Dalawang Kapuso actress, di kasama sa 100 new shows ng GMA-7; lilipat na sa ABS-CBN?

Sino ang dalawang Kapuso actress na matunog na lilipat na sa ABS-CBN?
by PEP Troika
Apr 14, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Halos isang daang (100) bagong programa ang ikinakasa ng GMA Network!

Kumpirmado na si Jasmine Curtis-Smith ang katambal ni Alden Richards sa bagong series na The World Between Us, kung saan kasama rin sa cast si Tom Rodriguez.

Ilang beses nating nabanggit dito sa PEP Troika ang tsikang si Jasmine ang makakatambal ni Alden sa bago nitong TV series.

Naunang nagtambal sina Alden at Jasmine sa "Love on the Balcony," ang unang installment ng unang season ng I Can See You anthology, na nag-premiere noong Setyembre 28, 2020 sa Kapuso Network.

Streaming iyon sa Netflix umpisa noong Pebrero 15, 2021, at ni-replay ng GMA-7 noong Abril 1, Huwebes Santo, ng 7:15 p.m.

Ang Prima Donnas, may second season!

Rumatsada sa ratings ang afternoon series na ito nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo, kasama sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, James Blanco, at Aiko Melendez. Gusto kaya ni Aiko na magkontrabida pa rin bilang Kendra?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumpak din ang naulinigan nating magsasanib-pwersa sina Carla Abellana at Max Collins, at ito ay para sa drama series na To Have and To Hold.

Si Derek Ramsay ba ang ka-love triangle nila? O itutuloy ni Derek ang Sanggang Dikit with another leading lady?

Katambal sana ni Derek si Andrea Torres sa Sanggang Dikit. E, naghiwalay sila. At pinalitan ni Andrea si Megan Young bilang isa sa tatlong asawa ni Ishmael (karakter ni Dennis Trillo) sa cultural drama series na Legal Wives.

Makakasama ni Megan ang asawang si Mikael Daez sa pagho-host ng Sing For Hearts.

Maliban kay Richard Yap, si Paolo Contis ang isa pang leading man ni Heart Evangelista sa sweeping romance drama na I Left My Heart in Sorsogon.

Tatlong taon na ang lumipas mula nang gawin ni Heart ang My Korean Jagiya (Agosto 2017-Enero 2018), katambal si Alexander Lee. Totoo ba ang tsismis na co-producer si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa bagong series ni Heart?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay magbibida sa mini-series na Alternate.

Ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ay magpapasiklab naman sa Love.Die.Repeat, na out-of-the-box ang konsepto.

Naibalita noon na sa GTV ipapalabas ang Heartful Café nina Julie Anne San Jose, David Licauco, at EA Guzman, pero may mga nagsa-suggest na sa GMA-7 na lang ito ipalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After all, na-delay ang pagpapalabas ng Ang Dalawang Ikaw nina Rita Daniela at Ken Chan, kaya nag-rerun ang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real nina Dingdong Dantes, Maricel Soriano, at Lovi Poe.

Sa dinami-dami ng bagong programa ng Kapuso Network, wala sa line-up ang dalawang Kapuso actress na matunog na susundan si Janine Gutierrez sa ABS-CBN alang-alang sa “career growth.”

NOEL FERRER

So, confeeeeermed na waley na sa mga bagong programa itong dalawang premyadong aktres na ang balita’y mag-oober da bakod!

Let us see kung ano naman ang bagong prestige projects na itatapat ng Kapamilya network, na kahit walang franchise ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga nagtatatak na mga panoorin.

Ang galing lang na pagkatapos maglabas ng ABS-CBN na kanilang BBC tie-up para sa Doctor Foster, heto ang halos 100 new shows ng GMA.

Muli, ang panalo rito ay tayong mga manonood!

GORGY RULA

Kinakarir ni Dingdong Dantes ang paghahanda sa bagong project na gagawin niya sa GMA-7. Lalong gumanda ang katawan niya dahil sa regular na pag-eensayo sa bahay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ni Dingdong ang bike trainer na binili niya na isa raw sa investment niya sa pandemic. Ang kalusugan talaga natin ang isa sa pinakamahalaga ngayong pandemya.

Pero kailangan din niyang pumayat at gumanda lalo ang katawan para sa Alternate.

Tama ring bigyan ng magandang project si Jennylyn Mercado dahil medyo tahimik siya ngayon. Nagawa lang niya ang isang installment (“Truly. Madly. Deadly.”) sa unang season ng I Can See You, at ni-replay ito sa second season ng nasabing anthology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ginawa niyang Magpakailanman episode (“Sa Kamay ng Fake Healer”) na ipinalabas noong nakaraang Sabado, Abril 10, ay hindi gaanong humataw sa ratings.

Mas mataas pa ang replay episode ng Magpakailanman noong Abril 3 kesa sa bagong ginawa ni Jennylyn.

Nagpahayag naman ng excitement si Richard Yap na finally makakatrabaho na niya si Heart Evangelista.

“I was really surprised that they offered to pair me with Heart because that was one of my wishes, one of the things on my wishlist, working with Heart.

“Noong sinabi sa akin, I was very happy to know about it and this is something that I really look forward to,” pahayag ni Richard.

Type na type din ni Paolo Contis itong project na binigay sa kanya. Pero sure akong type na type din siya ng Netflix, kaya baka mapapanood din ito sa Netflix pagkatapos ng airing sa GMA-7.

Samantala, ang isa pang inaabangan ay kung tatanggapin ba ng manonood ang tambalang Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa bagong drama series nilang Love You Stranger na malapit nang mapanood sa GTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasilip na si Gabbi sa kanyang vlog ng lock-in taping nila. Isang production designer ang role na gagampanan dito ni Gabbi at parang di raw nalalayo sa kanyang fashion style ang look niya rito.

Medyo naninibago lang daw dahil first time daw niyang nasalang sa lock-in taping. Kaya nagtanung-tanong pa raw siya sa mga kasamahan niya sa All-Out Sundays na sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Kyline Alcantara kung ano ang dapat gawin at mga dadalhin sa lock-in taping.

"It's my first time to experience this kind of taping. It's kind of new so I'm a bit nervous.

“I don't know if I'm overpacking or I've underpacked. I asked Kyline, I asked Julie, and Barbie what are the right things to bring," sabi ni Gabbi sa kanyang vlog.

JERRY OLEA

Kung may nagsasarang pinto, may nagbubukas na bintana.

Dalawang bagong comedy shows ang magpapakitang-gilas sa mga Kapuso... ang Pa-Cute Ang Ina Ko at The Untold Story of Philip Tampipi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-shelve ang seryeng The Seed of Love na pagbibidahan ni Glaiza de Castro, sa direksiyon ni Ricky Davao.

Ang kapalit nito ay ang TV remake ng Regal movie na Nagbabagang Luha, na bida pa rin si Glaiza at direktor si Ricky.

Co-stars ni Glaiza sa drama series na ito sina Rayver Cruz, Mike Tan, Gina Alajar, at Claire Castro.

Balik-Kapuso si Albert Martinez sa afternoon series na Las Hermanas, na tampok din sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangungunahan nina Rhian Ramos, Mark Herras, Jackie Rice, at Rocco Nacino ang drama series na Artikulo 247.

May Mara Clara ang ABS-CBN, na ni-remake pa nila. Nasa line-up naman ng GMA-7 ang Maria Clara.

Siyanga pala, ang karamihan sa halos 100 New Programs ng GMA Network ay sa GMA-7 ipapalabas, pero ang iba ay sa GTV.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results