TV Patrol anchors Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano, naka-self-quarantine; dalawang cameramen ng 24 Oras, pumanaw na

by PEP Troika
Apr 21, 2021
Hindi muna mapapanood sa TV Patrol sina Henry Omaga-Diaz (kaliwa) at Bernadette Sembrano (gitna) dahil naka-self-quarantine sila; ipinagluluksa naman ng 24 Oras ang pagpanaw ng dalawa nilang cameramen na sina Caloy Samaniego (kanan, itas) at Alex Ico (kanan, ibaba) dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / 24 Oras

NOEL FERRER

Nagulat ang viewers ng TV Patrol ngayong Miyerkules ng gabi, April 21, nang sabihin ni Julius Babao na pansamantalang sila muna nina Karen Davila at Alvin Elchico ang magtataong-bahay sa news program ng ABS-CBN.

Nagse-self-quarantine daw kasi ngayon ang co-anchors nilang sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano.

Anong nangyari?

At kung sina Bernadette at Henry ay nagse-self quarantine, kumusta naman kaya si Kabayan Noli de Castro na ilang beses naringgan ng mga taong umuubo sa primetime newscast ng Kapamilya network?

Hayyyy, sana ligtas silang lahat sa COVID-19 at sana, since kasama na ang mga news-media frontliners sa A4 essential workers, ay mabakunahan na rin sila.

GORGY RULA

Ang lungkot din bago magpaalam ang newscasters ng 24 Oras kanina.

Nagbigay-pugay sila sa mga kasamahan sa Kapuso network na pumanaw dahil sa COVID-19.

Nagpaalam sila sa dating Vice President ng Corporate Communications ng GMA-7 na si Sir Butch Racquel na pumanaw kagabi, April 20.

Continue reading below ↓

Malungkot ding binanggit ni Vicky Morales na pumanaw na ang magigiting nilang cameramen na sina Caloy Samaniego at Alex Ico "sa gitna ng COVID-19 pandemic."

Tagos sa puso ang pagkasabi niyang mami-miss nila sina Caloy at Alex na madalas nilang nakakasama sa mga coverage.

Nakalungkot, at lalo pang nakakatakot. Huwag lang po tayo magsawa sa patuloy na panalangin.

JERRY OLEA

Nalungkot tayo sa Facebook post ng aktor na si Oliver Aquino nitong Abril 20, Martes ng gabi, kung saan ipinost niyang positibo siya sa COVID-19 antigen test.

Ikinalumbay rin natin ang balitang nakarating sa atin na ang isang kaibigang film-TV director ay “fighting for his life due to COVID-19” habang nakaratay sa isang ospital sa San Fernando City, Pampanga.

Dalangin nating malampasan nila ang pagsubok na ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi muna mapapanood sa TV Patrol sina Henry Omaga-Diaz (kaliwa) at Bernadette Sembrano (gitna) dahil naka-self-quarantine sila; ipinagluluksa naman ng 24 Oras ang pagpanaw ng dalawa nilang cameramen na sina Caloy Samaniego (kanan, itas) at Alex Ico (kanan, ibaba) dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from TV Patrol / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results