Governor Jonvic Remulla, may libreng patuli pagkatapos makipagbati kay Mayor Isko Moreno

by PEP Troika
Apr 26, 2021
Tatlong araw mula ihayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na hindi niya uurangan si Manila Mayor Isko Moreno, nilinaw ng gobernador na nagkaayos na sila ng alkalde. "Hindi na kailangan ang mga parinigan," sabi pa ni Gov. Jonvic.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Nanawagan sa Facebook si Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga katropa nitong Abril 26, Lunes ng umaga, na itigil na muna ang mga online bardagulan.

"Peace na kami ni Yorme. Hindi na kailangan ang mga parinigan," ani Governor Jonvic, na ang tinutukoy ay si Manila Mayor Isko Moreno.

Sinasabing tumawag si Mayor Isko kay Governor Jonvic noong Biyernes, Abril 23, upang ipaliwanag ang panig nito tungkol sa ilang mga residente sa Naic, Cavite na galing Maynila na hindi umano isinama sa social amelioration program sa Naic.

Hindi na bet ni Governor Jonvic na awayin si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa isyu ng red-tagging.

Ayaw na ring sumawsaw ni Governor Jonvic sa isyu ng community pantry, dahil mas importante ang nais niyang pagtuunan ng pansin.

Aniya, "Pangalawang summer na tayo sa ECQ at MECQ dito sa Cavite. Napakaraming bagay ang naantala. Mga kasalan, binyagan at birthday na walang imbitado. Lahat yan ay tanggap na natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngunit ang nakakabahala ay pangalawang summer na sa Cavite na walang chop-chop, tabas-dulo o ang tinatawag na ‘tuli’ (circumcision) na traditionally ay ginaganap tuwing summer.

"Dahil dito ay marami sa ating mga binatilyo ang hindi tumatangkad. Marami ring nagbibinata ang hindi nabibigyan ng oportunidad para maging lubusang POGI.

"Kaya’t kinakailangang aksyunan na bago mauwi sa huli ang lahat!"

Nilinaw ni Governor Jonvic na ang 13-anyos niyang anak na si Tiago ay tinuli na pagkasilang dito.

Nangako si Gov Jonvic na ngayong Lunes ng hapon ay tatawagan niya ang mga alkalde ng Cavite para mag-organisa ng libreng tuli drive.

Pagdidiin ni Gov. Jonvic, "Ito ay dapat sumunod sa mga anti-COVID guidelines tulad ng social distancing, crowd control at ma-amendahan ang panukala na bawal lumabas ang mga kabataan below 18 years old.

"SAGIPIN ANG SUPOT NA KINABUKASAN: LIBRENG TULI ANG KAILANGAN."

NOEL FERRER

Sa panahon ng pandemya, kani-kanyang pagbaling sa kung ano sa kanila ang mahalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isang paraan, harapin ang problema nang diretsahan.

Iyong iba, hahanap ng ibang landas na makakagaan sa kalooban. Kay Governor Jonvic, tuli is essential. Bow.

GORGY RULA

Tradisyon na kasi nating mga Pilipino na nagpapatuli ang mga kabataang lalaki tuwing summer. Pero iba na ang panahon ngayon.

Ano ba ang mahalaga? Ano ba ang mas essential? Ang talop na ari o may laman ang tiyan?

Minsan naman kasi, ang ilang pulitiko natin, ang dami pang iniisip na pwedeng pag-usapan sa social media para visible lang sila.

Maging maingat na lang sana at piliin na lang ang mga nababasa sa socmed kung alin ang mas kailangan o puwedeng paglaruan lang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong araw mula ihayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na hindi niya uurangan si Manila Mayor Isko Moreno, nilinaw ng gobernador na nagkaayos na sila ng alkalde. "Hindi na kailangan ang mga parinigan," sabi pa ni Gov. Jonvic.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results