Jinggoy Estrada, gumawa ng group chat para i-update ang mga kapatid tungkol sa kalagayan ni Erap

by PEP Troika
Apr 10, 2021
Former Senator Jinggoy Estrada on making decisions about the condition of his father, former President Joseph Estrada: “Very agonizing ‘yan, ano. Bilang panganay na anak, siyempre ako lahat ang magdesisyon. Sa isang maling desisyon ay baka sisihin ako ng mga kapatid ko. Kaya maingat ako at talagang pinag-qaralan ko ang desisyon na kailangan kong gawin. I have no choice. Ako ang panganay. Natural lang na iasa nila sa akin lahat ang mga desisyon."
PHOTO/S: Courtesy: JE Estrada / Joseph Ejercito Estrada on Facebook

GORGY RULA

May sigla na ang boses ni dating Senador Jinggoy Estrada nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH noong Abril 9, Biyernes ng gabi.

May improvement na raw kasi ang kalagayan ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada, at masasabing “on the way to recovery.”

Malaki raw ang pagbabago kumpara nitong mga nakaraang araw. Kaya nagpapasalamat si Jinggoy sa Panginoon, sa lahat na nagdasal sa kanilang pamilya, lalo na sa mga doctors at nurses na nag-alaga sa kanyang ama.

Ang wish nilang pamilya ay makakalabas na ng hospital si Erap bago ang 84th birthday nito sa Abril 19.

Ilang araw pa ba mananatili sa hospital ang kanilang ama?

Sagot ni Jinggoy, “Hindi ko po masasagot iyan dahil nung tinanong ko sa doktor niya, sabi ko, ‘Doktora, magbi-birthday yung tatay ko sa April 19, sa tingin niyo ba, makakalabas na siya?’

“Sabi niya, ‘Do not tempt God.’ Huwag ko raw pilitin.”

Continue reading below ↓

Hindi rin masagot ni Jinggoy kung negative na ba sa COVID-19 ang kanilang ama, dahil ipapa-schedule pa raw ang reswab.

Medyo mahirap lang sa kalagayan ngayon ni Jinggoy. Dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid, siya ang nagdi-decide at ayaw niyang magkamali ng desisyon at baka sisihin daw siya ng mga kapatid niya.

“Very agonizing ‘yan, ano. Bilang panganay na anak, siyempre ako lahat ang magdesisyon.

“Sa isang maling desisyon ay baka sisihin ako ng mga kapatid ko. Kaya maingat ako at talagang pinag-aaralan ko ang desisyon na kailangan kong gawin.

“I have no choice. Ako ang panganay. Natural lang na iasa nila sa akin lahat ang mga desisyon.

“Lahat ng kundisyon ng tatay ko na alam ko, kailangan kong sabihin sa taumbayan… hindi lang sa aking pamilya kundi sa taumbayan, bilang isang dating pangulo,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang paggaling ni dating President Joseph Estrada.

Continue reading below ↓

Kung marami ang naniniwala sa bisa ng Ivermectin, kagaya ni dating Senator Juan Ponce Enrile na yun daw ang nagpagaling sa kanya, hindi naniniwala rito si Jinggoy.

“Alam mo, kinausap ko yung doktor. Sabi niya sa akin, ‘Huwag na huwag mong gagamitan ng Ivermectin yung daddy mo. Para lang sa mga hayop ‘yan. Your dad is not a dog.’

“Siyempre, mas maniniwala ako dun sa dalubhasa.”

Nag-positive din sa COVID-19 ang asawa ni Jinggoy na si Precy Ejercito at iyak daw ito nang iyak. Si Precy pa naman daw ang pinakamaingat sa kanilang lahat.

Pero nang magpa-swab uli si Precy kinabukasan ay negative na ang resulta, at okay na raw ngayon ang kalagayan ng kanyang asawa.

Kuwento ni Jinggoy, “Okay naman. Nag-positive siya nung Monday, iyak nang iyak. Hindi niya alam kung kanino niya nakuha.

“Siya ang pinakamaingat, e, Sabi ko, magpa-reswab na lang siya. Kinabukasan nagpa-reswab siya, negative naman.”

