Doctor Foster Pinoy remake casting: Judy Ann Santos vs Jodi Sta. Maria, Lovi Poe vs Sue Ramirez

by PEP Troika
Apr 26, 2021
Sino kina Judy Ann Santos (dulong kaliwa) at Jodi Sta. Maria (panglawa sa kaliwa) ang gaganap sa lead role ng Pinoy remake ng Doctor Foster? Totoo nga kayang si Sue Ramirez (dulong kanan) na ang gaganap bilang mistress dahil pinipigilan daw ng GMA-7 si Lovi Poe (pangalawa sa kanan) na lumipat sa ABS-CBN?
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Sa gitna ng paghuhulaan sa magiging cast ng Filipino version ng Doctor Foster, may nagpahayag na fan ni Judy Ann Santos sa ating comments section na ipagnonobena niya kay St. Jude Thaddeus ang pagpayag ng Teleserye Queen para gumanap sa lead role.

Ang sabi ni Mike Mutia, na isa ring radio DJ, “Tiklop-luhod akong nagmamakaawa sa iyo, Miss Judy Ann Santos-Agoncillo, nananawagan na sana’y tanggapin mo ang female lead role para sa PH adaptation ng Doctor Foster.

“Handa akong alagaan ang mga bata at pagsilbihan si Ryan makapag-bubble taping ka lang! At dahil desperado na ako, ipagsisindi ko ng kandila at ipagdadasal kay St. Jude na sana ay tanggapin mo ang project na ito.”

Hayyyy, kung pwede lang sana... at kung ganoon lang kadali ang pagdedesisyon, na ibang-iba talaga lalo pa’t nahaharap pa rin tayo sa pandemya.

At oo nga pala, matunog talaga ang pangalan ni Sue—hindi Prado —kundi Ramirez bilang mistress sa Filipino adaptation ng Doctor Foster.

Continue reading below ↓

Kaya ligwak na si Lovi Poe, na kung si Juday yun ay bagay talaga si Nadine Lustre.

Anyare, Tito Gorgy? At ano ang sabi ng madlang people, Tito Jerry?

JERRY OLEA

Matunog na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at Sue Ramirez ang gaganap na mga pangunahing tauhan sa Pinoy remake ng Doctor Foster.

Bumilib ako kay Sue nang mapanood ko siya sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi (2018).

Sa pelikulang Cuddle Weather (2019) ay pinatunayan ni Sue na keri niya ang mapangahas na karakter.

Kaya excited ako kung siya na ang gaganap na kulasisi sa bagong teleserye.

Si Lovi Poe, gumanap nang “other woman” sa Kapuso teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real (2014) na nagtampok din kina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

Naulinigan nating posibleng maudlot ang pag-over da bakod ni Lovi. Abangan natin ang mga susunod na kaganapan.

GORGY RULA

Hanggang sa ngayon ay wala pang kinukumpirma ang kampo ni Lovi Poe kung talagang tuloy na siya sa paglipat sa Kapamilya channel at gagawin na itong Doctor Foster.

Continue reading below ↓

May naririnig kasi akong pinigilan si Lovi ng GMA-7 at may counter-offer daw ang Kapuso network para sa renewal ng contract.

Under negotiation pa rin daw hanggang ngayon, at wala pang napagkasunduan.

Pero marami raw Kapuso artists ang nagpapayo kay Lovi na huwag na lang umalis. Kaya abangan natin kung ano ang desisyon nila sa counter-offer ng GMA-7.

Kung mananatili pa rin sa GMA 7 si Lovi, posibleng kay Sue Ramirez na ang role ng kabit sa Pinoy remake ng Doctor Foster.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kina Judy Ann Santos (dulong kaliwa) at Jodi Sta. Maria (panglawa sa kaliwa) ang gaganap sa lead role ng Pinoy remake ng Doctor Foster? Totoo nga kayang si Sue Ramirez (dulong kanan) na ang gaganap bilang mistress dahil pinipigilan daw ng GMA-7 si Lovi Poe (pangalawa sa kanan) na lumipat sa ABS-CBN?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results