So, I want to take this opportunity to thank all of you.

Continue reading below ↓

"And of course, to Tita Claire, thank you for being a great example to all of us.

"You have raised two amazing children that brought this whole thing together and you have amazing friends that are all here, gathered to celebrate your life. So, thank you so much."

Nakibahagi sa eulogy sina Imelda Papin, Eva Eugenio, Pilita Corrales, at Salvador Panelo.

Kumpleto rin ang mga kakosa ni Gigo na "Top 5" respondents ng Christine Dacera case na sina Valentine Rosales, JP de la Serna, Rommel Galido, at Clark Rapinan, at ilang non-showbiz friends.

GORGY RULA:

Naka-text ko ang presidente ng grupong OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit na si Ogie Alcasid.

Sinabi niyang meron din silang binabalak bilang pagbibigay-pugay kay Claire dela Fuente, pero wala pa raw definite plan.

Maaring may iba pa silang binabalak, tulad ng kung ano ang puwedeng magawang tulong sa music industry lalo na sa hinaharap natin ngayon sa pandemya, pero pina-finalize pa raw.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin ang kanilang announcement sakaling matutuloy ito.

Samantala, hindi ko lang alam kung dumalo sa virtual wake ang ilang mga talents pang na-manage noon ni Claire.

Si Claire ang nag-handle noon kay Sam Pinto, at kung hindi ako nagkamali, pati si Yam Concepcion.

NOEL FERRER:

Nabanggit ni Yam Concepcion na ihinahandog daw niya ang Kapamilya teleserye niyang Init Sa Magdamag sa yumaong discoverer na Claire dela Fuente.

Nakausap pa raw niya si Claire noong isang weekend, at hindi siya makapaniwalang pumanaw na ito.

Isa pa sa mga inalagaan ni Claire ay si Bela Padilla.

Nanghihinayang talaga ang mundo ng showbiz nang mamayapa si Claire.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman, nanghihinayang dahil limitado ang naimbitahan niya para sa virtual wake para sa ina na si Claire dela Fuente. Aniya, "There were a lot of people I wanted to invite and speak, but unfortunately, for lack of time, you’re limited. So, for now, just for now, this will have to do.
PHOTO/S: @gigodg86 / @clairedelafuente Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results