Watch Now

Rabiya Mateo, hindi pa masyadong nakakapag-adjust sa Amerika

by PEP Troika
Apr 12, 2021
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

GORGY RULA

Nag-a-adjust pa rin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Amerika, lalo na’t first international trip niya ito.

Nakita ko sa Tiktok ang isang video ni Rabiya kung saan nagbigay siya ng mensahe sa kanyang supporters.

Aniya, medyo hirap siyang mag-adapt sa oras doon sa Amerika. Nagising daw siya ng alas-kuwatro ng umaga, at hindi pa raw siya gaanong nakapag-adjust.

“My body hasn’t adapted yet to a different time zone. I’m having a hard time coping up with my jetlag.

“However, yesterday I wasn’t able to update you guys. But I was pressing whole day. Ibigay niyo na sa akin.

"Tapos my first international flight, and it took us 13 hours to be here. So, pagod na talaga,” bahagi ng mensahe ni Rabiya para sa kanyang supporters.

Natatawa raw kay Rabiya si Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines Organization. Akala raw kasi ni Rabiya ay maaga silang nakarating sa Los Angeles, California, dahil oras sa Pilipinas ang tiningnan ng pambato ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-text ko si Jonas ngayong tanghali ng Lunes, April 12. Aniya, mas mabuting nandoon na sila sa Amerika nang maaga para makapag-adjust si Rabiya at makapagpahinga pa sila.

Bandang end of April ay lilipad na raw sila ng Florida para sa pagsisimula ng mga activities doon ng Miss Universe 2020.

Tinanong ko si Jonas kung balak na rin bang magpa-vaccine doon ni Rabiya kontra COVID 19 dahil yun ang ilang tsismis na narinig naming balak daw ng ilang Miss Universe candidates.

“Ay! Wala kaming balita about it pa. Pero doble ingat kami… may sarili kaming bubble team,” text niya sa akin.

Nakatutok na halos lahat ngayon sa laban na ito ni Rabiya, at todo ang suporta sa kanya ng ating mga kababayan.

Pero may mga ilan ding nakikipagpustahang hindi raw kakayanin ni Rabiya na makuha ang korona ng Miss Universe. Baka hanggang top ten lang daw ang makaya ng Ilongga beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoong maraming magagandang kandidata, pero malay natin, di ba? Baka kay Rabiya naka-align ang mga bituin pagdating ng pageant night sa Mayo 16 at masuwerteng siya na ang panlimang Miss Universe ng bansa.

Sa tingin ninyo, mga ka-Troiks, may laban kaya si Rabiya sa darating na Miss Universe 2020?

JERRY OLEA

Nakatakda ang 69th edition ng Miss Universe pageant sa Mayo 16, Linggo ng 8:00-11:00 p.m. ET, sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino ng Hollywood, Florida, USA.

Kokoronahan ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang kanyang successor sa nasabing event.

Si Zozibini ang longest-ever reigning Miss Universe.

Sa kasaysayan ng nasabing timpalak, ito ang ikatlong pagkakataon na ang titleholder ng Miss Universe ay kokoronahan matapos ang calendar year.

Ang Miss Universe 2014 at Miss Universe 2016 ay parehong kinoronahan nang Enero ng sumunod na taon.

Pitumpo’t lima (75) ang kumpirmadong kandidata ng Miss Universe 2020.

At the time of the pageant, 29 anyos ang panlaban ng Great Britain, Mauritius, at Puerto Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pawang 28 anyos ang mga kinatawan ng mga bansang Australia, Bahamas, Cameroon, Chile, Costa Rica, Paraguay, at Ukraine.

“Hope springs eternal,” ika nga, kaya dalangin nating makamit ng 24-anyos na si Rabiya ang korona ng Miss U... ayaw man o gusto ng mga DDS.

Paanyaya ng Twitter at Facebook account ng timpalak, “Download the Miss Universe Official app to vote your favorite delegate into the Top 21 at the 69th MISS UNIVERSE Competition.

“Voting from the Philippines? Download the Lazada PH app to vote! “First vote FREE!”

NOEL FERRER

May kaba ang lahat sa ganitong malakihang pageant.

Sa isang banda, it shows hope na pwedeng mangyari ang ganitong maniningning na pagtitipon kahit may pandemya. Pero may paalala pa ring ibayong pag-iingat dahil mas mahalaga pa rin ang health higit sa lahat.

Pagkakataon din ito ng Miss Universe para gawing mas relevant ang timpalak sa panahon.

Tingnan natin kung paano nila maitatawid ang mga napapanahong isyu sa mundo at iba’t ibang bansa sa panahon ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli’t huli, ok na ok naman na manalo ng korona, pero sana hindi sila dapuan ng sakit na corona.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results