Continue reading below ↓

Masasabing ‘false positive’ ba yung nangyari kay Precy?

“Iyon nga ang mahirap, minsan nagdududa na rin ako, e,” pakli ni Jinggoy.

Ayaw raw munang magpabakuna ni Jinggoy sa ngayon. Pinag-aaralan pa raw niya kung alin ang pinaka-effective.

“Siyempre, tinitingnan natin kung ano yung pinaka-effective para sa ating pamilya. Kaya hindi pa muna ako nagpapabakuna.”

With the rate our numbers are going, prolonged ECQ is inevitable, but it is useless without thorough and directed testing, tracing and treatment, pati vaccination.

Grabe yung erratic at inconsistent COMMUNICATION on the protocols, vaccines (with Sinovac na pinayagan na for seniors and AstraZeneca na pinatigil ang paggamit sa mga below 60) and even Ivermectin (na pinayagan na sa isang local hospital for compassionate use) ay nakakaloka sa mga tao, kaya naiintindihan natin ang posisyon ng pamilya Estrada ukol sa bakuna.

JERRY OLEA

Nilinaw ni Jinggoy na iniiwasan niyang magkaisyu silang magkakapatid. Kaugnay ito sa isyu nila ni dati ring Senador JV Ejercito na nag-post noong may kapatid daw na tumawag sa kanya at hindi maganda ang kinalabasan ng pag-uusap.

Continue reading below ↓

Kinlaro ni Jinggoy na hindi siya ang tinutukoy na kapatid na tumawag kay JV.

“Meron kasi siyang pinost na tinutukoy niya na meron daw siyang sibling na tumawag, and their conversation did not get well.

“Gusto kong ipaliwanag na hindi po ako iyung tumawag. Hindi po ako tumawag sa kanya,” pakli ni Jinggoy.

Para maging maayos ang lahat, at para malaman na rin daw ng lahat na magkakapatid, bumuo raw siya ng group chat nilang magkakapatid. Lahat daw ay nandoon para doon daw siya nagbibigay ng update sa kalagayan ng kanilang ama.

“Nag-form ako ng group chat naming lahat na magkakapatid, pati sa mga kapatid ko sa Amerika. Kumpleto kami dun.

“Okay naman. Basta pag nagmi-message ako dun sa group chat, lahat naman sila, umaano. They rely on me sa update… kasi siyempre, kami ang nakakaalam.

“Sa amin nag-a-update ang mga doctors. Siyempre, I share it with them.

“Hindi naman ako madamot na hindi ko isi-share ang kundisyon ng tatay namin.

Continue reading below ↓

“Kahit papa'no, mga kapatid ko naman ‘yan and they ought to know it,” pahayag pa ni dating Senator Jinggoy.

Siyanga pala, tuluy-tuloy pa rin ang pa-Facebook live niya na JingFlix with Kuya Jing. Hanggang P45,000 ang pwedeng mapanalunan sa kanyang pa-raffle nitong Araw ng Kagitingin, Biyernes ng gabi.

Paanyaya pa ni Jinggoy noong Biyernes ng hapon sa FB, “Palaki na ng palaki ang ating Jackpot Prize kaya naman ano pa ang hinihintay niyo, tawagin na ang buong barangay at manuod na ng Jingflix.

“Huwag niyo po kalimutan i-like at i-ishare ang post na ito para mas marami pa tayong maabot na ating mga kababayan.

“Kitakits mamayang alas-8 ng gabi mga ka-JINGPIPS!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Senator Jinggoy Estrada on making decisions about the condition of his father, former President Joseph Estrada: “Very agonizing ‘yan, ano. Bilang panganay na anak, siyempre ako lahat ang magdesisyon. Sa isang maling desisyon ay baka sisihin ako ng mga kapatid ko. Kaya maingat ako at talagang pinag-qaralan ko ang desisyon na kailangan kong gawin. I have no choice. Ako ang panganay. Natural lang na iasa nila sa akin lahat ang mga desisyon."
PHOTO/S: Courtesy: JE Estrada / Joseph Ejercito Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results