Beauty queens, nagmamaganda sa mga programa ng GMA-7

by PEP Troika
Apr 29, 2021
Kapuso kontrabidas: (from left) Maxine Medina in First Yaya, Winwyn Marquez in Owe My Love, and Michelle Dee in Agimat ng Agila.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nagmamaganda ang mga beauty queen sa mga programa ng GMA-7.

Sa primetime series na First Yaya, nakakainis si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina bilang Lorraine Prado na bubog sa pagitan nina Yaya Melody (Sanya Lopez) at President Glenn (Gabby Concepcion).

Sa seryeng Owe My Love, nakakairita si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez bilang Trixie na tinik sa pagitan nina Sensen (Lovi Poe) at Dok Migs (Benjamin Alves).

At sa action-fantasy series na Agimat ng Agila, gaganap si Miss World Philippines 2019 Michelle Dee bilang mahiwagang Serpenta na sagabal kina Maya (Sanya Lopez) at Major Gabriel (Ramon “Bong” Revilla Jr.).

Opo! Maya ang pangalan ng karakter ni Sanya sa Agimat ng Agila. E, di ba, Maya ang pangalan ng karakter ni Jodi Sta. Maria sa Kapamilya morning series na Be Careful With My Heart (2012-2014), kung saan naging yaya ito ng bunsong anak ni Ser Chief (Richard Yap)?

Continue reading below ↓

At any rate, napapanood ang First Yaya at Owe My Love mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

Mag-uumpisa ang Agimat ng Agila sa Mayo 1, Sabado ng 7:15 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto.

NOEL FERRER

Parang for this, it’s a case na artista muna then they become beauty queens for reinvention.

Winwyn Marquez and Michelle Dee both come from showbiz families—actually, magpinsan.

Ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez at ang ina ni Michelle na si Melanie Marquez ay magkapatid sa ama na si Direk Artemio “Temyong” Marquez.

Habang nagtatak sila sa pagiging beauty queen, sana sa pagbabalik nila sa kanilang profession, makikilala sila sa kanilang galing din at hindi lang gawing raket ang showbiz.

I really hope they make their distinct marks because at certain points of their parents’ lives ay kinilala rin ang mga pinanggalingan nilang puno na seryosong artista.

Sana, ganoon din ang mangyari sa mga bunga!!!

GORGY RULA

Ang gaganda na rin kasi ng mga kontrabida na kinukuha.

Dapat, punung-puno ng confidence at malakas ang dating. Kaya bagay na bagay riyan ang ating beauty queens.

Si Winwyn Marquez na nakapagbida na rin ay mas naa-appreciate sa kontrabida roles. Naging kontrabida rin ni Sanya si Winwyn sa GMA afternoon drama na Dahil sa Pag-ibig, at ngayon ay si Maxine naman.

Para kay Michelle Dee, mas challenging sa kanya ang kontrabida role. Kaya nang inalok sa kanya ng GMA ang role ni Serpenta sa Agimat ng Agila ay na-excite daw siya dahil tingin niya ay mas natsa-challenge siya sa ganitong role.

“I’m very competitive kasi with myself. So, I took it as a challenge for my acting career.

"I’m very happy because GMA gave me the opportunity to show my talents especially I took a break because of Miss World,” pakli ni Michelle.

Kaya pagkatapos niyang gawin itong Agimat ng Agila, sana raw ay kasama pa rin siya sa season 2.

Continue reading below ↓

“I really enjoyed it. I loved tackling that character.

"I really enjoyed preparing for it and, I think, like after everything naman, natutuwa ako. Kasi, natutuwa rin ang mga directors ko sa performance ko, and that’s all I really wanted us to make.

“Siyempre, I wanna show GMA na hindi nasayang ang investment nila sa akin.

“I’m really hoping na hanggang sa season 2 and sana GMA can see more potential in me para sa iba pang projects,” sabi pa ni Michelle.

Serpenta is an evil shadow creature who acts as an oracle for Alejandro (Roi Vinzon) in Agimat ng Agila.

Ibang klase naman ang mapapanood natin kay Nora Aunor sa pelikula niyang Kontrabida. First time daw niya itong gawin, kaya talagang pinag-aralan niya ang karakter.

Nora Aunor in Kontrabida

Continue reading below ↓

Puring-puri siya rito ni Direk Adolf Alix Jr., at sabi ng line producer nilang si Dennis Evangelista, lalo siyang napahanga sa original superstar.

Wala pang inia-announce na streaming date para sa pelikulang Kontrabida.

Sa Noranians na sabik mapanood ang kanilang idolo, ire-replay ng Magpakailanman sa Mayo 1, Sabado ng 8:00 p.m. (pagkatapos ng Agimat ng Agila) ang episode na “Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares Story.”

Caregiver ang papel dito ni Ate Guy. Tampok din sa episode na ito sina Ricky Davao at Chlaui Malayao, sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes (RIP).

Nora Aunor and Ricky Davao in Magpakailanman episode

Continue reading below ↓

Una iyong ipinalabas noong Oktubre 17, 2015.

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso kontrabidas: (from left) Maxine Medina in First Yaya, Winwyn Marquez in Owe My Love, and Michelle Dee in Agimat ng Agila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results