Senator Bong Revilla, malaki ang pasasalamat sa GMA-7 sa di pagbitaw sa kanya

by PEP Troika
Apr 22, 2021
Ikinagulat ni Senator Bong Revilla nang sabihin sa kanyang sa May 1 na ang simula ng kanyang comeback action TV series na Agimat ng Agila.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Ini-announce ni Senator Bong Revilla noong Marso 26, Biyernes, sa Facebook na mapapanood na ang action-fantasy series niyang Agimat ng Agila umpisa Mayo.

Napag-alaman ng PEP Troika na sa Mayo 22, Sabado, ito nakatakdang mag-premiere.

Kaya nagulat tayo sa Facebook post ni Senator Bong nitong Abril 21, Miyerkules, “Lilipad na sa GMA ang pinakaaabangan nating AGIMAT NG AGILA sa darating na May 1, ganap na 7:15 ng gabi!

“Sama-sama nating salubungin ito sa pamamagitan ng biyaya at papremyo.

“Kaya huwag nang magpahuli at tumutok sa ating Facebook Live ngayong May 1, 5:00 pm!

“Siguraduhing tumutok kasama ang buong pamilya para sama-sama nating mapanood ang unang paglipad ng Agimat ng Agila sa GMA-7 pagkatapos ng ating Amazing Giveaway! “

Tiyak na magandang blow-out ito para sa inyo at inyong pamilya! Kaya kitakits po muli mga kababayan!”

Nakasama ang PEP Troika sa preview ng first two episodes ng Agimat ng Agila noong Pebrero 12, Chinese New Year, sa tahanan nina Senator Bong at Mayor Lani Mercado sa isang exclusive village.

Continue reading below ↓

Kagigiliwan ng buong pamilya, lalo ng mga bata, ang mga pakikipagsapalaran ni Major Gabriel Labrador (karakter ni Bong) bilang lider ng Task Force: Kalikasan, na napili ng enchanted eagle para iligtas ang bayan ng San Jacinto.

Pahayag ng direktor na si Rico Gutierrez, “Excited na excited si Senator Bong, kasi ang tagal niyang walang action film na ginagawa, pati action series. So, ito iyong pagbabalik niya.

“Noong umpisa, aminado si Sen na nanibago siya. It took a while bago gumawa uli siya ng ganitong project, e. Sabi niya, ‘OK ba? OK ba naman?’

“After second, third take... parang nanumbalik na. Kasi, iyong first scene niya, with Sheryl Cruz. So, I think, na-warm up siya doon.”

Bong Revilla, Sheryl Cruz, Yuan Francisco in Agimat ng Agila

Continue reading below ↓

Senator Bong Revilla, Sheryl Cruz, and Yuan Francisco

Maliksi pa rin ba si Senator Bong sa action scenes?

“Mabilis pa rin si Sen!” sagot agad ni Direk Rico.

Maliban kay Sheryl, nasa cast ng Agimat ng Agila sina Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Elizabeth Oropesa, Edgar Allan “EA” Guzman, at Yuan Francisco.

Ang huling pelikulang ginawa ni Senator Bong ay ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako na isa sa walong official entries ng 2012 Metro Manila Film Festival.

GORGY RULA

Nagulat nga si Senator Bong nang ipinarating sa kanyang sa Mayo 1 na magsisimula ang Agimat ng Agila.

Ang buong akala niya ay Mayo 22 pa ito magsisimula, pero napaaga. Okay naman daw dahil nataon ding mamimigay siya ng papremyo sa kanyang Kap’s Amazing Giveaway para sa mga manggagawa sa Labor Day.

Paulit-ulit na nagpasalamat si Senator Bong sa GMA 7 dahil sa ibinigay sa kanyang suporta sa kanyang pagbabalik-TV.

Continue reading below ↓

Hindi raw talaga siya binitawan ng Kapuso network, kaya nasa GMA-7 din ang puso niya.

Proud siya sa proyektong ito dahil talagang kinarir ito ni Direk Rico Gutierrez, lalo na ang special effects na binusisi nang husto.

Hindi na ikagugulat ng actor-politician na maglalabasan na naman ang mga trolls at kung anu-anong kanegahan ang gagawin nila.

Mas nag-focus na lang ngayon siya sa magagandang komento sa action-adventure series na ito.

At least, may bago na namang mapapanood ang ating televiewers, dahil replays pa ang ilang naipapalabas.

NOEL FERRER

Wow! Brave ang kahit na anong effort na magtatampok ng bagong episodes ngayong may surge pa rin ng COVID-19 cases.

Buti na lang at matagal nang nakunan ang materyal na ito ni Senator Bong. Nakadalawang araw sila ng shooting bago ideklara ang community quarantine noong Marso 15, 2020.

Nag-lock-in shooting sila ng labintatlong (13) araw noong Nobyembre 2020 sa Tanay, Rizal.

Mabusisi ang post-production ng technical effects ng Agimat ng Agila, kaya tiyak aabangan ito ng mga tao.

Continue reading below ↓

Sana, by the time maipalabas ito ay mag-normalize na ang COVID situation natin at hindi na overwhelmed ang mga ospital, para mas maraming makapag-enjoy ng bagong panooring ito mula sa Kapuso network.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat ni Senator Bong Revilla nang sabihin sa kanyang sa May 1 na ang simula ng kanyang comeback action TV series na Agimat ng Agila.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results