Aktres na lucky in love and career, bibida sa ABS-CBN remake ng Doctor Foster

by PEP Troika
Apr 14, 2021
Isa nga ba kina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, at Jodi Sta. Maria ang napipisil na bumida sa Pinoy adaptation ng Doctor Foster?
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Ipinalabas ng ABS-CBN ang drama series na The World of A Married Couple umpisa Hunyo 15, 2020 sa Kapamilya Channel.

Tagalized version iyon ng South Korean drama series na The World of The Married (Marso-Mayo 2020), na halaw sa BBC One psychological drama series na Doctor Foster (na nag-premiere noong Setyembre 2015).

Maraming umasam na i-remake iyon ng ABS-CBN.

Bagay na bagay ang papel ng bidang babae kay Judy Ann Santos, at ang papel na kabit ay swak kay Julia Barretto.

Heto nga at nagkasundo ang BBC Studios at ABS-CBN na gawan ng Pinoy version ang Doctor Foster.

Kaso, ayaw muna ni Juday na magteleserye habang laganap pa ang COVID-19 pandemic.

Si Julia, nang umalis sa ABS-CBN Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency ay tinanggal sa cast ng seryeng Bagong Umaga.

Bonggang magbida rito si Angelica Panganiban lalo pa’t patapos na ang teleserye nitong Walang Hanggang Paalam. Kaso, nagpahayag si Angelica na retired na siya sa pagteteleserye.

Continue reading below ↓

Tuloy, ang choice ng marami... si Jodi Sta. Maria. May tagline na nga para kay Jodi, “Ang asawa ko ay akin!”

It’s a play on Jodi’s recently concluded drama series with Iza Calzado, Ang Sa Iyo Ay Akin.

From the point of view ng kulasisi, ang pwedeng tagline ay, “Ang asawa mo ay akin!”

Sino kamo ang pwedeng gumanap na husband na mamamangka sa dalawang ilog?

Pwede si Jameson Blake, na nakatikiman ni Iza Calzado sa iWant mini-series na Loving Emily.

Pwede rin si Tony Labrusca, ang nagpalasap ng luwalhati kay Angel Aquino sa pelikulang Glorious.

O kaya si Paulo Angeles, na love interest ni Ina Raymundo sa Mr. & Mrs. Cruz, ang pangatlong episode ng Ampalaya Chronicles sa iWant TFC, na nag-umpisang mag-streaming noong Marso 26, 2021.

Ina Raymundo, Paulo Angeles in Mr and Mrs Cruz

Continue reading below ↓

Take note na katambal naman ni Paulo si Rita Avila sa two-part special ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Abril 10 at 17, Sabado ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, iWant TFC, YouTube channel ng Kapamilya Online Live, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Paulo Angeles in MMK episode

NOEL FERRER

Naku, let’s see kung tatama ang hula mo, Tito Jerry.

Continue reading below ↓

Pero nakasisiguro ako na isang magaling na aktres ang gaganap bilang Doctor Foster.

Aktres na lubos na pinagpala na okay ang career at love life—and she so deserves it!

Dito sana sa seryeng ito sasama si Joanna Ampil, at salamat sa Dreamscape sa pag-consider sa kanya sa napakahalagang role na gagampanan niya sana kung hindi natuloy ang kanyang UK theater comeback via the musical South Pacific.

E, open na ang mga industriya sa UK at swak naman sa March to October na sked sana ng taping ng Doctor Foster. Pero interesting kung matuloy ang ibang cast members na dapat abangan natin kung maisasakatuparan.

Isang Kapuso actress ang napipintong gumanap ng magandang role dito. Hindi ko lang alam kung tapos na ang kontrata niya sa network, at nakahanda na siyang mag-over the bakod anytime soon.

Basta ang reason niya for doing so ay artistic growth. Let us see kung matutuloy ito!

Continue reading below ↓

Ibang klase, ‘no, umpisa pa lang ay interesante na ang assembly ng cast ng bagong franchise ng BBC Series na Doctor Foster.

GORGY RULA

Magagaling sila at bagay sa madramang proyektong ito.

Pero sa panahon ngayong wala pa ring katiyakan kung kailan bababa ang COVID-19 cases, ang hirap pa talaga. Mas mahigpit at maraming safety protocols na kailangang sundin.

Sinisimulan na nga ito ng GMA-7. Kahapon lang ay nagpahayag ang vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez na pinangangambahan ang pagtaas pa ng mga kaso ng COVID sa darating na June kaya pinaghahandaan na ngayon.

Isang malaking "good luck" ito sa entertainment industry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa nga ba kina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, at Jodi Sta. Maria ang napipisil na bumida sa Pinoy adaptation ng Doctor Foster?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results