Adrian Alandy, nagbabalik sa GMA-7 via I Can See You: The Lookout

by PEP Troika
Apr 9, 2021
Excited na sina (L-R) Arthur Solinap, Elijah Alejo, Adrian Alandy, Barbie Forteza, at Paul Salas na maipabalas ang I Can See You: The Lookout.
PHOTO/S: I Can See You: The Lookout

JERRY OLEA:

Ano ang nangyari sa “The Lookout” installment ng second season ng I Can See You anthology?

Ang I Can See You ay ang drama anthology ng Kapuso network na nagpapalit kada linggo.

Ipinost ni Adrian Alandy, noong Marso 23, Martes sa Instagram ang litrato nila nina Arthur Solinap, Elijah Alejo, Barbie Forteza, at Paul Salas.

Si Adrian ay dating kilalang Luis Alandy.

Ang caption dito ni Adrian, "I Can See You: The Lookout ABANGAN."

Inabangan natin ang nasabing installment, na comeback project ni Adrian sa Kapuso Network.

Huli siyang napanood sa ABS-CBN afternoon drama series na Kadenang Ginto at episode ng Maalaala Mo Kaya.

Naka-lookout tayo sa pagpapalabas nitong fresh offering ng I Can See You.

Inakala natin natin na ito ang pangatlong installment ng second season ng I Can See You, pagkatapos ng "On My Way To You" nina Shaira Diaz at Ruru Madrid, at ng palabas this week na #Future nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

Continue reading below ↓

Kaya nagulat tayo habang nanonood ng First Yaya nitong Abril 8, Huwebes ng gabi, at nakita ang plug na ire-replay ng I Can See You anthology ang "Truly. Madly. Deadly."

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado on I Can See You: The Lookout

Tampok sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Rhian Ramos, ang Truly. Madly. Deadly ay eere muli sa Abril 12-16, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Continue reading below ↓

Ang nasabing installment ay nasa Netflix na mula pa noong Marso 29, Lunes Santo.

Jennylyn Mercado, Rhian Ramos on I Can See You: The Lookout

NOEL FERRER:

Kasama ba ito sa alternative plan na magbangko ng mga bagong episodes at magpalabas muna ng replay habang tayo ay nasa ECQ?

Nabalitaan ko kasi na wala munang mga taping ng mga bagong episodes ngayong Abril.

Continue reading below ↓

Malamang, sa Mayo na ang resumption nito o kung nag-normalize na lahat. Hayyyyy, sana... sa lalong madaling panahon.

GORGY RULA:

Ayon sa ilang napagtanungan ko sa taga-I Can See You, sa Abril 19 pa ang airing ng "The Lookout" episode.

Susubukan dito ang tambalang Barbie at Paul, na alam n’yo naman si Barbie, laging bumabagay sa mga ipina-partner sa kanya.

Star-studded ang episode na ito dahil kabilang din dito sina Christopher de Leon, Marina Benipayo at Benjie Paras. Kakaiba ang kuwento nito, at bagay kay Barbie ang role.

I Can See You: The Lookout Cast

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excited na sina (L-R) Arthur Solinap, Elijah Alejo, Adrian Alandy, Barbie Forteza, at Paul Salas na maipabalas ang I Can See You: The Lookout.
PHOTO/S: I Can See You: The Lookout
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results