Sanya Lopez, may time pa kaya sa love life ngayong dala-dalawa ang shows?

by PEP Troika
Apr 13, 2021
Sanya Lopez on love life: “Hindi ko po siya hinahanap at hindi ko rin po inaantay. Kasi, alam ko, ita-timing ni Lord yun para sa akin.” (Right photo) Sanya with First Yaya leading man Gabby Concepcion.
PHOTO/S: Instagram / GMA-7

GORGY RULA

Consistent na mataas ang rating ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Parehong naka-22.9% ang rating nito noong Abril 8 at 9, at magaganda ang feedback na nakarating sa amin.

Malapit na ang susunod na cycle ng lock-in taping ng naturang Kapuso drama series, at pinaghahandaan na nila ngayon dahil mas mahigpit at maraming safety protocols ang kailangan nilang sundin.

Bukod sa First Yaya, malapit na ring i-promote ni Sanya ang Agimat ng Agila nila ni Senator Bong Revilla dahil sa Mayo na ang airing nito.

Kung hindi ako nagkamali, every Saturday ng gabi mapapanood ang Agimat ng Agila. Kaya mula Lunes hanggang Sabado na mapapanood ang Kapuso sexy actress.

Tinanong namin si Sanya, sa tulong ng Kapuso PR Girl, kung paano na ang love life niya ngayong sobrang abala na siya sa dalawa niyang shows.

Sagot niya, “Hindi ko po siya hinahanap at hindi ko rin po inaantay. Kasi, alam ko, ita-timing ni Lord yun para sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagpaparamdam daw sa kanya ngayon, pero hindi raw niya alam kung may balak ba manligaw ang mga ito. O baka medyo ilag lang ngayon ang boys na ligawan siya.

“Alam ko, mabait po sila sa akin, pero hindi ko po alam kung panliligaw yun.

“Sa tingin ko naman po, hindi sila naiilang dahil friendly naman po ako sa kanila,” sagot ni Sanya sa tanong na ipinadala namin sa kanya.

“Naniniwala po kasi ako na kung darating, darating. Kahit naka-focus ako sa work, kung darating po ang tamang tao, wala tayong magagawa,” dagdag niyang pahayag.

Sa ngayon ay nag-e-enjoy si Sanya sa taping niya sa First Yaya, dahil nabuo ang magandang friendship sa co-actors niya. Nabuo ang masaya nilang grupo kung saan si Kakai Bautista raw ang parang lider nila.

Sanya Lopez with First Yaya cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para kaming family sa set. Lahat kami, super close. Parang ayaw na namin maghiwa-hiwalay, e. Lalo na si Ate Kakai na tiyang namin at lider namin.

"Kaya po kapag natapos na yung lock-in taping, we make it a point na video call kami lagi,” masayang pahayag ng bida ng First Yaya.

NOEL FERRER

Nakilala ko si Sanya Lopez noong huling Gawad Urian sa UP Film Center kung saan nag-present siya ng award kasama ang kapatid niyang si Jak Roberto.

Mabait at pawang magagandang salita rin lang ang narinig ko sa mga naging katrabaho niya. She also has the makings of a good actress.

Kailangan lang itaas ang kanyang marketability at branding, lalo na sa paying audience, para hindi na maulit ang kinalabasan ng Wild and Free (2018) na launching film niya pa naman sana.

In any case, puring-puri siya ni Ate Guy na nakatrabaho ni Sanya sa Isa Pang Bahaghari (2020) at ni Nanay Cristy Fermin na rave na rave sa kanya sa First Yaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga kilalang personalidad sa ating industriya, napatunayan kong maraming nagnanasa kay Sanya—hindi lang mga lalaki kundi pati mga tivoli, ha!!!

Ibang klase ang panghalina ni Sanya, na NBSB (no boyfriend since birth) daw.

JERRY OLEA

Ang First Yaya na ba ang tuluyang magpapatumba kay Cardo Dalisay?

Kasabay ng mas tumitinding mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano, naglabas ang programa ng recompilation soundtrack tampok ang bagong theme song nito mula sa kay Arnel Pineda.

Inawit ni Arnel ang rock song na “Cardo Dalisay,” na komposisyon ng isa sa cast ng serye na si Bassilyo.

FPJ's Ang Probinsyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May bagong bersyon ng “Ililigtas Ka Niya” ang Pinopela. Unang single ng grupo ang kanta na pasok sa tema ng serye ang mensahe tungkol sa pagtitiwala sa pagmamahal ng Diyos, at orihinal na inawit ni Gary Valenciano.

Kinanta naman ni Coco ang theme song ng Task Force Agila na “Dagit Ng Agila,” na isinulat at ipinrodyus din ni Bassilyo na maririnig din sa kanta kasama ang isa pang rapper at aktor sa serye na si Smugglaz.

Mapapakinggan na rin ang buong bersiyon ng opening song ng action-drama series simula 2018 na “Nandyan Na Si Cardo” kung saan ibinibida ang katapangan ng karakter. Isinulat, ipinrodyus, at inawit ito ni Randy Santiago.

Siyempre, hindi mawawala ang rap song na “Vendetta” na isa ring komposisyon at produksyon ni Bassilyo na kumuha ng inspirasyon sa pangalan ng vigilante group sa serye kung saan naging bahagi si Cardo.

Ini-release ang mga kantang ito bilang bahagi ng isang recompilation album kasama ang ilan pang tumatak na awitin mula sa 2016 original soundtrack ng serye na FPJ's Ang Probinsyano (Music from the Original TV Series).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung nagawan ng kanta sina Cardo Dalisay, Catriona, at Ivana... aba, it’s about time na magkaroon din ng awit tungkol kay Sanya o sa First Yaya!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on love life: “Hindi ko po siya hinahanap at hindi ko rin po inaantay. Kasi, alam ko, ita-timing ni Lord yun para sa akin.” (Right photo) Sanya with First Yaya leading man Gabby Concepcion.
PHOTO/S: Instagram / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results