Vincenzo, Tale of the Nine-Tailed patok sa Pinoy viewers; pagbibidahang serye ni Alden Richards, mala Start-Up nga ba?

by PEP Troika
Apr 14, 2021
Si Song Joong Ki (left) ang bida sa K-drama series na Vincenzo, habang si Lee Dong Wook (center) naman ang bida sa Tale of The Nine-Tailed. Alden Richards (right), mala-K-drama rin ba ang teleseryeng The World Between Us?
PHOTO/S: Vincenzo / Tale of The Nine-Tailed / @aldenrichards02 Instagram

JERRY OLEA

Tuloy ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa K-drama.

As of April 13, Tuesday, 7:00 p.m., apat sa Top 10 ng Netflix Philippines ay mula sa South Korea.

Vincenzo

Number 1 ang action-drama series na Vincenzo (2021) ni Song Joong Ki. Mula nang mag-premiere ito noong Pebrero 20 sa Netflix ay hindi pa ito nawala sa Top 10. Naaalis man ito sa puwesto bilang #1 ay nakakabalik din agad.

Song Joong Ki, Jeon Yeo Been in Vincenzo

Continue reading below ↓

Tale of The Nine-Tailed

Pang-apat ang supernatural series na Tale of the Nine-Tailed (Oktubre-Disyembre 2020). Bida rito sina Lee Dong Wook at Jo Bo-ah. Noong Abril 3 ito nag-umpisang mag-streaming.

Lee Dong Wook in Tale of the Nine-Tailed

NIGHT IN PARADISE

Nasa ikapitong puwesto ang pelikulang Night in Paradise, na nag-world premiere noong Setyembre 2020 sa 77th Venice International Film Festival sa Italy.

Continue reading below ↓

Abril 9, 2021 ini-release sa Netflix ang crime drama film na ito, na bida sina Uhm Tae-goo, Jeon Yeo-been, at Cha Seung-won.

Uhm Tae-goo, Jeon Yeo-been, at Cha Seung-won in Night in Paradise

SISYPHUS: THE MYTH

Nasa ikasiyam na puwesto ang series na Sisyphus: The Myth (2021), na pinagbibidahan nina Park Shin-hye at Cho Seung-woo. Noong Pebrero 17 ito nag-umpisang mag-streaming sa Netflix.

Continue reading below ↓

Park Shin-hye in Sisyphus: The Myth

SEO BOK

Samantala, matutunghayan ang Korean sci-fi film nina sina Gong Yoo at Park Bo-gum na Seo Bok umpisa Abril 15, Huwebes, sa iWantTFC, KTX, Vivamax, at Sky PPV— kasabay ng paglabas nito sa South Korea.

Tungkol ito sa isang dating special agent na si Min Gi-heon (Gong Yoo), na binigyan ng misyon na ilipat sa isang ligtas at tagong lugar ang unang human clone na si Seo Bok (Park Bo Gum) na nilikha sa pamamagitan ng stem cell cloning at genetic engineering.

Continue reading below ↓

Habang nasa misyon, iba’t ibang grupo ang makakabanggaan nila na susubukang dakpin si Seo Bok, ang tanging nakakaalam ng sikreto sa pagiging imortal. Dahil sa kanilang mga engkuwentro, mamumulat si Seo Bok sa outside world at maiintriga kung paano mabuhay nang normal.

Maaari nang bumili ng tickets sa halagang PHP250 sa website ng iWantTFC o KTX. Magiging available ang palabas sa loob ng 48 hours.

Mapapanood din ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, piling Samsung Smart TV models, at Android TV.

Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay.

Gong Yoo at Park Bo-gum in Seo Bok

Continue reading below ↓

The PENTHOUSE

Ipalalabas naman ng GMA Network ang South Korean drama series na The Penthouse umpisa Abril 26, Lunes. Istorya ito ng pagkakaisa at paghihiganti ng kababaihan na gagawin ang lahat upang protektahan ang kanilang sarili at kanilang mga anak.

Sa kabila ng kanilang ganda at tagumpay, mangingibabaw pa rin ang kanilang matinding ambisyon at pagnanasa. Tampok sa programang ito sina Lee Ji-ah, Kim So-yeon, Eugene, Um Ki-joon, Yoon Jong-hoon, at Park Eun-seok. Nakadalawang season ito.

Ang unang season na may 21 episodes ay nag-premiere noong Oktubre 26, 2020, at nagtapos noong Enero 5, 2021. Ipinalabas ito tuwing Lunes at Martes ng 10:00 p.m.

Ang ikalawang season na may 13 episodes ay nag-premiere noong Pebrero 19, 2021, at nagtapos noong Abril 2, 2021. Ipinalabas ito tuwing Biyernes at Sabado ng 10:00 p.m.

Lee Ji-ah, Kim So-yeon, Eugene in The Penthouse

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

There are a lot of things to learn from the Koreans. Napaka-successful nila sa entertainment industry dahil ang gaganda ng kanilang output, na suportado ng gobyerno.

They have really invaded the world—with film, TV series, and even music. Nakakainggit!

At kung titingnan ninyo sila ngayon, tuloy ang pagbukas ng industriya. Ang alaga ko ngang si Joanna Ampil ay tuluy-tuloy ang trabaho sa Korean Tour ng CATS, the Musical.

Oo, bukas ang teatro sa South Korea at tuluy-tuloy ang suporta ng mga tao sa sining!

Nakakainggit talaga! Sana, all!

GORGY RULA

Hindi lang naman sa Pilipinas naghi-hit ang mga K-drama kundi pati na rin sa ibang bansa. Kaya kilala sa buong mundo ang mga sikat na Korean superstars.

Pero ang laki ng impluwensiya ng mga K-drama sa mga sinisimulang Pinoy drama series.

Ang Heartful Café ng GTV ay mala-K drama rin ang takbo ng kuwento. Dagdag pa ang mga mukhang Koreanong artista natin ay nagkakaraket tuloy. Kaya nga pasok na pasok si David Licauco na ka-partner ni Julie Anne San Jose dahil oppang-oppa ang look ng aktor.

Continue reading below ↓

Malamang, darating ang araw na mabibigyan din ng break ang iba pang tsinitong aktor natin. Sa pagkakaalam ko, inspired sa sikat ding K-drama na Start-Up ang gagawing drama series ni Alden Richards.

May working title silang The World Between Us, na title ng sikat ding drama series sa Taiwan. Inaalam ko pa kung totoong makakasama rito ni Alden sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.

Sa akin naman, okay lang kung mala-K drama na ang mga susunod nating serye. Ang ganda ng kuwento, may leksyon, at wholesome na wholesome pa ang pagka-handle sa mga romance drama.

May ibang K-drama na natatapos ang isang buong season na walang may naghahalikang mga bidang artista. Pasok na pasok sa MTRCB.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Song Joong Ki (left) ang bida sa K-drama series na Vincenzo, habang si Lee Dong Wook (center) naman ang bida sa Tale of The Nine-Tailed. Alden Richards (right), mala-K-drama rin ba ang teleseryeng The World Between Us?
PHOTO/S: Vincenzo / Tale of The Nine-Tailed / @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results