"The Lookout" mini series ni Barbie Forteza pumailanlang ang ratings

by PEP Troika
Apr 24, 2021
Bago nag-finale kagabi, April 23, 2021, ang The Lookout ni Barbie Forteza, nagtamo ito ng "highest rating" among the episodes of GMA-7 drama anthology I Can See You.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Sobrang saya ni Barbie Forteza dahil tinanggap ng mga manonood si Emma Castro, ang magician assistant na character niya sa "The Lookout" installment ng I Can See You anthology.

Sabi ni Barbie, tingin niya ay tapos na siya sa pa-sweet at pa-teeny bopper na role, kaya gustung-gusto niya itong ginawa niya sa "The Lookout" dahil ibang-iba ito sa mga nagampanan niya sa mga drama series.

Umere ang first episode nito noong Lunes, April 19, 2021, at nakapagtala ng 14.6% rating mula sa AGB-Neilsen.

Pataas siya nang pataas nung mga sumunod na episodes dahil ang ganda ng takbo ng kuwento.

Noong April 20, Martes, ay nag-15.8%, at noong April 21, Miyerkules, naging 16.2%. Lalo pang tumaas nung April 22, Huwebes, at nagkaroon ng 17.6%.

Inaasahang lalo pa itong tumaas kagabi, April 23, dahil ending na ito at mas kapana-panabik na ang sumunod na tagpo.

Ang katapat na Init sa Magdamag ng ABS-CBN na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya channel, at Jeepney TV ay nakakuha ng 3.7% hanggang 4.8%.

Continue reading below ↓

Ang saya ni Barbie, dahil nakita niyang gusto rin daw pala ng mga tao ang ginawa niya sa naturang mini series.

Natuwa rin sina Christopher de Leon at Adrian Alandy dahil maganda ang feedback sa kanilang pagbabalik-Kapuso.

NOEL FERRER

Nasilip ko ang naturang series at pulido nga ang pagkakagawa. Magaling nga sina Barbie, Boyet, at Adrian.

Konting praktis pa si Paul at konting bawas pa kay Marina para pumantay sila sa kaeksena nila.

Sa mga ganitong mini series, may latitude sila para mag-experiment at lumihis sa mga nakasanayan nang formula. Kaya siguro nakakaangat ito sa ratings. Keep it up!

JERRY OLEA

Abangan natin kung ano ang susunod na series ng Kapuso Prime-time Princess. Iyong mga kakaibang role na gaya nitong sa "The Lookout" ay ok lang sa mini series.

Pagdating sa matagalang serye, mas bet ko pa rin si Barbie sa mga karakter niyang pakikay-kikay.

Wala tayong kuwestiyon sa husay ni Barbie. OK ang tambalan ni Paul Salas.

Continue reading below ↓

Inaasam natin na mag-partner pa sila sa isang TV series. If ever, may bago nang “Barbie” sa buhay ni Paul!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago nag-finale kagabi, April 23, 2021, ang The Lookout ni Barbie Forteza, nagtamo ito ng "highest rating" among the episodes of GMA-7 drama anthology I Can See You.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results