Nora Aunor, sinampal nang bonggang-bongga ng isang sikat at magaling na aktres

by PEP Troika
Apr 9, 2021
Puring-puri ng direktor na si Adolf Alix Jr. ang galing sa pag-arte ni Superstar Nora Aunor sa pelikulang Kontrabida: "It’s a wrap for KONTRABIDA! I can’t wait for everyone to see her work here. Simple yet affecting."
PHOTO/S: Adolf Alix Jr. Facebook

GORGY RULA:

Isang sikat at magaling na aktres ang napiling sumampal kay Nora Aunor sa pelikulang Kontrabida na prinodyus ng Godfather Productions.

Kinunan ang mahalagang eksenang ito sa last shooting day ng naturang pelikula, at excited ang producer nito na si Joed Serrano, dahil talagang kinarir daw nila ang pagkuha sa kilalang aktres.

Kahit anong pilit ko sa mga taga-Godfather at ilang staff ng Kontrabida, ayaw talaga nilang sabihin dahil iyun daw ang isa sa aabangan sa naturang pelikula.

Hindi bidang inaapi ang role dito ni Ate Guy kundi isang sosyalerang kontrabida.

Mala-Bella Flores daw siya rito na icon sa kontrabida role na siyang nananampal at nananakit sa bidang artista.

Pero sa eksenang gagawin sa pelikulang ito, si Ate Guy ang sasampalin.

Ang laki ng pasasalamat nila sa sikat at magaling na aktres dahil pumayag siyang mag-guest sa pelikulang ito.

Pero takot na takot daw siyang sampalin ang original superstar.

Continue reading below ↓

Si Nora pa raw ang nag-motivate sa naturang aktres na sampalin siya nang bonggang-bongga.

Okay lang daw kay Nora na masaktan siya, para makatotohanan ang eksena.

One take daw ang eksena, pero mahaba at tinodo na raw ang sampalan para hindi uulitin ang eksena.

First time lang daw nakatrabaho ni Nora itong si aktres, kaya natutuwa siya at pumayag itong mag-guest.

Puring-puri si Nora ni Direk Adolf Alix Jr. sa pelikulang ito dahil laging may panggulat daw ito sa ilang eksena na tanging si Nora Aunor lang ang makakagawa.

Gusto raw sana nila sa sinehan na mapapanood ang naturang pelikula.

Pero kailan kaya? Sino kaya ang hula nitong nanampal kay Ate Guy sa Kontrabida?

JERRY OLEA:

Post ni Direk Adolf noong Marso 5, 2021 sa Facebook:

"It’s a wrap for KONTRABIDA!

"This is by far the most fun collaboration we’ve had Ate Guy and just when we thought that the pandemic will limit us creatively, the lock-in shoot enabled us to talk about your craft and build your character Anita among other things.

Continue reading below ↓

"I can’t wait for everyone to see her work here. Simple yet affecting. Until the next one!"

Noong Marso 7 ay may karagdagang kuwento si Direk Adolf tungkol sa pagnanais niyang magkatrabaho si Nora.

"Always looking forward to collaborating with the one and only Superstar.

"Seeing her work on her intuition to bring life to the characters is in itself a very interesting process.

"KONTRABIDA is the most fun we’ve had so far.

"It may seem to be the simplest among all the other characters we’ve worked on but it is quite a daunting task to do something ordinary extraordinarily well and right."

Premyado at de kalibre ang aktres na careful sa pagsampal kay Nora sa pelikulang ito. Isa rin ito sa mga paboritong aktres ni Direk Adolf.

NOEL FERRER:

Yes, paborito ni Direk Adolf ang aktres na ito na akala natin noong una ay ang Megastar o Diamond Star.

Continue reading below ↓

Magaling at mabait ang aktres na ito, at maligaya siya sa kanyang buhay pag-ibig.

Sana, hindi na siya bulabugin ng isa pang premyadong aktres!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Puring-puri ng direktor na si Adolf Alix Jr. ang galing sa pag-arte ni Superstar Nora Aunor sa pelikulang Kontrabida: "It’s a wrap for KONTRABIDA! I can’t wait for everyone to see her work here. Simple yet affecting."
PHOTO/S: Adolf Alix Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results