Janine Gutierrez, Sunshine Dizon makakasama ang dati ring Kapusong si Paulo Avelino sa una nilang teleserye sa ABS-CBN

by PEP Troika
Apr 30, 2021
Marry Me, Marry You stars (from left) Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Sunshine Dizon, and Jake Ejercito. Janine, Paulo, and Sunshine are former GMA-7 stars who are now with ABS-CBN.
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Light family drama series ang Marry Me, Marry You kung saan magka-triangle sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, at Jake Ejercito.

Bibigyang-diin dito ang kaugaliang Pinoy na kapag ikakasal sa taong minamahal ay kailangan ding pakasalan ang pamilya, mga kaibigan, at mga taong malapit sa kanya.

Kasama sa cast ng Kapamilya series na ito ang bagong lipat na si Sunshine Dizon, maging ang mga beteranong sina Cherry Pie Picache, Vina Morales, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel, Joko Diaz, Jett Pangan, at Edu Manzano.

Dahil nabinbin ang serye nilang The Boy Foretold By The Stars, dito na muna magpapakilig sina Adrian Lindayag at Keann Johnson.

Nasa cast din ng teleseryeng ito sina sina EJ Jallorina, Iana Bernardez, Luis Vera Perez, Fino Herrera, at Angelica Lao ng The Squad Plus.

“Sobrang excited na ako para sa Marry Me, Marry You! So honored to work with this stellar cast at hindi na ako makapaghintay na maibahagi sa mga Kapamilya ang nakakakilig at nakaka-inspire na kwentong ito,” pahayag ni Janine kaugnay sa formal announcement ng una niyang teleserye sa ABS-CBN, sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment.

Continue reading below ↓

Take note na may natapos nang pelikula sina Janine at Paulo, ang Ngayon Kaya na napiling official entry sa 1st Summer MMFF na gaganapin sana last year... Abril 11 hanggang Abril 21, 2020.

Ang official teaser ng Ngayon Kaya ay naka-182.7K views na mula nang in-upload noong Pebrero 25, 2020 sa YouTube channel ng T-REX Entertainment.

Noong Abril 16, Biyernes, nagtapos ang teleseryeng Walang Hanggang Paalam kung saan si Paulo ang bidang lalaki.

Mapapanood naman sina Janine Gutierrez at JM de Guzman sa “Love in Lockdown” episode ng Maalaala Mo Kaya sa Mayo 8, Sabado ng 9:00 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC at A2Z Channel 11.

Siyanga pala, ang Marry Me, Marry You ay ididirek nina Jojo Saguin at Dwein Ruedas Baltazar.

NOEL FERRER

Habang natotorete ang mga tao sa Pilipinas sa COVID response, pagagaanin ng Marry Me, Marry You ang ating loob at buhay sa isang teleserye na sana ay hindi lang mang-aaliw sa atin, pero magbubukas din sa ating isip at puso kahit papaano.

Continue reading below ↓

After all their recent awards, Janine and Paulo will shift gears and go light, too. A welcome break din naman.

Sana kapitan ito ng mga tao at maging good sa mental health.

Ingat sa lock in taping, ha?!

GORGY RULA

Ang pagkakaalam ko, tatlong nanay ang tampok sa kuwentong ito na gagampanan nina Cherry Pie, Vina, at Sunshine.

Bagong materyal, bagong kapaligiran, at mga bagong co-stars ito para kay Sunshine, kaya mukhang excited siya nang nagkatsikahan sila ng manager niyang si Perry Lansigan sa IG Live.

Ang susunod na aabangan natin ay kung si Lovi Poe ba ang susunod na iwi-welcome ng Kapamilya channel.

Safe ang sagot ni Lovi sa mediacon niya kahapon, at kahit ang manager niyang si Leo Dominguez ay safe din ang sagot sa akin na hindi pa raw tapos ang program contract ni Lovi sa Owe My Love.

Pero marami ang nagpapayo na tanggapin na ni Lovi ang counter-offer ng GMA 7 dahil mas stable sa Kapuso network kesa sa Kapamilya channel.

Continue reading below ↓

Sa panahon ngayon, marami pa tayong isipin at iku-consider tuwing nagti-taping. Mas mahigpit ang mga safety and health protocols at mas magastos.

Kaya magpasalamat na lang tayo na kahit saan mang TV network, may trabaho pa rin sa gitna ng pandemyang ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marry Me, Marry You stars (from left) Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Sunshine Dizon, and Jake Ejercito. Janine, Paulo, and Sunshine are former GMA-7 stars who are now with ABS-CBN.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results