Kim Chiu, may bagong single halos isang taon makalipas ang "Bawal Lumabas"

by PEP Troika
Apr 29, 2021
Pinanindigan ni Kim Chiu ang pagiging Queen of The Dance Floor ng ASAP Natin 'To sa kanyang bagong party song na "KIMMI."
PHOTO/S: Kim Chiu Instagram

JERRY OLEA

Konting kembot pa at unang anibersaryo na ng “Law of Classroom” ni Kim Chiu.

Mayo 8, 2020 ang Facebook live na “Laban Kapamilya” kung saan nag-ugat ang “Bawal Lumabas” ni Chinita Princess na pinagpiyestahan sa Tiktok, ginawang kanta with official dance choreography by DJ Loonyo, nagkaroon ng merchandise na ang kinita ay inilaan sa kawanggawa, at naging mini-series sa iWant TFC.

Sa pagdiriwang ni Kim ng ika-15 taon sa showbiz, ilulunsad ang bago niyang single na "KIMMI" bukas, Abril 30, Biyernes, sa digital platforms na Spotify, Apple Music, YouTube, at Deezer.

"Roll up to the party roll up roll up to the party! Dili ta mang gawas kay manayaw tag in ani,” post ni Kim sa Instagram at Facebook noong Abril 26, Lunes.

Continue reading below ↓

Mala-party anthem ang kantang "KIMMI" na handog ng Star Pop label ng ABS-CBN. Isinulat at ipinrodyus ito ng DJ M.O.D. ng It’s Showtime.

Isang proud Cebuano, nagdagdag si Kim ng lyrics sa Bisaya para sa kantang nagpapaalalang dapat enjoy-in ang buhay na para bang isa itong party.

Aba! Si Kim ang undisputed Queen of The Dance Floor ng ASAP Natin ‘To, ‘no?! At dahil tag-araw na, panay-panay rin ang pa-bikini ni Kim sa socmed.

NOEL FERRER

Buti na lang, may It’s Showtime si Kim for sustained exposure. May ASAP Natin ‘To pa kapag Linggo, so buhay na buhay siya sa diwa ng mga Kapamilya.

Active siya sa social media kaya kahit papaano, may update din sa pribadong buhay niya roon.

I wonder kung nami-miss ni Kimmy na gumawa ng teleserye na last year lang ay meron pa sila ni Xian sa pagsisimula ng pandemya.

At least, sa kasipagan ni Kim, she remains to be relevant among the Kapamilya stars.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mukhang maghi-hit naman ito sa You Tube. Maganda ang mga komento sa Twitter nang prinomote niya ito. Lalo pa yatang dumami ang fans ni Kim Chiu dahil ang daming natutuwa sa kanya sa It’s Showtime.

Tuwing nati-tweet ang It’s Showtime, marami ang nagku-comment na nakakatawa raw si Kimmi sa naturang programa.

Kaya nami-maintain niya ang ganda ng career sa gitna ng pandemya. May plano kaya ang Kapamilya channel na bagong drama series para kay Kim Chiu?

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinanindigan ni Kim Chiu ang pagiging Queen of The Dance Floor ng ASAP Natin 'To sa kanyang bagong party song na "KIMMI."
PHOTO/S: Kim Chiu Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results