Dolce Amore ng LizQuen at Endless Love ng DongYan, magbabalik sa ere; The Clash, simula na ang audition para sa Season 4

by PEP Troika
May 3, 2021
Nagsimula na ang rerun ng 2016 primetime series nina Liza Soberano at Enrique Gil (kaliwa) na Dolce Amore sa A2Z Channel 11 nitong May 3; magbabalik din sa ere ang 2010 primetime series nina Marian Rivera at Dingdong Dantes (kanan) na Endless Love sa GMA-7.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Nag-umpisa ang rerun ng teleseryeng Dolce Amore ngayong Mayo 3, Lunes ng 2:30 p.m. sa A2Z Channel 11.

Streaming din sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant TFC ang seryeng pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Una itong umere noong Pebrero hanggang Agosto 2016 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Tampok din sa Dolce Amore sina Matteo Guidicelli, Cherie Gil, Sunshine Cruz, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Kean Cipriano, Ruben Maria Soriquez, Andrew E., Sue Ramirez, Tetchie Agbayani, at Joseph Marco.

Inilunsad naman ang online auditions para sa season 4 ng singing competition na The Clash sa All-Out Sundays nitong Mayo 2, Linggo, sa GMA-7, GTV, at official socmed platforms ng GMA Network.

Ayon sa mechanics na ipinost sa official Facebook page ng The Clash, ang audition video ay dapat naglalaman ng self-introduction, isang Tagalog at isang English song.

Ang final version ay hindi dapat lalagpas ng 100MB at naka-MP4 o MOV format.

Continue reading below ↓

Maaaring isumite ang audition video sa audition form na maa-access gamit ang QR code o link na nakapaskil sa Facebook page ng The Clash simula Mayo 3, Lunes.

Open ang online auditions sa lahat ng natural-born Filipinos, 21-anyos pataas.

Para sa mas detalyadong gabay sa online auditions, bisitahin ang official social media accounts ng The Clash.

Ang paligsahan ay iho-host pa rin nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Ikinakasa na rin ang rerun ng teledramang Endless Love sa GMA Telebabad.

Pinagbidahan ito nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at unang ipinalabas ito noong Hunyo-Oktubre 2010.

Pinoy adaptation ito ng 2000 South Korean drama na Autumn in My Heart, na pinagbidahan nina Song Seung-heon, Song Hye-kyo, at Won Bin.

Nasa cast din ng Endless Love sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III, Sandy Andolong, Janice de Belen, Gabby Eigenmann, at Kuh Ledesma.

NOEL FERRER

More than 5k cases pa rin per day, nakakatakot pa ring mag-all out sa pagte-taping kaya naiintindihan ko ang pagre-replay ng mga teleserye.

Continue reading below ↓

Habang kahit kumikita (kahit maliit lang) ang network dahil tuluy-tuloy pa rin naman ang ads sa mga airtime nito, may percentage na rin kaya para sa honorarium or royalty ang artists sa reruns ng mga teleseryeng ito?

GORGY RULA

Kapansin-pansing bumababa na ang rating ng karamihan ng replay shows. Napapagod na yata ang mga tao sa mga lumang programa. Pero depende rin siguro sa mga artista.

Yung replay episode ng The Boobay and Tekla Show noong Linggo, Mayo 2, kung saan guest nila si Alden Richards, pangatlong replay na yun pero mataas pa rin ang rating.

May ilang drama series na maganda pa ring ulit-ulitin pero kailangan na natin ng mga bagong programang panoorin. Ang dami na talagang nababagot sa kanilang mga tahanan.

Pero sa totoo lang, mahirap pa ring mag-produce ng mga bagong programa. May mga nababalitaan pa rin tayong nagpositibo sa ilang nagsisimula nang mag-taping.

Kapag kumalat itong latest na nagpositibo sa nagti-taping ngayon, tiyak na lalong matatakot ang ilang artistang sumalang sa bagong programa o kahit guesting lang.

Continue reading below ↓

Kaya "stay at home" pa rin talaga ang pinakamainam, at manood na lang sa TV ng mga bago at replay shows.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula na ang rerun ng 2016 primetime series nina Liza Soberano at Enrique Gil (kaliwa) na Dolce Amore sa A2Z Channel 11 nitong May 3; magbabalik din sa ere ang 2010 primetime series nina Marian Rivera at Dingdong Dantes (kanan) na Endless Love sa GMA-7.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results