Barbie Forteza, si Jak Roberto na ba ang lalaking pakakasalan?

by PEP Troika
Apr 16, 2021
Barbie Forteza on boyfriend Jak Roberto: “I’m proud to say na tinulungan niya akong mag-grow, maging mature sa sarili ko to handle my responsibilities. Siya rin talaga ang katuwang ko kapag may problema ako, ganyan."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

GORGY RULA

Hindi pa naman pinaplano, pero napagbibiruan at napag-uusapan na raw minsan ng magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto ang kasal. Pero hanggang doon pa lang.

Seryoso na ang kanilang relasyon at kung tatanungin si Barbie, si Jak na nga kaya ang lalaking gusto niyang pakasalan?

“Wala na po kasi, parang ano, e... wala na akong nakikita na rason bakit hindi siya,” pakli ni Barbie nang nakapanayam namin sa virtual mediacon ng I Can See You: The Lookout nitong Abril 16, Biyernes.

“Siguro ang pinansiyal na lang po ang problema. Budget na lang, saka right timing,” dagdag niyang pahayag tungkol sa planong kasal nila ni Jak.

Sa halos apat na taon nilang relasyon, sinasabi ni Barbie na ang laki ng ipinagbago niya dahil sa tulong ni Jak.

“I’m proud to say na tinulungan niya akong mag-grow, maging mature sa sarili ko to handle my responsibilities.

“Siya rin talaga ang katuwang ko kapag may problema ako, ganyan.

Continue reading below ↓

“Siya rin talaga ang takbuhan ko kapag may problema ako, tapos nakakatuwa lang na never niya ako dyinudge.

"Parang naging best friend ko rin siya talaga," saad ng GMA Primetime Princess.

Kaya ipon pa raw muna, at mabuti naman, tuluy-tuloy ang kanilang trabaho.

Kakaibang project din itong ginawa ni Barbie na The Lookout. Ang bagets pa ng nakatambal niya ritong si Paul Salas, at malaking privilege din daw na muli niyang makatrabaho si Christopher de Leon.

NOEL FERRER

Isa si Barbie sa pinakamagaling at premyadong aktres sa Kapuso network.

Sana, isa siya sa mga magiging beneficiary kapag nagsilipatan na ang ibang premyadong artista sa Kapamilya network. At sana, pataasin pa ang kanyang marketability bilang movie star at commercial endorser.

Kasi, sayang naman dahil premyado na si Barbie sa kanyang brand bilang aktres.

Sana may mahanap ding partner para sa kanya na magpapataas ng kanyang premium.

Sana, talaga! Go, go, go Barbie!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin batid kung bakit ini-replay ang “Truly. Madly. Deadly.” sa second season ng I Can See You (ICSY) anthology.

Biruin mo, tig-apat ng installment ang bawa’t season ng ICSY. Tapos, may replay at ang eklay ay sakdal ganda raw ang nasabing installment?!

At any rate, itong "The Lookout" ng ICSY ay walang kinalaman sa Cinemalaya 2018 film na kapareho ng title, tinampukan nina Andres Vasquez, Jay Garcia, Elle Ramirez, at Yayo Aguila, sa direksyon ni Afi Africa.

Ibang-iba rin sa Ginalyn character niya sa seryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang papel ni Barbie dito sa ICSY: The Lookout.

Sa istorya, ang raketera at all-around helper na si Emma (Barbie Forteza) ay nangangailangan ng pera para sa operasyon ng sister niyang si Joanne (Ella Cristofani).

Dahil desperada, pumayag si Emma na maging lookout para sa kaibigan niyang si Dalo (Luis Hontiveros) na nagbabalak pagnakawan ang nakaririwasang pamilya Penuliar. Kaso... may isa pa palang intruder sa nasabing bahay!

Continue reading below ↓

Love interest ni Barbie sa The Lookout si Paul Salas, na nagdiwang ng ika-23 kaarawan nitong Biyernes.

Nag-post si Paul sa Instagram ng litrato niyang naka-Bench underwear nitong Biyernes ng tanghali.

Sa loob ng walong oras ay mahigit 22K ang nag-like sa pa-underwear ni Paul.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on boyfriend Jak Roberto: “I’m proud to say na tinulungan niya akong mag-grow, maging mature sa sarili ko to handle my responsibilities. Siya rin talaga ang katuwang ko kapag may problema ako, ganyan."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results