Paolo Gumabao, walang nakikitang masama sa pagsabak ng ibang tao sa indecent video calls

by PEP Troika
May 4, 2021
Paolo Gumabao, posible bang gamitin ang katawan para pagkakitaan? Tugon niya, “Hindi ko pa siya naiisip gawin. Pero sana naman po, hindi ako umabot sa punto na yun na lang ang choice ko. And meron naman po akong ibang puwedeng gawin para kumita. I can start a small business that can support my needs."

JERRY OLEA

Dahil sa nasulat kong article last week dito sa PEP kaugnay sa TikTok influencer at BidaMan finalist na sumabak sa pagbebenta ng indecent video clips, may mga nag-akalang gumagawa rin ng ganoon si Paolo Gumabao sa totoong buhay.

Ganoon kasi ang role niya sa pelikulang Lockdown na idinirek ni Joel Lamangan.

“First of all po, role ko lang po yung sa movie na Lockdown, but I guess medyo flattered siguro ako, kasi iniisip siya ng tao?” sabi ni Paolo sa interview namin via Messenger nitong Mayo 4, Martes.

“Hopefully, that means nagampanan ko po nang maayos ang role ko.”

Sa pelikulang Lockdown, gumanap si Paolo bilang OFW na si Danny. Pag-uwi sa bansa ay wala siyang mahanap na trabaho para sa pagpapagamot ng kanyang amang si Gener (Jess Evardone), kaya napilitan siyang maging online sex worker.

Ano ang insights ni Paolo sa mga taong sumasabak sa ganoong trabaho? Sabi nga, kapit sa patalim.

Continue reading below ↓

“Para sa akin, walang masama kung papasok ang isang tao sa ganoong trabaho,” tugon ni Paolo.

“Kasi, hindi rin naman natin alam what pushed them to do it. Posibleng nangangailangan talaga sila ng pera hindi para gamitin lang sa luho kundi para gamitin yung pera para makabili ng pagkain, mabayaran yung tirahan, etc.”

Sa tingin ba ni Paolo, darating siya sa ganoong punto—na maging desperado para gamitin ang katawan na pagkakitaan?

“Hindi ko pa siya naiisip gawin. Pero sana naman po, hindi ako umabot sa punto na yun na lang ang choice ko.

“And meron naman po akong ibang puwedeng gawin para kumita. I can start a small business that can support my needs.

"Thankful ako na may family ako that always guides me to be better."

Wala pang definite streaming date ang pelikulang Lockdown, na ang official full trailer ay naka-600K views na mula nang in-upload noong Marso 16, 2021 sa YouTube channel na Gilbert Obispo Films.

Continue reading below ↓

Kasama si Paolo sa Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba bilang si Maximo.

“Masasaksihan po ng mga tao kung ano ang magiging plano ni Bro kay Maximo. Magbabago ba siya at buong tatangapin si Bro sa puso niya o hindi? Only time will tell,” lahad ni Paolo.

“Sa ngayon, since naka-lock-in taping pa po kami for Huwag Kang Mangamba, mahirap tumanggap ng ibang project. So, nagpo-focus lang po ako ngayon sa serye at kung paano i-improve yung craft ko.”

NOEL FERRER

Actually, nagulat ako sa isang online announcement or promo ng packages ng sex services (from vidjacall to meet ups) ngayong lockdown. They exist pala talaga at palasak itong practice notwithstanding the COVID situation.

So, it’s art imitating life, or the other way around.

Sana maging wake-up call ito na umabot tayo sa ganito kahirap kaya may mga taong napupuwersa na gawin ito. Ito ba ang excellent COVID response?

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Mas naa-appreciate ko ang mga artistang nagsasabi ng totoo at umaamin sa mga kaibigang reporters basta huwag na lang isulat.

Karamihan naman sa mga kaibigang press ay nirerespeto ang anumang nakaraan ng isang arrista.

Halos lahat naman ay may mga pinagdaanan na lalong nagpatibay sa kanilang pagkatao. Mangilan-ngilan lang ang umaamin at mas lalo namin silang iginagalang dahil sa kanilang pagiging totoo.

Ang karamihang di umaamin ay wala tayong magagawa. Choice nila yun. Karapatan nila yun!

Pero ang iba kasi, kahit anong tanggi nila, lalo pang nakakalkal ang mga dating ginagawa at magugulat ka na ang dami pala nilang itinatagong lihim.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao, posible bang gamitin ang katawan para pagkakitaan? Tugon niya, “Hindi ko pa siya naiisip gawin. Pero sana naman po, hindi ako umabot sa punto na yun na lang ang choice ko. And meron naman po akong ibang puwedeng gawin para kumita. I can start a small business that can support my needs."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results