Lovi Poe, tanggapin kaya ang counter-offer ng GMA-7 o itutuloy ang paglipat sa ABS-CBN?

by PEP Troika
May 6, 2021
Tikom pa rin ang bibig ng kampo ng Kapuso actress na su Lovi Poe tungkol sa napapabalitang paglipat niya sa ABS-CBN. Kasalukuyang nasa Amerika si Lovi para sa kanyang bakasyon.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram

GORGY RULA

Medyo matatagalan pa pala si Lovi Poe sa Amerika.

Dapat ay babalik na siya bago matapos ang buwan ng Mayo, pero nagpa-extend daw ito ng bakasyon. Baka first week of June pa raw siya makakauwi, ayon sa kanyang manager na si Leo Dominguez.

Tinanong ko si Leo kung nakapag-decide na si Lovi kaugnay sa renewal ng kontrata niya sa GMA 7. Sa pagbabalik ba ng aktres ay may pipirmahan nang renewal sa Kapuso network?

Smiley lang ang sagot sa akin ni Leo.

Pero marami ang nagkukumbinsi sa kampo ni Lovi na tanggapin na ang counter-offer ng GMA-7.

Sa totoo lang, maituturing na masuwerte pa rin si Lovi dahil pinigilan siya ng GMA-7 at may counter-offer. Iilan na lang sa Kapuso artists ang binibigyan ng network contract.

Maraming artistang dating may exclusive contract sa naturang network, ngayon ay per program na lamang ang kontrata.

Kinukulit namin ang ilang executives sa GMA-7 tungkol kay Lovi, pero ayaw pa rin nilang sumagot. Hintayin na lang daw ang pagbabalik ng aktres.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kung hindi man matuloy si Lovi, baka she belongs to the Kapuso network talaga. Marami nang pagkakataong napabalitang lilipat siya pero hindi nangyari.

As I always say, you go kung saan ka masaya, and water will always find its level.

Kung saan man mapunta si Lovi pagkabalik niya sa kanyang bakasyon ay doon nga ang dinesisyon niyang level niya!

We wish her the best.

JERRY OLEA

Tinitimbang-timbang sigurong mabuti ni Lovi ang kanyang options.

Si Sunshine Dizon, hinayaan ng Kapuso Network na mag-over-da-bakod. Hindi pinigilan.

Si Lovi, may counter-offer. Hindi basta-basta pinakawalan.

Sa tinagal-tagal kasi ni Lovi bilang Kapuso ay maganda ang kanyang attitude. Nanatili siyang professional, at hindi mahirap pakisamahan.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tikom pa rin ang bibig ng kampo ng Kapuso actress na su Lovi Poe tungkol sa napapabalitang paglipat niya sa ABS-CBN. Kasalukuyang nasa Amerika si Lovi para sa kanyang bakasyon.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results