AJ Raval, cycling shorts lang ang suot sa steamy scene nila ni Diego Loyzaga

by PEP Troika
Apr 29, 2021
"Wala naman po akong naramdaman. Work lang po," sagot ni AJ Raval nang tanungin kung nadala ba si Diego Loyzaga sa mainit na eksena nila sa Death of A Girlfriend.
PHOTO/S: @ajraval / @diegoloyzaga Instagram

GORGY RULA

Ang lakas pala ng dating nitong si AJ Raval, na nag-guest sa radio program namin sa DZRH noong Martes, Abril 27.

Nagkagulo ang technicians namin sa radio na nagri-request ng shout out sa 20-year-old sexy actress.

Nag-promote si AJ ng bagong pelikula niyang Death of A Girlfriend na magsisimula nang i-stream bukas, April 30, sa Vivamax, iWant TFC, KTX.Ph, at Sky PPV.

Ibinahagi ni AJ ang isang love scene nila ni Diego Loyzaga kung saan silang dalawa lang sa loob ng kuwarto, at si Direk Yam Laranas na ang nag-camera.

Pareho raw nakahubad sina AJ at Diego, habang si Direk Yam ang nag-shoot sa kanila pagkatapos palabasin ang ibang mga tao sa set.

"Naka-cycling shorts lang po kami, pero alaga naman po ako ni Direk. Hindi naman po ako nabastos dun," pakli ni AJ.

Tinanong namin kung wala ba siyang naramdaman kay Diego na maaring nadala sa mainit na eksena?

Continue reading below ↓

"Wala naman po akong naramdaman. Work lang po," diretso niyang sagot sa amin.

AJ Raval, Diego Loyzaga sexy scene in Death of A Girlfriend

Hindi raw niya alam kung magri-react na naman ang daddy niyang si Jeric Raval na tutol sa pagpasok niya sa showbiz.

Nangako raw siyang magpo-focus muna siya sa trabaho, at wala munang ie-entertain na manliligaw.

Continue reading below ↓

Inamin niyang may mga artistang kasamahan sa Viva na pumuporma sa kanya, pero sa career daw muna siya magpu-focus.

"Meron naman pong lumalapit sa akin pero hindi ko na lang po pinapansin,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Kahit anong pilit namin kung sino ang nanliligaw sa kanya, secret daw.

"Meron po mga actors, pero hindi ko po sasabihin. Hindi naman po ako magsisinungaling. Secret lang po," saad niya.

"Sa totoo lang po, hindi po ako nagpi-pay attention sa mga guys. Mas inuuna ko po muna iyung career ko.

“Kasi po, before parang nadala na po ako sa ex ko po. Inuna ko po siya, tapos ang dami pong nawala. Nahirapan po ako.

"Ayun po, nadala na rin po ako kaya ayoko po munang mag-pay attention sa mga guys," dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Nabanggit ni AJ na gusto niyang sundan ang career path ni Lovi Poe.

"Ang galing niya pong umarte—sexy, seductive, ang ganda po ng mukha, at sobrang class niya po," sabi ni AJ.

Continue reading below ↓

Sa mga veteran actress, hinahangaan daw niya sina Ara Mina at Ina Raymundo.

Balak daw niyang tapusin ang pag-aaral niya pag wala nang pandemic.

High school lang daw ang natapos niya at nag-aral sa Alternative Learning System.

"Kung wala na pong pandemic at okay na po yung panahon, siguro po, itutuloy ko po yung school ko."

I wonder kung tanggap na tanggap na ng daddy niyang si Jeric ang kanyang pagpapa-sexy.

At least, mukhang responsable naman kahit mukhang game na game itong si AJ.

JERRY OLEA

Si AJ Raval ang Pandemic Pantasya ng Bayan!

Bini-build up na noon ng Kapuso Network si Kim Domingo, pero tinalikuran niya ang pagiging sex symbol.

Level-up na sana si Ivana Alawi sa Kapamilya teleseryeng Lihim ni Ligaya, ngunit nag-back out siya.

Sinalo ni Erich Gonzales ang project, na naging La Vida Lena.

Sa Instagram pa lang ay panay-panay na ang pa-sexy ni AJ Raval, na ikinagalit minsan ng ama niyang si Jeric Raval.

Continue reading below ↓

Agaw-eksena si AJ sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar kahit isa lamang siya sa mga suporta kina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.

Heto at bida na si AJ katambal si Diego Loyzaga sa pelikulang Death of A Girlfriend. Ikinakasa na rin ng Viva ang pelikula nila ni Sean de Guzman na Taya.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala naman po akong naramdaman. Work lang po," sagot ni AJ Raval nang tanungin kung nadala ba si Diego Loyzaga sa mainit na eksena nila sa Death of A Girlfriend.
PHOTO/S: @ajraval / @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results