Bernadette Sembrano, sumulat ng kanta para sa first anniversary ng ABS-CBN shutdown

by PEP Troika
May 5, 2021
Kasabay ng pag-alala sa unang anibersaryo ng ABS-CBN shutdown, inilabas ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano ang awiting "Yakap," na siya ang sumulat at kumanta.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Inilabas ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano ang awiting "Yakap" ngayong Mayo 5, Miyerkules, na unang anibersaryo ng ABS-CBN Shutdown.

Si Bernadette ang kumanta, at sumulat ng lyrics at musika ng "Yakap."

Ito ang kauna-unahang kanta na si Bernadette ang nag-compose nang buo.

Post ni Bernadette sa Instagram: “YAKAP. If you want to send someone a HUG. Please share our new single, Yakap.

“I miss comforting people with a HUG. And I miss being hugged too.

“Please allow our music to embrace you during these times.

“Muli — salamat sa Diyos for the music that flows out of this humble servant. Thank you for allowing us to hug people through music. “For Your Glory. Always.”

Dagdag ni Bernadette, nagulat siya sa timing ng lahat.

“TV Patrol team ends quarantine today, on the anniversary of the shutdown and the release of our song.

“I just know that this song is for you. One big group hug to you all. Never ever forget SOMEONE is constantly hugging us — all shall be well,” sabi pa ni Bernadette, na COVID-19 survivor.

Continue reading below ↓

Sumaisip kay Bernadette ang ideya ng kanta noong lumalaganap na ang pandemya last year, kung kailan sinakmal ng agam-agam at pangamba ang mga tao.

Ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang humikayat kay Bernadette na gumawa ng kanta tungkol sa ‘yakap.’

Si Jonathan ang nag-produce ng kanta. Noong isang taon, nakipag-collaborate din si Bernadette kay Jonathan para sa kantang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” at nag-release ng Christmas song na “Yakapin ang Pasko.”

Continue reading below ↓

Mapapakingan ang "Yakap" ni Bernadette sa iba’t ibang digital music streaming platforms.

Narito ang lyrics ng" Yakap," na mistulang lulay para sa mga kapwa Kapamilya:

Yakap-yakap kita, ipikit ang ‘yong mga mata

Buksan ang alaala nu’ng tayo’y magkasama

Yakap-yakap kita saan man pumunta

Tangan ang mga araw nu’ng tayo’y kaysaya

Yakap-yakap kita, puno ng pag-asa

Damang pagmamahalan sa tuwina’y yakap ka

Yakap-yakap kita, ihimbing ang ‘yong isip

Hindi mawawaglit kahit isang saglit

Yakap-yakap kita hanggang panaginip

Kahit nakapikit, puso’y nakangiti

Yakap-yakap kita saan man pumunta

Buhay ang alaala, sa tuwina’y yakap ka

GORGY RULA

Nagdadalamhati ngayon sa showbiz dahil sa pagpanaw ni Kuya Ricky Lo, na malapit sa halos lahat sa amin.

At itong paggunita ng shutdown ng ABS-CBN ay nahahaluan pa rin ng galit at pighati dahil ramdam pa rin ang sakit hanggang ngayon.

Nag-trending nga ngayon sa Twitter ang #IbalikAngABSCBN.

Isa sa mahabang tweet na nabasa ko ay ang kay Ruffa Gutierrez, na isa rin sa nagbigay ng mensaheng huwag mawalan ng pag-asa at manatiling matatag sa gitna ng pakikipaglaban sa pandemya at kahirapan.

Continue reading below ↓

Throwback tweet ni Ruffa, “May 5, 2020. My post: At a time wherein millions are dying, losing their jobs and struggling to make ends meet in the midst of a global pandemic, ABS-CBN just signed off. It was painful to watch.

“Just when we thought there was a glimmer of hope that we can still continue to provide for our families and to others na umaasa sa atin. I am heartbroken.

“To my ABS-CBN & Love Thy Woman family, stay strong & huwag tayong mawalan ng pag-asa.

“To my fellow Filipinos, let us continue to pray that we may overcome all the hurdles coming our way. HANGGANG SA MULI, KAPAMILYA.”

Continue reading below ↓

Nag-remind pa si Ruffa na sa susunod na taon, Mayo 5, 2022, bago ang eleksyon ay huwag makalimot sa mga taong involved sa pangyayaring ito.

Tweet pa ni Ruffa, “Register, let your voices be heard LOUD & CLEAR and VOTE in 2022! (three Philippine flag emoji) #NeverForget #IbalikAngABSCBN.”

Ang dami rin kasing nag-post ng litrato ng mga taga-Kongreso na umayon sa pag-deny ng ABS-CBN franchise.

Continue reading below ↓

Sariwa pa rin sa puso ng mga taong naapektuhan at mga nakiisa sa ipinaglalaban ng ABS-CBN 2 ang lungkot at galit sa nangyaring shutdown. Pero kahit paano’y napahupa ng malamyos na tinig ni Bernadette ang mensahe ng pagmamahal ng awiting ito.

NOEL FERRER

Ok naman, at kilala si Bernadette bilang maamo, banayad, at mahinahong broadcaster kaya bagay sa kanyang mag-compose ng mga kantang tulad ng "Yakap."

Pero sa panahong napakarami nang nagugutom at namamatay, at kailangan ng ayuda, maganda rin kung makikita natin ang transformation sa letra ng mga kanta papunta sa pagiging mas totoong mulat at kumikilos para mabago ang kinasadlakan nating sitwasyon.

Ok ang yakap. Pero hindi ito sapat.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasabay ng pag-alala sa unang anibersaryo ng ABS-CBN shutdown, inilabas ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano ang awiting "Yakap," na siya ang sumulat at kumanta.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results