All-Out Sundays at ASAP Natin ‘To, mas iinit ang salpukan

by PEP Troika
Apr 30, 2021
Magsasalpukan na rin sa online ang All-Out Sundays (left) at ASAP Natin 'To (right), dahil mapapanood na rin sa social media platforms ng GMA-7 ang AOS simula sa Linggo, May 2.
PHOTO/S: All-Out Sundays / ASAP Natin 'To

JERRY OLEA

Mas mainit na ang salpukan ng Sunday noontime shows!

Simula sa Mayo 2, Linggo ng alas dose ng tanghali, mapapanood na ang All-Out Sundays online sa official social media pages ng GMA Network, maliban sa telebisyon (GMA-7 at GTV).

Mas lalaganap ang saya at excitement sa paboritong weekend musical comedy variety show ng mga Kapuso!

Tuluy-tuloy ang all-out summer experience sa Pinoy Reggae opening number nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Rayver Cruz, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Ken Chan, at Rita Daniela.

Magpapasiklab din sina Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Thea Astley, Kim de Leon, Lexi Gonzales, at guest na si Ysabel Ortega.

Ilulunsad ang auditions para sa ika-apat na season ng The Clash kasama sina Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, at Lani Misalucha.

Kaabang-abang ang paghataw ng Cypher crew na sina Barbie, Miguel, Rayver, Kyline, Mannex Manhattan, at DJ Loonyo.

Continue reading below ↓

Magpapakilig muli sa musical romantic comedy na “Love Doctors” kasama sina Rhian Ramos, Paolo Contis, Denise Barbacena, Kristoffer Martin, Betong Sumaya, Jennie Gabriel, at Tuesday Vargas.

All Out Sundays

Samantala, nagbabaga ang dance and musical performances sa ASAP Natin 'To sa Linggo rin ng 12:00 ng tanghali sa TV5, A2Z, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Continue reading below ↓

Back-to-back-to-back ang hugot sa senti sessions nina Zsa Zsa Padilla, Nina, at Regine Velasquez.

Kapana-panabik ang collabs nina Gary Valenciano at Iñigo Pascual, ganoon din nina Martin Nievera at si Bamboo.

Puno ng mensahe ng pag-asa ang mga awitin nina Gary V., Martin, Erik Santos, Zsa Zsa, at Regine sa “The Greatest Showdown.”

Magpapakitang-gilas ang Kapamilya idols na sina AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Jason Dy, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, iDolls, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Vivoree Esclito.

Damhin ang summer groove sa song-and-dance number ni Darren Espanto.

Exciting rock biritan ang hatid nina Elha Nympha, Sheena, Zephanie, at Janine Berdin.

May soulful kantahan din mula kina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, Sam Cruz at Angela Ken.

ASAP Natin To

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Limitado ang mga segment kapag “work from home” kaya iba rin talaga kapag nasa studio.

Kaya lang, takot pa ang ilang artistang lumabas, kaya maaring i-tape na ang ibang segment o work from home.

Saka mas dobleng ingat pa ngayon, kaya okay na ring konti lang muna ang mga tao sa studio.

Inaasahang mas tataas pa ang rating ng AOS dahil live na live na silang nagpi-perform sa studio.

Noong nakaraang Linggo, Abril 25, ay naka-4.9% ito, ayon sa AGB Neilsen. Ang ASAP Natin ‘To ay nakakuha ng 2.1%.

NOEL FERRER

Kapag ganito, magandang may comparative study rin ng online views and engagements ang painit na painit na ASAP vs AOS.

This means, balik-trabaho na ulit. Sana, dobleng ingat lahat dahil mataas pa rin ang COVID cases na before magbalik-ECQ ay nasa 3k na per day, pero heto at nasa mahigit 8k pa rin tayo.

We can never let our guards down. Tuloy dapat ang pag-observe ng health protocols, at sana’y ma-fast track na rin ang bakuna.

Continue reading below ↓

Teka, caling on the networks... mas maganda kung talagang matuloy ang pagpapabakuna ng mga kasali sa produksyon sa lalong madaling panahon, di ba?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsasalpukan na rin sa online ang All-Out Sundays (left) at ASAP Natin 'To (right), dahil mapapanood na rin sa social media platforms ng GMA-7 ang AOS simula sa Linggo, May 2.
PHOTO/S: All-Out Sundays / ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results