Zsa Zsa Padilla lumipad sa Amerika para magpa-checkup; nilinaw na walang siyang COVID-19

by PEP Troika
May 2, 2021
Zsa Zsa Padilla: "I’m in the US now to continue my check up. So much have been said about my condition since I tweeted that I was experiencing leg and back pain for 5 days and couldn’t have an MRI in Manila because of the covid cases in hospitals. I also heard recently that I’ve had Covid. It’s not true."
PHOTO/S: Nice Print Photography / Instagram

NOEL FERRER

Noong isang taon pa nang huli kong makapanayam ang kaibigan kong Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Sinabi nitong kinailangan niyang magpa-check up sa kanyang infection at isa pang kailangan ng MRI (magnetic resonance imaging).

Bago siya nag-post sa Instagram nitong Sabado, May 1, nagkausap kami at nasabi niyang ang hirap magpa-schedule ng check-up sa hospital dahil sa COVID surge.

Kaya hindi na ako nagulat sa post niya bago maghatinggabi noong Sabado nang sabihin niyang lumipad sila ng kanyang fiancé na Conrad Onglao pa-Amerika para doon na muna siya magpatingin sa kapatid ni Conrad na doktor.

I was even hoping na katulad ng ibang kilala ko, yaman din lang na nandoon na siya ay doon na rin siya magpabakuna ng COVID-19 vaccine dahil mas marami siyang choices doon na mas mataas ang efficacy.

Continue reading below ↓

Mother’s Day na next Sunday, May 9. Usually, may yearly concert si Zsa Zsa for Mother’s Day and her birthday sa bandang katapusan ng Mayo.

Let’s see kung makakabalik na siya by then, o kung anuman, try nating mag-birthday update sa kanya sa PEP Troika dahil ang daming natutuwa sa kanyang efforts, tulad ng Casa Esperanza at ang kanyang ProbinZsa vlog na ngayo’y programa na sa The Filipino Channel.

The last time I saw Zsa Zsa was when she sang the iconic "Sayang" sa tribute for the late Claire dela Fuente. I really liked the Divine Diva’s version na ultimo mga kasama niyang sina Gary V. at mga staff ay kinilabutan sa kanyang swabe at cool na rendition.

Ganyan naman si Zsa Zsa, simpleng magaling lang and not calling attention to herself.

Kung maraming tanong man ang naglabasan sa kanyang recent IG post, handa niyang sagutin ‘yan. Pero ang categorical na sinabi niya ay wala siyang COVID!

Continue reading below ↓

Yes, I know that she had a COVID scare, but sa awa naman ng Diyos, negative ang kanyang tests. Kaya nga nakakabalik trabaho siya at heto’t nakabiyahe pa, di ba?

Parang extended anniversary celebration na rin nila ito ni Conrad after ng kanilang Cebu trip.

All the best, ZsaZshing!

GORGY RULA

Nabanggit nga ni Zsa Zsa na first time niya sanang dumaan sa MRI na medyo ikina-tense niya dahil claustrophobic siya.

Naintriga lang ako sa Instagram post na yun na binanggit niyang, “I also needed to check up with my OBGyn! What were the chances?!”

May plano kaya sila ni Conrad na magka-baby? Hindi kaya mahirapan din si Zsa Zsa na magbuntis dahil sa kanyang scoliosis?

Pero malay natin. Baka keri pa naman, di ba?

O baka puwede naman silang mag-inquire diyan ng posibilidad ng surrogacy kagaya ng ginawa ni Alice Dixson?

JERRY OLEA

Kung nagawa ni Korina Sanchez na magkaroon ng kambal, posible ring magkaroon pa ng anak si Zsa Zsa.

Continue reading below ↓

Ilang buwan lang ang tanda ni ZsaZhing kay Ate Koring. Kaya idalangin natin na pwede pa!

Gaya ng nasabi natin before, ang anak ay nagpapatibay sa bigkis ng pagmamahalan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zsa Zsa Padilla: "I’m in the US now to continue my check up. So much have been said about my condition since I tweeted that I was experiencing leg and back pain for 5 days and couldn’t have an MRI in Manila because of the covid cases in hospitals. I also heard recently that I’ve had Covid. It’s not true."
PHOTO/S: Nice Print Photography / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results