The PreNup nina Jennylyn Mercado, Sam Milby umarangkada sa Netflix

by PEP Troika
Apr 25, 2021
Dalawang South Korean projects ang naungusan ng The PreNup nina Jennlyn Mercado at Sam Milby sa top trending movies ng Netflix Philippines.
PHOTO/S: Screen Grab from Netflix

JERRY OLEA

Nanguna sa Netflix Philippines ang pelikulang Four Sisters Before The Wedding (2020) mula Abril 17, 2021, Sabado, 7:00 p.m., hanggang Abril 23, Biyernes, 7 p.m., bago ito nalaglag sa pangalawang puwesto.

Pagkaalis ng Four Sisters Before The Wedding sa top spot ay naligwak na rin sa Top 10 ang pelikulang Four Sisters and A Wedding (2013).

Nitong Sabado ng 7:00 pm ay bumaba muli sa puwesto ang Four Sisters Before The Wedding. Napunta ito sa #4. Pero may bagong Pinoy movie na #1 sa Netflix Philippines, ang 2015 Regal movie na The PreNup nina Jennylyn Mercado at Sam Milby, sa direkson ni Jun Lana.

Panay-panay ang promo ni Jennylyn sa Facebook bago nag-umpisa ang streaming nitong The PreNup noong Abril 23, Biyernes.

"Grabe kayo! Thank you for making #ThePreNup trend at No. 1 on Netflix today! Confetti para sa inyong lahat!” post ni Jennylyn sa Facebook kagabi.

May follow-up post agad ang tinaguriang Ultimate Star sa Facebook, “No Wedding, No Loving! Iba ka rin talaga Wendy! Panoorin ang #ThePreNup sa Netflix. No. 1 Trending today!”

Continue reading below ↓

Wendy ang pangalan ng karakter ni Jennylyn sa nasabing movie.

Ang iba pang nasa top 5 ngayon ng Netflix Philippines ay ang 2017 Korean film na Confidential Assignment (#2), 2021 Korean series na Vincenzo (#3), at 2021 Korean series Law School (#5).

Pasok sa top 10 ng Netflix Philippines ang 2015 animated film na Minions (#6), 2021 series na Shadow and Bone (#7), 2020 Korean series na Tale of the Nine Tailed (#8), 2021 Japanese film na Homunculus (#9), at 2021 film na Love and Monsters (#10).

NOEL FERRER

Hindi mo talaga masisi ang mga tao kung mahumaling sa Netflix para kumalinga sa atin at mang-aliw habang tayo ay nasa prolonged lockdown.

Ako, nahumaling ako sa panonood ng documentaries. Katulad ng nakaka-relax na pagtingin sa aquarium, dokyu tungkol sa buhay sa karagatan ang naibigan ko—ang Oscar nominee na My Octopus Teacher at Seaspiracy.

Inspiring din ang isa pang Oscar nominee na Crip Camp na produced nina Barrack and Michelle Obama. Tungkol ito sa may kapansanan.

Continue reading below ↓

May nag-suggest din na panoorin ko ang Athlete A, The College Admissions Scandal, This Is Robbery (about the biggest art heist), at Made You Look (true story about fake art).

Nakapila sa papanoorin ko ngayon ang mga docus ni Joanna Lumley na Silk Road Adventure, Japan, Trans-Siberian, atbp.

May we be able to recommend some good viewing lalo na ngayong sama-sama pa rin tayong sumusuong sa napakatagal nang pandemya.

GORGY RULA

Hindi malayong makakalimutan na ng karamihan ang mga sinehan dahil masaya na silang nakakapanood ng magagandang pelikula, series, at documentaries sa Netlflix.

Kaya dito sa atin ay pinapalakas na rin ang ganitong klase ng streaming site gaya ng Upstream, Vivamax, KTX, at kahit ang FDCP Channel.

Tuloy pa rin ang pagpu-produce ng ilang producers dahil nandiyan ang Netflix na posibleng makakabawi sa puhunan nila.

Kawawa rin kung tuluyan na ngang mamamatay ang mga sinehan. Ang daming trabahador ang mapipilitang maghanap ng ibang hanapbuhay.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang South Korean projects ang naungusan ng The PreNup nina Jennlyn Mercado at Sam Milby sa top trending movies ng Netflix Philippines.
PHOTO/S: Screen Grab from Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results