Basketball stars Kobe Paras at Kai Sotto, patuloy ang pag-abot sa kanilang pangarap

by PEP Troika
May 4, 2021
Sina Kobe Paras (kaliwa) at Kai Sotto (kanan) ang dalawa sa Pinoy basketball players na sinasabing malaki ang tsansang maging NBA players.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Araw-araw nagtatawagan ang mag-amang Benjie at Kobe Paras para magbigay ng update sa training ni Kobe sa Amerika.

Malaki ang pasasalamat ni Benjie sa Diyos na nalagpasan na ni Kobe ang struggle niya noong bumalik ito ng bansa galing sa pag-aaral sa Amerika.

Ipinagpasalamat din ng comedian at dating PBA player na nakabalik ang kanyang anak, pagkatapos niyang sinubukang ipasok ito sa East West Private (EWP).

Dahil hindi pa sigurado kung kailan magsisimula ang UAAP at kung makapaglalaro doon si Kobe, sinubukan nilang bumalik si Kobe sa Amerika. Mabuti naman at nakapasok si Kobe sa EWP.

Kuwento ni Benjie, “Kasi, nang naglalaro sila sa UP, wala pang assurance kung makakapaglaro sila sa UAAP this year o next year.

“So, nag-isip na kami, nagplano na kami. At sinabi niya sa akin na gusto niyang bumalik sa States to train and, ayun, nakahanap ako ng connection ulit.

“Good for him… ano ‘to, e, this is his second chance na makabalik doon and to improve well sa skills niya.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Benjie, okay ang training ngayon ng kanyang anak. Sana raw ay tuluy-tuloy na ito at matupad din ang matagal nang pangarap ni Kobe na makapasok sa NBA.

JERRY OLEA

Laganap pa ang COVID-19 sa ating bansa, at walang kasiguraduhan kung kailan aarangkada muli ang mga nasa larangan ng sports at live entertainment.

Kaya naiintindihan natin ang pagnanais ni Kobe na subukan muli ang kanyang destiny sa U.S.

Que sera, sera.

NOEL FERRER

Maliban kay Kobe, isa pang sports achiever na ipinagkakapuri ng bansa sa larangan ng basketball ay ang Blue Eagle na si Kai Sotto.

Kai Zachary Perlado Sotto ang totoo niyang pangalan.

Siya ang Filipino professional basketball player na napiling maglaro for the Adelaide 36ers of the Australian National Basketball League.

Listed at 7 feet 2 inches and 232 pounds, he plays the center position, at sinasabing best bet natin for baskteball stardom sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Tab Baldwin, coach ng Gilas Pilipinas, “Kai represents something special to our mix of players and to our pool of talent. Kai Sotto is special, by definition, because he's a good player and he's one of the rare big men we have. He's a very valued part of our Gilas family."

Naka-commit na si Kai na bumalik sa Pilipinas para maglaro para sa Gilas sa mga darating na tournaments, with the biggest focus on the FIBA Olympic Qualifying Tournament in Belgrade this coming July, and the 2021 Fiba Asia Cup in Indonesia in August.

Sana makabalik siya rito sa Pinas para makapag-ensayo pa, at sana, hindi datnan ng sakit.

Ipagdasal po natin ang ating mga Pinoy athletes na nagbibigay dangal sa ating bansa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Kobe Paras (kaliwa) at Kai Sotto (kanan) ang dalawa sa Pinoy basketball players na sinasabing malaki ang tsansang maging NBA players.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results