Rocco Nacino, papalitan si Derek Ramsay sa To Have And To Hold?

by PEP Troika
May 2, 2021
Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, hindi na si Derek Ramsay (kanan) ang leading man sa upcoming drama series ng GMA-7 na To Have And To Hold, at si Rocco Nacino (kaliwa) na ang papalit sa kanya.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

GORGY RULA

Kasalukuyang nagti-taping pa ang FPJ’s Ang Probinsyano na nasa seventh cycle na.

Hindi pa masabi kung matatapos na ba ito dahil ang nasagap ng PEP Troika, may isang mahalagang karakter na matetegi na.

Hindi lang ako sure kung aabot pa siya sa susunod na cycle. Pero mukhang malapit na nga raw matapos ang teleserye ni Coco Martin.

Ang katapat nitong top-rating series na First Yaya ng GMA-7 ay nasa lock-in taping na aabot daw ng isang buwan.

Ang Legal Wives ay kasado na ang kanilang third cycle lock-in taping next week.

Natapos na rin ang cycle ng taping ng Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Pero mukhang marami silang naibangkong episodes dahil baka sa June pa sila babalik ng taping.

Tila nauudlot na naman ang Lolong nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, at Arra San Agustin. Hindi pa rin pala nila nabubuo ang casting nito.

Ano pa kaya ang dahilan ng mahabang pagkaantala ng Lolong?

Continue reading below ↓

Ang Las Hermanas na bale pagbabalik-Kapuso ni Albert Martinez ay inaasahang matutuloy nang mag-lock-in taping sa kaligtaan ng Mayo. Kasama rin sa cast ng Las Hermanas sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Ganun din daw ang The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Ang isa pang nasagap namin ay itutuloy na rin ang madramang series na To Have and To Hold na dapat ay pagbibidahan ni Derek Ramsay, kasama sina Carla Abellana at Max Collins.

Pero hindi na si Derek ang leading man dito. Ang latest na nabalitaan namin ay si Rocco Nacino na raw ang napiling kapalit niya.

Ang pagkakaalam ko ay merong ibang project na gagawin si Rocco—yung Artikulo 247 kasama sina Rhian Ramos, Mark Herras, at Jackie Rice. Tinanggal na siya roon, dahil sa kanya na itong To Have and To Hold.

Ang sabi lang ni Rocco, kailangan niyang pag-aralan pa at i-research nang husto ang karakter na gagampanan niya dahil masyadong madrama ang kuwento nito.

Continue reading below ↓

Thankful lang si Rocco na pagkatapos ng guesting niya sa Owe My Love, sunud-sunod na ang gagawin niya sa GMA-7.

So, hindi pa ba muna nila ii-schedule ni Melissa Gohing ang kanilang honeymoon sa Europe?

NOEL FERRER

Sa pagti-text-an namin ni Rocco, ang sabi ko ay mukhang ang misis niyang si Melissa ang suwerte sa kanya.

Mukha ngang mapu-postpone muna ang kanilang honeymoon, tutal, e, lockdown pa rin naman.

Work muna. Ipon muna sila para sa kanilang buuuing pamilya.

Curious din ako kung sino ang matetegi nang karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi kaya dahil may kapalit nang project ito agad?

JERRY OLEA

Hangga’t hindi mo natatapos ang isang project, hindi mo masasabing kasama ka nga rito.

Nakapag-taping na si Marian Rivera sa First Yaya, pero nag-back out siya rito. Ang pumalit sa kanya ay si Sanya Lopez.

Tuloy, tinanggal si Sanya sa Lolong, para makatambal ni Gabby Concepcion sa First Yaya.

Continue reading below ↓

Last year pa nag-training sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa fight scenes sa Lolong.

Sa naunang mga pralala, isa si Megan Young sa tatlong leading ladies ni Dennis Trillo sa Legal Wives. Nabalitaan na lang natin na kasali rito si Andrea Torres, at ligwak na si Megan.

May nakalaan namang ibang project kay Megan, ang Sing For Hearts na ihu-host nila ng asawang si Mikael Daez.

Magtatambal sana sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa Sanggang Dikit. Nagkahiwalay sila, at na-shelve ang project.

Napabalitang gagawa ng drama series si Derek kasama sina Carla Abellana at Max Collins.

Nang i-announce ng GMA Network noong Abril 14 ang halos 100 TV shows na ikinakasa nila, kasama pa rin sa line-up ang Sanggang Dikit.

Kaugnay sa To Have and To Hold, nabanggit na sanib-puwersa roon sina Carla at Max.

Siyempre pa, sabik na rin tayo sa Ang Dalawang Ikaw nina Rita Daniela, Ken Chan, at Ana Vicente.

Continue reading below ↓

Panay-panay na ang plugs nito noon nang biglang maudlot. Nag-rerun na lang ang teledramang Ang Dalawang Mrs. Real.

Mas magpapainit sa panonood ng TV ang Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Mike Tan, Claire Castro, Royce Cabrera, at Gina Alajar.

Abang-abang din tayo sa I Left My Heart in Sorsogon nina Heart Evangelista-Escudero, Paolo Contis, at Richard Yap.

Siyempre pa, inaasahan nating magpapasiklab nang bonggang-bongga ang Voltes V: Legacy nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho, Martin del Rosario, at Liezel Lopez.

Kaya mga Kapuso... let’s volt in!!!

HOT STORIES
Artikulo

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, hindi na si Derek Ramsay (kanan) ang leading man sa upcoming drama series ng GMA-7 na To Have And To Hold, at si Rocco Nacino (kaliwa) na ang papalit sa kanya.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results