Kitkat, expected na ang biruan tungkol kay "J" sa guesting niya sa It's Showtime

by PEP Troika
Apr 15, 2021
Kitkat on her It's Showtime guesting: “Lahat naman silang hosts ng Showtime, bago ako sumalang, kinamusta agad ako, e. OK na raw ba ako,” lahad ng singer-comedienne. Feel ko yung concern ng lahat at pag-welcome sa pagtapak ko ulit sa Showtime.”
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Halatang happy si Kitkat sa guesting niya sa It’s Showtime na nagbalik-live presentation nitong Abril 15, Huwebes.

Nahulaan ni Kitkat na si Lou Bonnevie ang Tagokanta Champion.

“Yes, feels good to be home again po hehe,” sabi ni Kitkat nang makachika namin via Messenger pagkauwi niya ng bahay.

“Pag mga games po talaga, lagi po talaga akong panalo hahaha! As in may angking swerte po talaga ako sa mga games mapa-utakan or hulaan or swertihan hahaha.

“Tsaka halos mga kapatid ko, mga andun, lalo na si Mama Vice [Ganda], mentor ko po yun. Ako po ang unang nagtawag sa kanya ng ‘Mama.’

"Mentor ko po siya noon sa comedy bars, sa Punchline at Laffline."

Nagulat ba siya sa biru-biruan tungkol kay “J” na dati niyang co-host sa Happy Time ng NET 25?

“Di po ako nagulat na biniro ako about kay J, kasi lahat naman, alam ang nangyari,” tugon ni Kitkat.

Continue reading below ↓

“Yung mga hindi alam ang istorya pero mga marunong mag-isip, alam na agad na very wrong pumatol ang lalaki at mas matanda sa bata at babae heheh.

“Saka syempre, dahil mama ko si Vice, pareho kami ng utak nun. Alam ko na bibiruin ako about dun wahahha.

“Kaya nga natawa lahat, ang sagot ko, kinabahan ako, baka batuhin ako ng mic wahahahaha!”

Kumusta ang eksena bago siya sumalang sa harap ng kamera ng It’s Showtime?

“Lahat naman silang hosts ng Showtime, bago ako sumalang, kinamusta agad ako, e. OK na raw ba ako,” lahad ng singer-comedienne.

“Feel ko yung concern ng lahat at pag-welcome sa pagtapak ko ulit sa Showtime.”

So, game din siyang mag-guest sa Eat Bulaga! ng GMA-7, maging sa Lunch Out Loud ng TV5?

“Yes po, sa lahat, ok na ok po ako hehehehe! Dati naman, ganun po ako talaga, nagge-guest ako sa Showtime at Eat Bulaga, kahit nung nasa Star Magic pa ako,” pahayag pa ni Kitkat.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, nagpabakuna na si Kitkat noong isang araw.

Aniya, “May comorbidities po ako. May hypertension, migraine, at depression po ako, di ba po?”

comedian Kitkat

GORGY RULA

Bahagi na rin iyan ng pag-move on ni Kitkat. Kahit si Janno Gibbs ay inabala na rin ang sarili sa recording.

Marami ring mga kaibigan ang sumuporta kay Kitkat. Isa na rito si Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm na isa sa tinakbuhan ni Kitkat at iniyakan. Doon niya ibinuhos ang sama ng loob sa mga nangyari.

Continue reading below ↓

Hindi naman iyan katapusan ng mundo ni Kitkat, pero pahirapan pa rin ngayon.

Sa pagbabalik ng live presentation ng It's Showtime, may ibang staff na hindi na raw muna pinabalik. Kailangan talagang limited ang mga tao sa loob ng studio.

May nakakarating sa aking kuwentong nabuburyong na raw si Vice Ganda sa ganitong set-up. Pero wala tayong magagawa kundi harapin natin ito.

Pahirap nang pahirap na talaga.

NOEL FERRER

In the end, talent rules, with goodwill... Sana, makabalik na sa regular na pagtatrabaho sina Janno at Kitkat.

At dahil sa pandemyang nagbibigay sa atin ng panahon na magnilay-nilay, sana ay magkaayos na rin sila.

Sa Eat Bulaga! naman kanina, ni-replay ang episode ni DOT Secretary Berna Puyat kaya alaskado siya at nire-request ng mga kaibigan niyang kumanta ulit siya ng "To Love Again" ni Sharon Cuneta.

Hayyyy, lockdown! Kailan kaya matatapos ito?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat on her It's Showtime guesting: “Lahat naman silang hosts ng Showtime, bago ako sumalang, kinamusta agad ako, e. OK na raw ba ako,” lahad ng singer-comedienne. Feel ko yung concern ng lahat at pag-welcome sa pagtapak ko ulit sa Showtime.”
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results