Ang Probinsyano, aabot pa sa sixth anniversary nito sa September? First Yaya, consistent na mataas ang ratings

by PEP Troika
Apr 22, 2021
Painit nang painit ang mga eksena sa FPJ's Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin (kaliwa); rarampa naman nang naka-two piece si Sanya Lopez (kanan) sa First Yaya.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Umiinit pang lalo ang mga kaganapan sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 p.m. sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Lalong mahihirapan si Lily (Lorna Tolentino) na tuparin ang pangarap na maging presidente ng Pilipinas pagkatapos siyang agawan ng kapangyarihan ni Renato (John Arcilla).

Nauwi sa wala ang pagmamanipula ni Lily sa pekeng presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) dahil sa huli ay pinili nitong kumampi kay Renato, ang most wanted na kriminal sa bansa.

Dahil sa kanilang kasunduan, naipabasura na rin ang mga kaso laban kay Renato, at magsisilbi na itong lider ng bansa nang hindi nalalaman ng taumbayan.

Ngayong hawak na ni Renato ang kapangyarihan, lalaki ang puwersa ng mga kalaban ni Cardo (Coco Martin) dahil kasosyo na rin ng mga ito ang isa pang kaaway ni Cardo na si Lito (Richard Gutierrez).

Habang nagtatago si Cardo kasama ang bihag na si Lia (Jane de Leon), susubukin ng Task Force Agila na makalusot sa mga awtoridad para hanapin at siguraduhing wala sa panganib ang kanilang lider.

Continue reading below ↓

Napapanood din ang maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano sa CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Napatunayang fake news ang lumutang noon na magwawakas ang FPJ’s Ang Probinsyano ngayong Abril.

Abang-abang ang mga tao kung aabot pa ang teleserye ni Cardo Dalisay sa ikaanim na anibersaryo nito sa Setyembre!

NOEL FERRER

At heto ka, ang balita natin, habang ang ibang produksiyon ay maghihintay pang matapos ang MECQ sa katapusan ng buwan, ang FPJ’s Ang Probinsyano ay back-to-taping na ngayong weekend.

Pero knowing the Team, sobrang ingat nila sa health protocols at masusubok iyan sa mga bagong variants!

Ideal sanang nabakunahan na ang mga may comorbidities para hindi na sila tamaan ng matinding epekto ng sakit, if ever.

Pero habang nagtatrabaho ang isang aktor na taga-Probinsyano, buti na lang at set to start na rin ang taga-Doctor Forster ng minamahal niyang aktres.

Continue reading below ↓

At least, mangyari man yun, pareho silang busy sa kani-kanyang tahimik, productive at masayang relasyon. #SanaAll

GORGY RULA

Ang latest na nabalitaan ko sa FPJ’s Ang Probinsyano ay resume na sila ng taping na nasa Cycle 7 na raw.

Kung totoo yung nababalitang hanggang Cycle 9 na lang sila, maaaring hanggang July na lang ito.

Pero pawang haka-haka pa lang ang mga ito, dahil depende iyan sa feedback ng mga manonood, kahit malaki na ang nabawas sa kanilang loyal followers.

Hindi rin nagpapaawat ang First Yaya ni Sanya Lopez dahil pawang maganda rin ang feedback sa mga manonood, at consistent na mataas ang rating.

Ang nakuha kong rating mula sa AGB Neilsen kahapon, April 21, naka-21.9% ang First Yaya, 9.3% ang FPJ’s Ang Probinsyano, at 7.9% ang Huwag Kang Mangamba.

Ngayong gabi ay rarampang naka-two piece ang pinakaseksing Yaya na si Sanya Lopez, at unti-unti nang nagpapakita ng interes si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) kay Yaya Melody.

Continue reading below ↓

Nagkikilig-kiligan na silang dalawa na ikinatuwa naman ng mga manonood.

Malapit na ring bumalik sa lock-in taping ang First Yaya, at mas mahigpit sila ngayon sa safety protocols dahil aabot ng isang buwan ang taping.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Painit nang painit ang mga eksena sa FPJ's Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin (kaliwa); rarampa naman nang naka-two piece si Sanya Lopez (kanan) sa First Yaya.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results