Mildred Ortega, artista noong late '60s to '70s, pumanaw na

by PEP Troika
Apr 8, 2021
Pumanaw si Mildred Ortega ngayong Huwebes, April 8. Ilan sa mga pelikula kunsaan napanood ang dating aktres ay Halina Neneng ko, Happy Hippie Holiday, Dyesebel, at Supergirl.
PHOTO/S: Michael Ronald Ramirez Facebook

NOEL FERRER:

Pumanaw ang artistang si Mildred Ortega nitong Abril 8, Huwebes.

Lumabas si Mildred sa mga pelikulang Mekeni’s Gold (1969), Halina Neneng ko (1969), Teenage Escapades! (1969), My Darling Eddie (1969), The Jukebox King (1969), at Santiago! (1970).

Napanood din siya sa Haydee (1970), Happy Hippie Holiday (1970), Signos Trece (1971), Luha sa Bawa’t Awit (1971), Unang Tibok ng Puso (1972), Dyesebel (1973), at Supergirl (1973).


Continue reading below ↓

Maybahay si Mildred ng retired military general na si Emiliano Templo, at anak niya ang kilalang immigration lawyer at dating newscaster ng TV5 na si Mike Templo.

Noong huli kong nakausap ang kaibigan kong si Mike noong birthday niya bago mag-Holy Week, heto ang sabi niya, “My birthday wasn’t so happy because my mom had a stroke 2 Sundays ago and she’s still in ICU. Please include her in your prayers.

“We can’t visit her. Only one assigned person is allowed to be with her... and it’s the personal nurse... once you go in, you can’t leave or exchange places, so it’s the nurse who’s there.

“It’s hard on my dad because he can’t be with her and also he can’t go out because of covid restrictions on people his age.”

Ang pamangkin ni Mildred na si Michael Ramirez ay nagbahagi naman ng ilang throwback photos ng aktres.

Ani Michael, "Rest in peace, Aunt Mildred. We will always pray for you. God bless you."

Continue reading below ↓


Mula sa amin sa PEP Troika, ang aming pakikiramay sa pamilya Ortega-Templo.

JERRY OLEA:

Taghoy ng netizens: “Facebook has turned into an obituary.”

Halos araw-araw ay may nababalitaan tayo sa FB na nagdadalamhati.

Kaya patuloy ang dalangin natin na masawata ang paglaganap ng COVID-19 sa ating bansa.

Nakikiramay tayo sa mga inulila ni Mildred Ortega, maging sa mga kaibigan nating nawalan ng mahal sa buhay nguni’t nagpasyang ilihim sa social media ang kanilang pagluluksa.

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Hindi na nakakagulat kapag may mga nagpapalit ng profile pic sa Facebook na naging black na lang.

Kanina lang ay iyun na nga ang profile pic ni Katrina Halili.

Pumanaw raw ang tiyuhin niya, pero di naman nabanggit ang dahilan.

Hanggang ngayon ay nasa Palawan pa si Katrina kasama ang kanyang anak.

Mas kampante raw siyang doon na muna sa probinsya kaysa makipagsapalaran dito sa NCR na hindi pa bumababa ang datos ng COVID cases.

May ilan pa tayong mga kaibigan sa showbiz na pinili nilang huwag nang ipaalam ang pinagdaanan ng pamilya.

Kaya nirerespeto na lang ang kanilang pananahimik bilang bahagi na rin ng kanilang pag-cope up.

Ang tanging magagawa at maitutulong natin ay tulungan silang magdasal na kakayanin nila ito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw si Mildred Ortega ngayong Huwebes, April 8. Ilan sa mga pelikula kunsaan napanood ang dating aktres ay Halina Neneng ko, Happy Hippie Holiday, Dyesebel, at Supergirl.
PHOTO/S: Michael Ronald Ramirez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results