Legal Wives, mas mahigpit ang safety protocols sa pagbabalik ng lock-in taping

by PEP Troika
May 2, 2021
Sasabak muli sa lock-in taping ang cast at crew ng upcoming Kapuso primetime series na Legal Wives, na pinagbibidahan nina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, at Dennis Trillo.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Magbabalik na sa susunod na cycle ng taping ang upcoming Kapuso primetime series na Legal Wives, at medyo may kahigpitan sa ipinatutupad nilang safety and health protocols.

Kaya tamang-tama sana ang pagdating ni Alice Dixson na kasama sa naturang drama series.

Pero napag-alaman naming hindi pa isasama agad si Alice sa susunod na cycle ng taping. Baka sa third week of May pa raw siya papapasukin sa lock-in taping.

Natuwa ang aktres dahil may sapat na panahon pa siya para maalagaan ang kanyang anak na si Baby A.

Tinanong ko ang manager niyang si Popoy Caritativo kung dadalhin ba ni Alice ang baby nito sa taping.

Hindi pa raw ito napag-uusapan ng production dahil huli naman papapasukin ang aktres sa lock-in taping. Pero natutuwa raw sila kay Alice na nakikita ang sobrang excitement sa pag-aalaga sa kanyang Baby A.

Samantala, sobrang ingat ngayon ang pagpasok ng lahat na involved sa taping ng Legal Wives.

Continue reading below ↓

Bago sila i-check-in sa isang hotel, magkakaroon muna ng antigen test. Kapag negative ang resulta, itse-check-in na sila sa isang hotel kung saan ika-quarantine sila ng halos isang linggo.

At least four to five days muna silang naka-quaratine at saka idadaan sa RT-PCR test. Lahat sila, mula sa mga artista hanggang sa production staff, ay may kanya-kanyang kuwarto dahil ipinagbabawal na ang room sharing.

Kapag lumabas na negative ang resulta sa RT-PCR test, saka pa lang sila dadalhin sa location at isang buwan na sila roon. Makakalabas lang sila kapag tapos na ang taping. Magkakaroon pa rin ng exit swab test bago pauwiin sa kani-kanyang tahanan.

Kailangan lang daw matiyak na negative ang lahat ng involved para safe ang lahat Kaya tatapusin muna ang taping ng buong season bago i-schedule ang airing nito na mukhang mauurong pa.

JERRY OLEA

Better safe than sorry, 'ika nga.

Hindi kailangang madaliin ang pag-ere ng cultural drama series na Legal Wives.

Continue reading below ↓

Marami pang teledrama ang puwedeng i-rerun ng GMA 7, gaya ng Endless Love (Hunyo-Oktubre 2010) na pinagbidahan ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mas mahigpit na pag-iingat, ibig sabihin, mas magastos para sa produksiyon. May budget ang Kapuso Network! Mabuhay!!!

NOEL FERRER

Mahigpit din ang ipinatutupad na protocol sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagsimula na ring magbalik-taping since last week.

Maganda talaga na ang lahat ay sumunod dito at hindi mag-short cut sa rules para sa ikabubuti ng lahat.

Usually, pabor ang mga ito sa mga artista, pero sana’y alalahanin din na ang production at technical staff ay dapat ding makakuha ng sapat na tulog (7-8 hours) at may cut-off din ang kanilang pagtatrabaho kahit naka-check in.

Ang tanong: ano kaya ang sanctions sa mga taong susuway sa mga alituntunin?

Nagtanda na kaya ang character actress na nagdala ng dyowa sa set? Ano ang naging sanction sa kanya?

Continue reading below ↓

E, yung may lagnat na at pinag-report pa rin, at nagtuloy pa sa taping at walang accountability or remose, at mukhang wala namang disciplinary action dito?

Basta ang hiling ng mga manggagawa sa TV man o sa pelikula (o sa mass media na sa kabuuan), ingat ang lahat at sumunod talaga sa healthy protocols.

Ang isa pang malaking issue ay ang working hours. Kasi, hanggang ngayon ay may lumulusot pa rin...

Harinawa, matapos na ang lahat ng ito. Sana!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sasabak muli sa lock-in taping ang cast at crew ng upcoming Kapuso primetime series na Legal Wives, na pinagbibidahan nina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, at Dennis Trillo.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results