Bernadette Sembrano at ibang news personalities, hindi nakaligtas sa panganib ng COVID-19

by PEP Troika
Apr 23, 2021
Kabilang sina Bernadette Sembrano (kaliwa) at Cheryl Cosim (kanan) sa mga news personalities na hindi nakaligtas sa panganib na dulot ng COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: @bsaguinaldo on Instagram / Cheryl Cosim-Alvarez on Facebook

NOel FERRER

Bago pa inihayag ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa Instagram nitong Abril 22, Huwebes ng gabi, nabalitaan na nating positibo siya sa COVID-19.

This explains why nag-iingat at naging outdoor na ang pagbabalita ng Kapamilya network para ma-assure ang good flow ng hangin at social distancing.

Sa kanyang post ngayong Abril 23, Biyernes, nagpaaraw si Ate B.

Ang sabi niya, “Get some sunshine!!!! Vitamin D to boost your immune system!!! 20 minutes! Come out Mr. Sun!!! Kayo din -- bask in the sun!!”

Na sinundan pa niya ng paalalang ito: “Monitor yourself closely. 3 times a day. Ummm, and please don’t use your pulse oximeter while you are anxiously hyperventilating!!! Speaking from experience. :)

“Slow breathing helps.

“INHALE happy thoughts. EXHALE worries.”

Hindi ito ang unang kaso ng news personalities na naapektuhan ng COVID.

Nauna na ang dati naming kasama sa ABS-CBN News desk na si Lyle Parreno, pati na ang ibang GMA News staff, di ba, Tito Gorgy?

Continue reading below ↓

Pati sa TV5, mabuti nga at tapos na ang COVID ordeal ni Cheryl Cosim at nakabalik na siya sa kanyang pamilya after the isolation.

Kaya ingat-ingat pa rin tayo!

GORGY RULA

Yun naman talaga ang kailangan nating gawin—ang mag-ingat talaga.

Kaya kung napapansin ninyo, hindi lumalabas sina Mike Enriquez at Mel Tiangco sa 24 Oras, at mga non-senior muna ang nakasalang sa GMA News kagaya nina Atom Araullo, Vicky Morales, Pia Arcanghel, at Ivan Mayrina.

Dahil nag-positive si Bernadette, naka-quarantine pa rin muna sina Noli de Castro at Henry Omaga-Diaz.

Hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR test nila na maaring lumabas ngayon o bukas.

Hindi naman sila pinapabayaan ng network na, sa totoo lang, ang laki na ng nagagastos sa ganitong additional expenses.

Kagaya nitong sa GMA News and Public Affairs, pati pamilya ng ilang staff na pumanaw sa COVID-19 ay tinutulungan at ginagastusan ng network.

May isang staff na pumanaw dahil sa COVID-19. Nakatutok ngayon ang GMA News ang Public Affairs sa pag-monitor ng kalagayan ng pamilya ng pumanaw na staff dahil nahawa na rin ang asawa pati ang mga anak at ang yaya.

Continue reading below ↓

Nakakaawa dahil wala pang ideya ang mga bata sa nakakatakot na sakit na ito, pero pinagdudusahan na nila.

Hindi pa raw alam ng mga bata na pumanaw na ang kanilang ama, dahil naka-quarantine sila ngayon.

Ilan lamang ito sa nakapanlulumong kuwento ng mga tinamaan ng COVID-19 na wala tayong magawa kundi harapin at labanan ito.

Hindi natin alam kung hanggang kailan ito at kung ano ang plano ng gobyerno para malagpasan natin ito.

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagpapalaganap ng impormasyon ng DOH (Department Of Health) kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Sa mga nagtatanong kung may lunas na ba para sa COVID-19, inamin ng DOH, “Sa kasalukuyan, walang lisensyadong gamot upang malunasan ang COVID-19.

“Gayunpaman, may mga isinasagawang pag-aaral o clinical trials upang malaman kung epektibo ang mga gamot sa COVID-19.

“Ang pagsunod sa minimum public health standards at pagbabakuna kontra COVID-19 ang pinakamagandang paraan sa ngayon para maprotektahan mula sa virus.”

Continue reading below ↓

Para sa mga kababayan nating Muslim, ni-repost ng DOH ang video post sa Facebook ng Ministry of Health—BARMM kung saan ipinaliwag ni Grand Mufti of Bangsamoro Sheikh Abuhuraira A. Udasan na “getting the COVID-19 vaccine does not nullify fasting during the month of Ramadan.

“As indicated in Religious Guidelines No. 25 dated 6 March 2021, the Darul-Ifta of the BARMM sees that vaccine for healing and preventive measures is lawful (halal).”

Mag-ingat po tayong lahat!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Bernadette Sembrano (kaliwa) at Cheryl Cosim (kanan) sa mga news personalities na hindi nakaligtas sa panganib na dulot ng COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: @bsaguinaldo on Instagram / Cheryl Cosim-Alvarez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results