Pamilya ng comebacking actress, tinamaan ng COVID-19

by PEP Troika
Apr 17, 2021
Jhong Hilario as Tina Turner and Vhong Navarro in Your Face Sounds Familiar.
Malakas sana ang laban ni Jhong Hilario (as Tina Turner, left and as Vhong Navarro, right) sa Your Face Sounds Familiar, pero mas priority ng dancer-turned-actor and TV host ang kaligtasan ng kanyang pamilya, kaya kinailangan niyang lisanin ang show.
PHOTO/S: Screengrab from Your Face Sounds Familiar

NOEL FERRER

Family first. Nagpahayag na ng pagbibitiw sa kanyang Your Face Sounds Familiar journey ang tinaguriang "Sample King" na si Jhong Hilario.

Kinailangang gawin ito ni Jhong dahil kasisilang lang ng misis niya ng kanyang first born na si Sarina.

Nagpasalamat si Jhong sa mga kasamahan sa ABS-CBN sa pag-iintindi sa kanyang desisyon.

Kasi, hindi raw niya kayang isakripisyo ang kapakanan ng anak kung siya’y mae-expose sa ibang tao sa labas ng kanilang bahay.

Sayang, kasi, kasama pa naman si Jhong sa Top 4 contestants so far kasama sina Klarisse de Guzman, CJ Navato, at iDolls.

Pero tama naman that we all err on the side of caution—para iwasan na talaga ang insidente ng Covid na ngayo’y pami-pamilya ang tinatamaan, tulad na lang ng nabalitaan kong comebacking actress.

Sana, bumuti na ang lagay nilang mag-anak.

GORGY RULA

Iyon din ang dahilan kung bakit bakasyon din muna si Jhong sa It’s Showtime, na nag-live presentation na muli noong Abril 15, Huwebes.

Continue reading below ↓

Naintindihan naman daw siya, dahil mas iniisip muna ng actor-politician ang kanyang pamilya.

Bilang nasa district 1 kami ng Makati City na pinagsisilbihan ni Jhong bilang konsehal, hindi kailangang personal siyang lumabas dahil nagagawa niya ang kanyang obligasyon kahit nasa bahay lang siya.

Nagsisimula na rin silang magbigay ng ayuda at vaccination sa mga taga-Makati.

JERRY OLEA

Ngayong Abril 17, Sabado ay 11,101 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

So far, 926,052 na ang naitalang kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Bago matapos ang Abril, malamang na lumampas sa 1M-mark ang kabuuang bilang ng kaso.

Kaya nauunawaan natin sina Marian Rivera, Jhong Hilario, at iba pang artista na staycation muna sa kani-kanyang tahanan, at isinasaalang-alang ang kaligtasan ng pamilya higit sa kung ano pa man.

Puwede pa rin naman silang magtrabaho at maging productive kahit naka-house arrest sila.

Ang kahabag-habag at kalunus-lunos, yung mga kababayan natin na nganga sa ayuda, at wagas ang pagdarahop.

Yung mga naghahanap ng trabaho dahil hilahod sa buhay pero wala talagang mahanap na raket.

Tungkol sa pamilya ng comebacking actress na tinamaan ng COVID-19, dalangin nating malagpasan nila ang pagsubok na ito.

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malakas sana ang laban ni Jhong Hilario (as Tina Turner, left and as Vhong Navarro, right) sa Your Face Sounds Familiar, pero mas priority ng dancer-turned-actor and TV host ang kaligtasan ng kanyang pamilya, kaya kinailangan niyang lisanin ang show.
PHOTO/S: Screengrab from Your Face Sounds Familiar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results