Brgy. Holy Spirit, pinag-iisipan kung dapat sampahan ng reklamo si Angel Locsin dahil sa paglabag umano sa IATF protocols

by PEP Troika
Apr 23, 2021
Quezon City Mayor Joy Belmonte (not in photo), nakikidalamhati sa naulilang pamilya ng senior citizen na pumanaw sa lugar kunsaan nagsagawa ng community pantry si Angel Locsin. Paalala ng alkalde sa mga nasasakupan: "While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LG
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @therealangellocsin Instagram (inset)

JERRY OLEA

Nag-live sa Facebook at Instagram si Angel Locsin nitong Abril 23, Biyernes ng tanghali, kaugnay sa pagdagsa ng nga tao sa pinasimulan niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Bahagi ito ng pagdiriwang niya ng ika-36 kaarawan ngayong araw.

Pagsapit ng 3:21 p.m., nag-post pa si Angel sa kanyang Facebook page, kung saan kinumpirma niya ang pagpanaw ng senior citizen na pumila sa kanyang community pantry.

Sa Maginhawa St., Quezon City nag-umpisa ang community pantry, at sa parehong lungsod din unang napaulat na may namatay sa pagpila upang makakuha ng pagkain.

Bandang 4:03 p.m., naglabas ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay sa nangyaring insidente sa pa-community pantry ni Angel.

Ani Mayor Joy, "We are deeply saddened by the untimely death of Mr. Rolando dela Cruz, 67 years old, who perished during a community pantry organized by actress and philanthropist Angel Locsin.

"The city government will shoulder the burial expenses of Mr. dela Cruz, and will extend financial assistance to his family.

Continue reading below ↓

"While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LGU.

"The barangay and local government are here to assist with crowd control and health protocols, to ensure that untoward incidents are minimized.

"Advanced coordination will allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive.

"Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans, which would have surely made a difference in the outcome of today's events.

"My dear QCitizens, let us continue to be kind and compassionate, but practice foresight while doing both."

QC mayor Joy Belmonte official statement on senior citizen death at Angel Locsin pantry

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin nitong kuwento ng pagkakagulo sa community pantry na inorganisa ni Angel Locsin. May mga nakisawsaw na.

May mga sipsip na mas pinansin ang gulong nangyari kesa sa hangarin ng Kapamilya actress na makapagpaabot ng tulong sa mga tao.

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, pinag-iisipan daw ng pamunuan ng Brgy. Holy Spirit na sampahan ng reklamo si Angel dahil hindi raw nasunod ang safety protocols na ipinapatupad ng IATF (Inter Agency Task Force) sa ganitong activity.

Hindi nakontrol ang pagkakagulo ng mga taong gustong makauna sa pagkuha ng ayuda mula sa aktres.

Kaya nabalewala raw ang social distancing na naging sanhi ng pagpanaw ng isang senior citizen na nakipila.

Ayon kay Barangay Holy Spirit Councilor Jomar Logarto, hindi nakipag-coordinate sa kanila ang kampo ni Angel kaya walang nailatag na sistema para sa crowd control.

Nagulat na lang daw sila sa barangay, dahil sa hindi na kinaya ng mga barangay tanod at mga tauhan ng Task Force Disiplina ang napakaraming taong dumagsa sa naturang barangay para makakuha sa mga ipinamimigay ni Angel.

Continue reading below ↓

Angel Locsin IATF protocol violation

Taliwas sa pahayag ng konsehal, unang inihayag ni Angel na nakipag-ugnayan daw siya sa barangay, munisipyo, pulisya, at pati sa military officials para tumulong sa crowd control para sa inorganisa niyang community pantry.

Sadyang hindi raw kinaya ng mga nagbabantay ang hindi inaasahang pagdagsa ng maraming tao at insidente kunsaan may mga sumisingit sa pila.

Continue reading below ↓

Humingi ng pasensya si Angel sa mga naabalang tao at giniit na ang tanging intensyon niya ay makatulong sa mga nangangailan bilang pa-birthday niya sa mga ito.

NOEL FERRER

Hindi nakapag-guest nang live ang tagapasimuno ng Maginhawa Community Pantry na si Ana Patricia Non sa aking Level Up program dahil ipinatawag daw siya ni Mayor Joy Belmonte.

At ngayo’y nag-uusap kung paano makapagtulungan at mas gagawin pang maayos ang sistema ng mga community pantry.

Ito’y tugon na rin sa nangyari kanina sa namatay ng senior citizen sa Barangay Holy Spirit sa QC.

Sabi ko nga, nakakalungkot lang na ang diskurso sa community pantry, imbes na tumuon sa pagtulong at paglutas ng problema ay pinaghahati tayo. Hayyyyy....

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Mayor Joy Belmonte (not in photo), nakikidalamhati sa naulilang pamilya ng senior citizen na pumanaw sa lugar kunsaan nagsagawa ng community pantry si Angel Locsin. Paalala ng alkalde sa mga nasasakupan: "While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LG
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @therealangellocsin Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results