ASAP Natin 'To, live uli; All-Out Sundays, "Work From Home"

by PEP Troika
Apr 17, 2021
Live na mapapanood ang ASAP Natin 'To bukas, April 18, kunsaan bibigyan ng tribute ang namayapang OPM jukebox icon na si Claire dela Fuente (kaliwa), at magse-celebrate kanyang birthday si Regine Velasquez (kanan).
PHOTO/S: ASAP Natin 'To PR

JERRY OLEA

Live na naman ang ASAP Natin ‘To bukas, Abril 19, Linggo ng tanghali sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Pangungunahan nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Jed Madela, Erik Santos, Klarisse de Guzman, at Zsa Zsa Padilla ang tribute sa OPM jukebox icon na si Claire dela Fuente na pumanaw noong Marso 30, Martes Santo.

Naka-ECQ ang NCR + mula Marso 29, Lunes Santo hanggang Abril 11, kaya “best of” ang episodes ng ASAP for two Sundays, at bukas pa lang sila makakapagpugay kay Claire.

Back-to-back ang celebration ng ASAP Natin ‘To sa birthday ni Regine Velasquez, at 38th anniversary in showbiz ni Gary Valenciano.

Regine Velasquez birthday celebration in ASAP Natin To

Continue reading below ↓

Siyempre, may maalab na promo sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion para sa teleserye nilang Init Sa Magdamag, kasama si Jona.

Pasabog ang homecoming ni Darren Espanto, kasama ang G-Force.

Hahataw rin sina Kim Chiu, AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Jin Macapagal, Joao Constancia, Jameson Blake, Maris Racal, at Vivoree Esclito.

Mapapanood din ang ASAP Natin ‘To worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

ASAP Natin To Tribute special to Claire dela Fuente

NOEL FERRER

Malaking pribilehiyo ngayon ang magkaroon ng trabaho. Pero mas malaking responsibilidad ang manatiling buhay.

Ang hirap ng ganitong balanse. Kaya malaking hamon, hindi lang para sa ASAP Natin ‘To kundi sa buong industriya natin na alagaan ang ating kalusugan laban sa pandemya.

Kung ang "Tawag Ng Tanghalan" ng It’s Showtime ay nasa Zoom ang mga hurado, at via Zoom din ang Happy Time, paano kaya gagawin ang ibang live shows like Eat Bulaga at kahit na ang All Out Sundays?

Basta anuman ang porma na gagawin nila para makapaghandog ng fresh episodes... INGAT!!!

GORGY RULA

Maingat pa rin muna ngayon ang mga taga-All-Out Sundays kaya ‘Work From Home’ muna sila.

Ipinagbabawal pa ang taping sa studio, dahil sa hindi muna nila ina-allow na magtrabaho sa labas ang mga Kapuso artists.

Pero live naman ang AOS bukas kung saan ‘Summercation’ ang concept ng opening number nila tampok ang medley ng mga hottest Pinoy band hits, na kakantahin nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Rita Daniela, Barbie Forteza, Ken Chan, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Christian Bautista, Mark Bautista, Mavy Legaspi, Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Garret Bolden, at Kim de Leon.

Continue reading below ↓

Bilang nasa bahay naman sila, ipapasilip ni Gabbi Garcia ang kanyang closet at ipapakita ang OOTD na match na match ngayong summer.

Pinag-usapan na rin lang ang Bench Body pictorial nina Derrick Monasterio at Paul Salas, kasama sila sa OG Boys na sina Ken, Ruru, at Jerick Gonzales sa roadtrip na "Overdrive" ng Erasherheads.

Ang kaibahan pa ng AOS ay ang energetic na Tiktokerists nilang sina Rayver at Rodjun Cruz, Rochelle Pangilinan, Barbie, at sina DJ Loonyo at Mannex Manhattan sa kanilang "Cypher" segment.

Dagdag pa ang kuwelang romantic musical-comedy na "Love Doctors" nina Paolo Contis, Rhian Ramos, Denise Barbacena, Kristoffer Martin, Betong Sumaya, Jennie Gabriel, at Tuesday Vargas.

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Live na mapapanood ang ASAP Natin 'To bukas, April 18, kunsaan bibigyan ng tribute ang namayapang OPM jukebox icon na si Claire dela Fuente (kaliwa), at magse-celebrate kanyang birthday si Regine Velasquez (kanan).
PHOTO/S: ASAP Natin 'To PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results