Pilot episode ng Agimat ng Agila, nakapagtala ng mataas na rating; All-Out Sundays, mas naghigpit ngayong balik-studio sila

by PEP Troika
May 3, 2021
Nag-premiere sa GMA-7 ang Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla (top) noong Sabado, May; balik-studio naman ang Sunday variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays simula nitong May 2.
PHOTO/S: GMA Network

FPJ Da King, GORGY RULA

Maingat nang husto ang mga artista at production staff sa loob ng studio ng All-Out Sundays na live umere kahapon, Mayo 2.

Ang mga staff na kailangan lang talaga sa studio ang pinapag-stay sa loob. Magkakalayo ang mga artistang nakatambay sa backstage, dahil mahigpit silang binabantayan na dapat ay consistent ang social distancing.

Hindi sila puwedeng magtanggal ng face mask at face shield. Anim na performers lang ang puwede sa stage. Hindi sila puwedeng magkatipun-tipon doon.

Ang mahalaga ay mairaos nang maayos at safe ang live airing ng naturang Sunday variety show.

Okay naman ang rating nito na naka-4.8%, ayon sa AGB Neilsen. Ang katapat nitong ASAP Natin ‘To ay 2.2%.

Sumunod sa All-Out Sundays ang GMA Blockbuster na naka-3.8%.

Ang Dear Uge ay nakakuha ng 4%, habang 3.1% naman ang katapat nitong FPJ: Da King.

Muling tumaas ang Kapuso Mo Jessica Soho na 21.2%, dahil magaganda ang mga na-feature nilang kuwento.

Continue reading below ↓

Ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show, kung saan special guest nila si Alden Richards, ay pumalo sa 6.5%.

Noong nakaraang Sabado, Mayo 1, naman ay talagang itinodo ng promo ni Senator Bong Revilla ang Agimat ng Agila kaya naka-16.3% ito.

Sinundan ito ng replay episode ni Nora Aunor sa Magpakailanman na naka-16.2%, at ang Daddy’s Gurl naman ay 8.4%, at 4% ang I-Witness.

Hindi gaanong nakapagtala ng mataas na rating ang ilang programa sa A2Z at Kapamilya channel.

Naka-1.1% ang Paano Kita Mapapasalamatan ni Judy Ann Santos. Naka-2.1% naman ang Your Face Sounds Familiar, at 1.9% ang Maalaala Mo Kaya.

JERRY OLEA

Inaasahan nating tataas pa ang rating ng mga susunod na episode ng Agimat ng Agila. Matagal-tagal nang wala tayong napanood na action fantasy, sa TV man o pelikula.

Todo-bigay pa si Senator Ramon “Bong” Revilla para sa promo ng kanyang comeback project.

Sabado ng 5:00 p.m. ay nag-umpisa ang kanyang "Kap’s Amazing Agimat ng Agila Giveaway" sa kanyang Facebook page.

Siyempre, tigil muna ang kanyang pa-giveaway nang mag-premiere na ang Agimat ng Agila pagsapit ng 7:15 p.m. Pagkatapos ng airing niyon ay tuloy ang pamumudmod ni Senator Bong ng blessings.

Kapagkuwan ay may paalala si Senator Bong sa winners, “Wala po kaming hinihinging halaga o anumang bagay para ma-claim niyo ang inyong premyo.

“Hindi rin po kami sa text nagpapadaan ng notification na kayo ay nanalo.

“Ang mga nanalo ay yung mga na-announce lamang sa gameshow kagabi at yung mga nakikita niyo na naka-post sa ating page na ito.

“Ang ating komunikasyon ay sa pamamagitan ng Page na ito lamang. Muli, congratulations sa mga nanalo!!”

Bongga si Sanya Lopez.

Lunes hanggang Biyernes ng gabi, umaariba sa GMA Primetime ang teledrama niyang First Yaya katambal si Gabby Concepcion.

Kung Sabado ng gabi, katambal naman siya ni Senator Bong sa Agimat ng Agila na sakalam agad sa Game of Ratings. Ang saya-saya!

Continue reading below ↓

Nakakatuwa ring tinangkilik ng MELlennials ang replay episode ng Magpakailanman na “Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares story” kung saan bida sina Nora Aunor at Ricky Davao, sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes (RIP).

Iyong Agimat ng Agila ang pre-program ng Magpakailanman anthology.

Sina Sanya at Nora ay gumanap na mag-ina sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari.

Mabuti naman at nakabawi na iyong Kapuso Mo, Jessica Soho.

Iyon kasing Pepito Manaloto: Kuwento! Kuwento! ni Michael V ay bumababa ang ratings. Any moment ay magre-reformat na naman ito, o kaya ay magpapahinga muna.

NOEL FERRER

Sabi nga, yesterday was significant sa All-Out Sundays. Kasi, it’s their first day to go digital/online, too.

Maganda rin sigurong makuha ang statistical data ng viewership/followers nito vis-a-vis sa ASAP.

Ang nakakabahala lang... I think, with the uncertainty of our situation, walang ganoon katinding viewer loyalty ngayon.

I don’t know kung may significant difference ang pag-eere ng new episodes sa replay— mapa-musical variety o teleserye o kahit info-tainment like that of Dingdong Dantes’s program na pinapanood ko talaga.

Continue reading below ↓

In the middle of the summer heat, the opening spiels went “Malamig na at nararamdaman na natin ang simoy ng Pasko.”

Maano bang ma-edit man lang ito o gawan ng paraan para magmukhang current kahit papaano, or it may incur additional expense, na baka naman kayang i-cover ng kaunting cost since may ads naman.

The thing is, we have to constantly make entertainment relevant sana. Hard times talaga. And these health guidelines are really added burden.

Dito makikita talaga ang commitment ng network in producing quality and relevant content despite all the difficulties.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-premiere sa GMA-7 ang Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla (top) noong Sabado, May; balik-studio naman ang Sunday variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays simula nitong May 2.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results