Watch Now

Community pantries, nabahiran ng isyu dahil sa red-tagging at pananamantala ng ilan

by PEP Troika
Apr 20, 2021
Nabahiran ng isyu ang inisyatibo ng private individuals na pagtatayo ng community pantries dahil sa red-tagging sa ilang nag-oorganisa at sa panlilimas ng ilang kababaihan sa isang community pantry.
PHOTO/S: Patricia Non / Carla Quioge

JERRY OLEA

Nag-viral ang CCTV video kung saan sinimot ng anim na babae ang isang community pantry kahapon, Abril 19, Lunes, sa Bo. Kapitolyo, Pasig City.

Bidang-bida sa CCTV video at memes ang babaeng humakot ng dalawang tray ng itlog.

Ang biruan, wala raw bang itlog ang kanyang asawa kaya kinamkam niya ang libreng itlog? Anak ng Pasig talaga, oo!

Nitong Abril 20, Lunes ng gabi, nag-post si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Facebook, “Some Community Pantries have sprung up in Pasig. (more than 30 by my unofficial count.)

“We commend the individuals who are helping as they can afford. Government has limited resources, so any effort to help others is very welcome.

“Para sa mga nagtatanong, hindi kailangan ng permit para gawin ‘to. Wala po tayong ‘Permit to Help.’”

Ang community pantry ay pinasimulan ni Ana Patricia Non sa Maginhawa St., Quezon City.

Earlier this Tuesday, naglabas ng pahayag si QC Mayor Joy Belmonte na sinusuportahan ng QC local government si Ana Patricia Non at ang iba pang nagtayo ng community pantries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Indeed, these initiatives highlight the bayanihan spirit inherent in our QCitizens,” bahagi ng statement ni Mayor Joy.

“The city government will therefore ensure that the organizers and beneficiaries of Community Pantries remain safe and unimpeded...

“In these difficult times, let us allow kindness and selflessness to prevail. Mabuhay po tayong lahat, at magtulungan po tayong lahat.”

Iba’t ibang pagkain ang karaniwang nakalagay sa community pantries, kung saan swak ang paalala, “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”

In English, “Give what you can, take what you need.”

Sa gay lingo, “Jumannogibbs ayon sa keriboomboompow, gumetlakchi batay sa needsung.”

Meron ding nagtayo ng “community library.”

Merong “paw-ntry” ng mga pagkain para sa aso.

Ang nakakaloka, merong pantries ng mga alak, beer at iba pang inuming nakakalasing.

Ang nakakawindang, ginawa ring katatawanan at nagtayo kunwari ng “community panties.”

Nakasampay ang panties, at pumili ka batay sa size, at gusto mong kulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang da height, may pantry rin kuning-kuning ng sex toys!

NOEL FERRER

Narinig ko mismo kaninang umaga si DILG Undersecretary on Barangay Affairs Martin Diño sa Headstart ni Karen Davila.

Ang sabi niya’y kailangang may permit ang community pantries sa mga barangay at LGUs to ensure the compliance of health protocols.

Dali-dali naman itong sinagot ng DILG Usec Jonathan Malaya, “Sabi namin sa barangay, huwag ninyong i-require kumuha ng permit. Hayaan niyo ‘yan.”

Ang tanong tuloy ng netizens: “Diño ba naririnig? Wala ba kaya silang group chat sa DILG at sila-sila, nagkokontrahan sa harap ng publiko?”

Ang tanong tuloy ng mga tao: “Kailan naging mali ang pagtulong? Suporta ang kailangan at hindi red tagging.”

Isang senador ang nagsabi: “Suporta, hindi suspetsa. Ito ang dapat tugon natin sa mga community pantries.”

Sabi ng isang kagalang-galang at premyadong manunulat na kasamahan natin sa industriya na si Lualhati Bautista, “Pati ba naman mga inisyatibo na may magandang layunin na tulad ng community pantry, ire-red tag ng mga sipsip sa gubyerno?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ang nag-uudyok sa mga red-taggers na ito para gawin ang ganoon? Inggit na hindi sila ang nakaisip ng inisyatiba na naka-inspire sa marami?

“Galit, na lalong nalalantad ang kahirapan ng taong-bayan at kakulangan ng gubyerno na tugunan ang kahirapang ito na 'yung mga nasa katungkulan ang pangunahing dapat tumugon?

“O simpleng kawalan ng simpatiya kundi man pagkamuhi sa taong-bayan? Masyado na kayong kasumpa-sumpa!”

GORGY RULA

Noong minsang nagbakasyon ako sa London, kasama si Sir Noel, nasaksihan ko ang tipong "community pantry" na ginagawa ng ilang tagaroon.

Nakapunta kami sa Bournemouth, isang bayan sa United Kingdom.

Nasaksihan ko roon sa ilang kapitbahay ng pinsan kong tinuluyan namin na kapag may mga sobra silang mga prutas na napipitas sa kanilang bakuran, kagaya ng mansanas at orange, inilalagay nila ito sa labas ng kanilang gate at bukas yun sa lahat na gustong kumuha, walang babayaran.

Walang abusado roon, kumukuha lang sila ayon sa kaya nilang kainin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatuwa na dito sa atin ay nakakaisip sila ng ganoong bayanihan na ibinabahagi ang kayang ibigay sa mga nangangailangan.

Pero ‘onli in the Pilipins’! Dito lang nakikita ang ganoong may mga abusado.

Sabi ng isang katrabaho ko sa radyo, kung sa lugar daw nila sa Tondo may naglagay ng ganung community pantry, tiyak na may mag-aaway na, at baka magpanaan pa dahil sa agawan ng makukuha.

Pero ‘onli in the Pilipins’ ding kapag may sikat na pinag-uusapan at nagustuhan ng taumbayan, kagaya nitong community pantry, tiyak na may eepal, may magpapapel at makikialam kahit wala namang alam!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabahiran ng isyu ang inisyatibo ng private individuals na pagtatayo ng community pantries dahil sa red-tagging sa ilang nag-oorganisa at sa panlilimas ng ilang kababaihan sa isang community pantry.
PHOTO/S: Patricia Non / Carla Quioge
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results