Agimat ng Agila ni Bong Revilla, papalit sa timeslot ng Catch Me Out Philippines

by PEP Troika
Apr 26, 2021
Tampok sina Bong Revilla at Sanya Lopez (lower right), ang Agimat Ng Agila ay eere na simula May 1 sa GMA-7. Kapalit ito sa timeslot ng Catch Me Out Philippines na hino-host ni Jose Manalo (left).
PHOTO/S: Catch Me Out Philippines / Agimat Ng Agila

JERRY OLEA

Pahinga muna ang reality-talent show ng Kapuso Network na Catch Me Out Philippines (CMOP) simula sa Mayo 1, Sabado.

Ayon sa Facebook post ng Catch Me Out Philippines nitong Abril 25, Linggo, babalik pa ang programang hinu-host ni Jose Manalo.

"Maraming salamat sa inyong suporta sa #CatchMeOutPh! See you soon and always stay safe, mga Kapuso!" sabi pa sa Facebook post ng programa.

Simula Mayo 1 ay mapapanood na sa timeslot ng Catch Me Out Philippines ang action-fantasy series ni Ramon “Bong” Revilla na Agimat ng Agila.

Originally ay sa Mayo 22 pa sana magpi-premiere ang Agimat ng Agila, na nagtatampok din kina Sanya Lopez, Sheryl Cruz, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Elizabeth Oropesa, Edgar Allan “EA” Guzman, at Miggs Cuaderno.

Ang alam namin ay labintatlo (13) ang episodes ng Agimat ng Agila, na magpi-premiere simula Mayo 1, Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Bong Revilla in Agimat ng Agila

GORGY RULA

Ang isang concern kasi ng mga taga-CMOP, nagbabayad sila ng music tuwing nai-ere ito. So, kahit replay, babayaran pa nila uli yun.

Bukod pa riyan, takot pa rin ang karamihan ng mga artista, pati ang staff, na mag-taping sa loob ng studio.

Pero inaayos na ngayon ang schedule ng taping dahil kailangan na nilang magbangko ng episodes para pagkatapos ng Agimat ng Agila ay marami na silang episodes na magagamit.

Hindi rin kasi natin natitiyak sa mga susunod na araw at baka balik uli tayo sa ECQ. Huwag naman sana. Pero mabuti na ring mapaghandaan.

Pero unti-unti na ring magti-taping ang ibang shows dahil napapagod na rin yata ang televiewers sa replay.

Ang All-Out Sundays ay magbabalik-live na sa darating na Linggo, Mayo 2.

NOEL FERRER

This must really be a business decision on the part of GMA-7 na ipalabas na ang action-fantasy series ni Senator Bong. Noong Nobyembre 2020 pa natapos ang lock-in shooting, at binubusisi ang special effects nito.

Makabubuting hintayin ang mas safe na kundisyon para mag-taping muli ng game show.

With us hitting the 1M mark ng COVID-19 cases a few days bago ng original end of the month prediction ng Octo Research Group, sa tingin ninyo, mag-a-advance na ba tayo sa GCQ ulit sa Mayo despite the recommendation of the DOH na mag-MECQ pa rin?

Continue reading below ↓

Hayyyy... walang katapusang Q na yata tayo!

JERRY OLEA

Nabagu-bago ang program line-up ng GMA-7 dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong magtatapos na ang afternoon drama series na Bilangin Ang Bituin sa Langit ay panay-panay ang plugs ng papalit dito na Ang Dalawang Ikaw na balik-tambalan nina Rita Daniela at Ken Chan.

Dahil sa COVID surge ay natigil ang lock-in shooting ng Ang Dalawang Ikaw. Ang kapalit ng Bilangin Ang Bituin sa Langit umpisa Marso 29, Lunes ng hapon, ay ang rerun ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Inasam natin noong ilipat sa afternoon block ng GMA ang Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco na nakalaan sa GTV. Pwede itong maging kapalit ng teledramang Magkaagaw.

Nagpasya ang mga Kapuso bossing na sa primetime ng GMA-7 ipuwesto ang Heartful Café bilang kapalit ng second season ng I Can See You anthology umpisa Abril 26, Lunes.

Ang ipinalit sa Magkaagaw umpisa Abril 5 ay replay ng episodes ng Karelasyon. Nitong Abril 19, Lunes ng 2:30 p.m., ay humalili rito ang Thai drama series na The Desire.

Continue reading below ↓

Nagpahinga ang reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na Centerstage simula Abril 18, Linggo.

Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, itinigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo.

Sa Mayo babalik ang Centerstage. Pumalit for the meantime sa Centerstage ang flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina Bong Revilla at Sanya Lopez (lower right), ang Agimat Ng Agila ay eere na simula May 1 sa GMA-7. Kapalit ito sa timeslot ng Catch Me Out Philippines na hino-host ni Jose Manalo (left).
PHOTO/S: Catch Me Out Philippines / Agimat Ng Agila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results