Sunshine Guimary, AJ Raval, Cloe Barreto: mga bago at sariwang nymphets ng local showbiz

by PEP Troika
May 4, 2021
Kilalanin ang mga magpapainit ng online streaming sites ngayong pandemya: (mula kaliwa) Sunshine Guimary, AJ Raval, at Cloe Barreto.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Mga bago at sariwang nymphet ng local showbiz sina AJ Raval, Sunshine Guimary, at Cloe Barreto.

Si AJ ay anak ni Jeric Raval.

Agaw-eksena si AJ sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na bida sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor, sa direksyon ni Darryl Yap.

Bida kapagkuwan si AJ katambal si Diego Loyzaga sa pelikulang Death of A Girlfriend, sa direksiyon ni Yam Laranas.

Ang istorya nito ay variant ng Japanese psychological thriller na Rashomon (1950) ni Direktor Akira Kurosawa.

May mga pa-boobey si AJ, at ibang-iba ang atake niya sa pagganap ni Gina Alajar sa Salome (1981, sa direksiyon ni Laurice Guillen), at ni Jaclyn Jose sa Itanong Mo Sa Buwan (1988, sa direksiyon ni Chito S. Roño).

Streaming ang Death of A Girlfriend mula Abril 30 hanggang Mayo 27 sa Vivamax, KTX, iWant TFC, TFC IPTV, Sky PPV, at Cignal PPV.

Continue reading below ↓

Sa Mayo 28 bubukaka sa Vivamax ang sexy comedy na Kaka, kung saan title role ang tinaguriang "Braless Goddess" na si Sunshine Guimary.

Sabi sa trailer ng pelikula, si Kaka ay “number 1 sexpert at tunay na mandirigma sa kama.” Sa kanilang angkan, ang sarap ng kababaihan ay nasa sariling sikap lamang.

Kaharutan dito ni Sunshine sina Jerald Napoles at Ion Perez, at kabilang sa sumuporta kay Sunshine sina Rosanna Roces at Maui Taylor.

Kasama rin sa cast sina Gina Pareño, Andrea del Rosario, Giselle Sanchez, Sheree Bautista, Juliana Parizcova Segovia, Lander Vera-Perez at Jackie Gonzaga, with GB Sampedro as director.

As we write this, naka-76.6K views na ang official trailer mula nang in-upload noong Abril 25 sa YouTube channel ng Viva Films.

Magpapainit naman si Cloe Barreto sa erotic drama na Silab, katambal sina Marco Gomez at Jason Abalos, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Sa trailer pa lang ng pelikula ay ibinuyangyang na ang kahubdan nina Cloe at Marco.

Continue reading below ↓

Ang official trailer ng Silab ay in-upload noong Abril 23 sa YouTube channel at Facebook page ng 3:16 Media Network. So far, naka-30.6K views na ito sa YouTube, at naka-43.6K views naman sa Facebook.

Reminiscent ang trailer sa pelikulang Unfaithful Wife (1986) na tinampukan nina Anna Marie Gutierrez, Michael de Mesa, at Joel Torre sa direksiyon ni Peque Gallaga. Ang orihinal na pamagat ng nasabing pelikula ay Kaibigan.

May bahid din ang Silab ng pelikulang Laman (2002) na pinagbidahan nina Lolita de Leon, Albert Martinez, at Yul Servo, sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Hindi pa tiyak kung kailan at saan ang streaming ng Silab, na nagtatampok din kina Chanda Romero, Lotlot de Leon, at Jim Pebanco.

NOEL FERRER

After the Pinoy BL (Boys’ Love) trend kinda got saturated last year, ito na ba ang hudyat ng sexy trend ulit with these new sexy pandemic stars?

Ano ito, sukatan ng collective frustration at escape ng mga tao ng kanilang pent-up emotion ngayong may COVID crisis, at tugon sa lack of intimacy dahil sa social distancing?

Continue reading below ↓

Kanya-kanya talaga tayo ng paraan ng coping!

GORGY RULA

Ibang-iba ngayon ang paglunsad sa mga bagong sexy stars na ito dahil hindi sila dumaan sa MTRCB, at kung kaya mo ang matinding hubaran, puwede talaga.

Kaya naman bigay na bigay si AJ sa Death of A Girlfriend.

Ang isa pang kaibahan ay ang set-up sa shooting at taping na nasa bagong normal.

Naikuwento nga ni AJ na napapag-usapan nila ito sa shooting ng co-stars niya, naikukumpara ang set-up ngayon ng taping at shooting sa dating ginagawa ng mga artista.

“Sa akin naman po, hindi ko po kasi na-experience yung shooting nang normal po. Parang namulat na po ako sa ganitong sitwasyon na sa ganitong klaseng ano.

“So, hindi ko po talaga alam ang difference ng ngayon at saka yung before.

“Pero sabi po ng ibang artista, mas okay daw po kung paano yung shooting ngayon, kasi yung lock-in taping,” pahayag ni AJ nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓

Nasilip ko nga pala ang trailer ng Kaka ni Sunshine Guimary. Medyo may pagka-naughty ito na tiyak nababastusan na ang iba. Pero puwedeng-puwede nilang gawin dahil hindi pa saklaw ng MTRCB ang online contents.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilalanin ang mga magpapainit ng online streaming sites ngayong pandemya: (mula kaliwa) Sunshine Guimary, AJ Raval, at Cloe Barreto.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results