Pagpapalabas ng mga BL series, hindi kayang pigilan ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases

by PEP Troika
Apr 10, 2021
(Left) Ali King and Alec Kevin in Boys Lockdown; Inaki Torres and Kevin Salgado in My Toxic Lover

JERRY OLEA

Sa hanay ng mga notable Pinoy BL series, pinakamahaba ang halikan at harutan ng tambalang AkiMi (Iñaki Torres at Miko Gallardo) sa My Day. May pa-fireworks pa iyon, huh?!

Nag-streaming ang My Day umpisa Agosto 8, 2020 sa YouTube channel na Oxin Films. Idinirek iyon ni Xion Lim.

Ipinahiwatig noon ni Direk Xion na may sequel ang My Day, subalit kinontra iyon kapagkuwan ni Iñaki, na nagsabing wala nang AkiMi.

Napasama si Miko sa smorgasbord na Ben x Jim: Forever, ang second season ng Regal series na Ben x Jim nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Bago pa nag-season ender ang Ben x Jim: Forever nitong Abril 9, Biyernes, sa Upstream ay tila “naglaho” sa eksena si Miko.

Inactive siya sa Tiktok, Instagram, at Twitter.

Nag-watch party ang season finale ng Ben x Jim Forever, at conspicuous ang absence ni Miko.

Ben x Jim: forever cast

Continue reading below ↓

“Yesterday I spoke with him, namatay raw ang grandfather niya,” sabi ni Direk Easy Ferrer nitong Abril 10, Sabado ng hapon, via Messenger.

“Miko decided to lie low raw for personal reasons. Pero he still communicates with us.

“He’s coming back naman DAW, sabi niya. Taking a short hiatus lang for his well being.”

Ikinakasa na ni Direk Easy ang part 3 ng Regal series na Ben x Jim: Back to the Stars.

Samantala, magpi-premiere ang Pinoy BL series na My Toxic Lover ngayong Abril 10, Sabado ng 9:00 p.m. sa YouTube channel ng PEPPs TV.

Gaganap dito si Iñaki Torres bilang movie superstar na si Ethon Kaizer, na umibig sa isang promdi.

Ang love interest ni Iñaki ay ang kasalukuyang Misters of Filipinas Model of the Universe na si Kevin Salgado.

Inaki Torres and Kevin Salgado in My Toxic Lover

Continue reading below ↓

Inaki Torres and Kevin Salgado

“If you fell in love with Ace Tan in my previous series, you will surely love and hate me in this new project,” pahayag ni Iñaki.

“I’m so proud of this new series because I just loved the people behind it, specially PEPPs TV production and my co-stars. Exciting story, superb production team, and talents.”

Labindalawa (12) ang episodes ng My Toxic Lover, at mahigit apatnapung (40) wika ang subtitles nito.

As of this writing, mahigit 172,000 na ang views ng official trailer ng My Toxic Lover na in-upload noong Marso 15 sa YT.

Ang My Toxic Lover ay directorial debut ng PEPPs president na si Carlo Morris Galang.

May special participation dito sina Ms. Jessie Maloles, Ms. Rose Santiago, Lara Morena, Jhune Salud, Ela Krysel, Warren Munar, Rye Baile, Drei Arias, at Keann Johnson.

Kasama sa cast nito sina Shanice Eve Bailon, Kristel Galang, Solo Adriano, Alia Torres, Kim Gonzaga, Melanie Mader, Mark Alvero, Darrell Castillo Ralph Daniel Lacsamana, Renz Lagria, Darren Jaojoco, Jace Geron, Bench Ortiz, Joseph Xavier Pili, Emery Gil, at Zenah Padillo.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

May mga nadadaanan akong bagong Pinoy BL series sa YouTube, pero hindi ko na pinapanood.

Parang may "umay factor" na sa akin ang BL series. Walang bago. Ganun at ganun pa rin ang takbo ng kuwento.

Tila ginagamit na lang ang ganitong online series ng mga baguhang artista at ng ilang nagpapantasyang maging magaling na direktor. Karapatan nila yun at malaya silang gawin ang gusto nilang gawin.

Kahit sa Netflix, may mga nasisilip din akong mga BL series na gawa sa Thailand, at ang guguwapo ng mga artista nila, pero napakapangit ng pagkakagawa. Walang bago!

Kailangan natin ngayon ng mga bagong panoorin, bagong material para maitawid natin ang matinding pagkabagot at pagdurusa sa pinagdadaanan natin.

Pero nakiuso na rin ang Heart of Asia channel.

Simula bukas, Abril 11, Linggo ng 11:00 a.m., ay mapapanood sa nasabing ang Pinoy BL series na Boys’ Lockdown, na nasa YouTube channel pa rin naman ng Ticket2Me.

Continue reading below ↓

Love story ito ng KeyChen, sina Key Kalunsod (Ali King) at Chen Chavez (Alec Kevin), sa direksiyon ni Jade Castro.

Ayon kay Direk Jade ay may season 2 ang Boys’ Lockdown.

Alex Kevin and Ali King in Boys Lockdown

Alex Kevin (left) and Ali King (right) in Boys Lockdown

Streaming naman sa Netflix ang Gameboys: Level Up Edition ng EliKoy/CaiReel (Elijah Canlas at Kokoy de Santos), maging ang Gaya sa Pelikula ng PangPang (Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan).

Continue reading below ↓

Ang Hello Stranger The Movie ng XavMi (Xavier at Mico, characters nina Tony Labrusca at JC Alcantara) ay available sa iWant TFC hanggang Abril 14.

May mga umaasang magkaroon ng season 2 ang series na Hello Stranger.

If ever, ewan kung kasali pa roon si Patrick Quiroz na ka-love team ni Vivoree Esclito. Bago pa nag-streaming ang Hello Stranger The Movie noong Pebrero 12 ay lumipad na pa-Amerika si Patrick.

Kapansin-pansin ang absence ni Patrick sa digital premiere niyon.

Ayon sa isang source ng PEP Troika ay humigit-kumulang isang taon mag-i-stay si Patrick sa USA bago ito bumalik sa Pilipinas.

Itinanggi ng isa pang source na good-bye showbiz na si Patrick. Pahinga lang daw muna ito.

Hello Stranger: the movie

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang inaabangan kong series BL Series ay ang Limited Edition with my talent and our actor from Cannes, Jomari Angeles, and Andrew Gan. Pero hindi pa ito available sa Bragais Network.

Isa pang naka-schedule magsimula ay ang series na The Boy Foretold By The Stars with the same lead as the film, but with new characters like Romnick Sarmenta, Desiree del Valle, Nanding Josef, Vaughn Piczon, at ang Ateneo Student Council President na talent ko rin na si Quiel Andrew Quiwa.

Ang siste, na-move ulit sila because of the COVID situation.

Pero teka lang, with the rising number of COVID cases pa rin—na ngayon ay 12,674 ang new cases na mas mataas ulit kaysa kahapon (na 12,225)—magandang itanong ang tanong ng premyadong director of photography na si Neil Daza, “So pwede pala mag-shoot kahit hindi bumababa ang COVID cases? Please explain.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Ali King and Alec Kevin in Boys Lockdown; Inaki Torres and Kevin Salgado in My Toxic Lover
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results