Mga kaibigan ni Alice Dixson, may pahiwatig sa gender ng baby ng aktres

by PEP Troika
Apr 14, 2021
"When it rains, it pours," saad ni Alice Dixson patungkol sa pagkakaroon niya ng baby via surrogacy. Kita sa kanang litrato ang paa ng isang newborn baby. Nagkuwento rin si Alice tungkol sa first meeting niya sa isang batang lalaki (not in photo) na tila kanyang pamangkin sa U.S.

GORGY RULA

Mukhang excited na talaga si Alice Dixson, 51, na mag-alaga sa baby niya.

Si Alice ay kasalukuyang nasa U.S. kunsaan naroon ang kanyang baby na ipinagbuntis via surrogacy.

Kasabay nito ay bumisita rin ang aktres sa kanyang kapatid at ibang mga kapamilya roon.

Kahapon, April 13, ipinost ni Alice sa kanyang Instagram account ang video ng isang batang lalaki.

Wala kaming ideya kung pamangkin niya ito, pero binanggit ni Alice na dagdag na baby ito sa kanilang pamilya.

Nasa caption nito, "When it [rains] it pours babies [two baby emojis]

"Another cutie patootie addition in our family [heart emoji] Nangilala pa siya nyan, 1st meeting haha!

"Thinking of how my little one will look like next year walking around like this…[hugging face emoji] eee! [hugging face emoji]."

Alice Dixson with baby boy

Continue reading below ↓

Ang cute ng baby boy na nasa video kaya ang buong akala ng iba ay iyon na ang baby ng aktres.

Nagdududa tuloy kami na baka baby boy ang first baby ni Alice na iuuwi niya sa Pilipinas.

Pero sa patuloy na pagkalkal ng PEP Troika sa ilang posts ni Alice, may comment ang ilang kaibigan niya na maaaring alam kung ano ang gender ng baby ng aktres.

May isang follower na ewan ko kung kaibigan nilang tila kinakantiyawan si Pops Fernandez na sana magkaroon din daw ito ng "miracle baby girl."

Maaring may ideya si Cristalle Belo tungkol sa pagkakaroon ng baby ni Alice kaya nag-comment siya sa isang post ng aktres ng three heart emojis.

"I can’t wait to meet her [smiling face with heart-eyes emoji]," sabi ni Cristalle kay Alice.

Posibleng baby girl ang anak ni Alice, pero hintayin na lang daw natin ang pagbabalik niya, at ang announcement tungkol sa buong detalye ng pagkakaroon niya ng baby.

Continue reading below ↓

Pero nakikita sa ilang posts ng aktres ang kanyang kaligayahan sa pagkakaroon ng anak na aalagaan niya.

JERRY OLEA

Pandemya man, bumubuhos ang mga biyaya kay Alice.

Andiyan nga ang baby niya, na una niyang ibinalita noong Good Friday, April 2.

Ikalawa, isa siya sa mga bida ng ipinagmamalaking cultural drama series ng GMA-7 na Legal Wives.

More blessings, Alice!

NOEL FERRER

Buti na lang umayon ang timing ng baby na tigil-taping para sa Legal Wives ni Alice.

At least, pagkatapos ng MECQ, at kapag okay na mag-taping ulit, may dagdag nang lalim ang role na ipo-portray niya kung ina man ito.

Kung noon, inaarte lang niya, ngayon ay mas may malalim siyang paghuhugutan.

Anuman ang gender, makabaluhan ang Mother’s Day para kay Alice this year, dahil mag-iiba ang buhay niya dahil sa pagnananay niya.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"When it rains, it pours," saad ni Alice Dixson patungkol sa pagkakaroon niya ng baby via surrogacy. Kita sa kanang litrato ang paa ng isang newborn baby. Nagkuwento rin si Alice tungkol sa first meeting niya sa isang batang lalaki (not in photo) na tila kanyang pamangkin sa U.S.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results