Sinu-sino ang bet mo para sa main cast ng Pinoy adaptation ng Doctor Foster?

by PEP Troika
Apr 25, 2021
Halimbawang si Jodi Sta. Maria (L) ang female lead for Doctor Foster, sino ang gusto mong male lead: Jericho Rosales (top, right) o Zanjoe Marudo (bottom, right)? Para sa role ng mistress, Lovi Poe (top, middle) o Charlie Dizon (bottom, middle)?
PHOTO/S: @jodistamaria @lovipoe @charliedizon_ @jerichorosalesofficial @onlyzanjoemarudo on Instagam

NOEL FERRER

Palaisipan ang mga magsisiganap sa mga pangunahing roles sa Filipino version ng Doctor Foster, kung saan hango ang ang South Korean hit series na The World Of A Married Couple.

Nandiyan ang gusto ng fans na bagay sa ating Teleserye Queen na si Judy Ann Santos—na totoo naman.

Pero mukhang napakaingat ni Juday sa pagtanggap ng projects sa panahon ng pandemya, kaya understandable kung magpa-pass muna siya sa project na ito.

Isa sa mga hula natin, at bagay rin sa kanya, ay si Jodi Sta. Maria. Premyadong mahusay na aktres and coming from a highly successful Ang Sa Iyo Ay Akin, magandang follow-up project ito kay Jodi.

Kung casting coup ang iisipin, bagay na karibal ni Jodi si Julia Barretto, pero malakas ang balitang Lovi Poe is it!

At ang isa pang nakikita kong bagay sa role ng other woman ay ang award-winning actress ding si Nadine Lustre, pero hintayin natin ang final announcement.

Continue reading below ↓

As to the role of the leading mankung ako ang tatanunginvery compelling sana kung ang #1 PEP Greatest Movie Actor na si Jericho Rosales ang gaganap.

Maganda ring comeback project sana ito ni John Lloyd Cruz.

Pero ang hula ko, sa mga natitirang Kapamilya leading men, baka si Zanjoe Marudo ang matoka rito after his successful stint sa Walang Hanggang Paalam.

Hindi naman kasi puwede si Paulo Avelino dahil siya na ang bagong kapartner ni Janine Gutierrez sa bago nitong teleserye.

Kung si Jodi nga ang gaganap na bida, ok rin sana kung si Raymart ang gaganap na partner, pero may FPJ’s Ang Probinsyano pa ang kapatid kong Santiago.

Sinu-sino ang mga hula ninyo na gaganap, mga Ka-Troika?

JERRY OLEA

Abril 13, Martes, nang mapabalita ang kasunduan ng BBC at ABS-CBN na gawin ang Pinoy remake ng TV series na Doctor Foster.

Bet ko na agad na magbida rito si Jodi Sta. Maria at swak sa kanya ang tagline na, “Ang asawa ko ay akin!”

Continue reading below ↓

Katatapos lang kasing gawin ni Jodi ang seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, kasama sina Iza Calzado at Sam Milby.

Para sa leading man at mistress, bet ko sana sina Paulo Avelino at Charlie Dizon na nagtambal sa pelikulang Fan Girl. Nag-best actor at best actress sila sa MMFF 2020, maging sa 4th Eddys ng SPEEd, para sa pagganap nila sa nasabing pelikula.

Ibang dynamics naman ang matutunghayan natin sa kanila, if ever. Kaso, inilaan na si Paulo para maging leading man ni Janine Gutierrez sa una nitong teleserye sa ABS-CBN, na tampok din ang bagong lipat na si Sunshine Dizon.

Sa farewell presscon ng teleseryeng Halik noong Abril 11, 2019 ay inihayag ni Jericho Rosales na huling teleserye na niya iyon. Kaya malabo si Jericho sa Pinoy version ng Doctor Foster.

Aprub na sa akin kung si Zanjoe Marudo ang gaganap na philandering husband sa serye.

Iyong role ng mistress ay para dapat sa young actress na more or less ay 23 years old. Keri iyan nina Charlie Dizon, Sue Ramirez, at Nadine Lustre.

Continue reading below ↓

Kung ang 32-year-old na si Lovi Poe ang gaganap na mistress, dapat iakma sa edad niya ang karakter ng kabit.

Nag-back out si Nadine Lustre sa teleseryeng Burado (na naging Walang Hanggang Paalam). May usapin pa ang kontrata ni Nadine sa Viva. Kailangan ba ng go signal ng Viva para makagawa si Nadine ng teleserye?

GORGY RULA

Mataas ang expectations ko sa drama series na iyan, dahil napanood ko ang The World of The Married, napakaganda talaga.

Solved na ako sa K-Drama na iyon, kahit hindi ko na panoorin ang Doctor Foster.

Pinag-usapan nga itong The World of The Married, a.k.a. The World of A Married Couple ni Sunshine Dizon at ng manager niyang si Perry Lansigan sa IG Live.

Sinabi ni Perry kay Sunshine na panoorin niya ito. Pero ang daming nagku-comment na mas maganda pa rin daw ang Ika-6 na Utos ni Sunshine.

Pero iba ang gagawin ni Sunshine sa Kapamilya, di ba? Kaya okay rin kung kay Lovi Poe ibibigay dahil hindi na makukuwestiyon ang galing niya sa pag-arte.

Continue reading below ↓

Kung matutuloy ang mga hula mo, Sir Noel, sa mga gaganap sa Pinoy adaptation ng Doctor Foster, talagang tagisan ng galing ito dahil may ibubuga silang lahat.

Pero may ilang pangalan pang lumilitaw, di ba? Kagaya nina Sue Ramirez at Nadine Lustre. Di ba, dapat ay kasali rin si Joanna Ampil pero committed pa rin pala siya South Pacific sa United Kingdom. Kaya abangan na lang natin ang kanilang final announcement.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halimbawang si Jodi Sta. Maria (L) ang female lead for Doctor Foster, sino ang gusto mong male lead: Jericho Rosales (top, right) o Zanjoe Marudo (bottom, right)? Para sa role ng mistress, Lovi Poe (top, middle) o Charlie Dizon (bottom, middle)?
PHOTO/S: @jodistamaria @lovipoe @charliedizon_ @jerichorosalesofficial @onlyzanjoemarudo on Instagam
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results