Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez paano ang magiging atake sa PH version ng Doctor Foster?

by PEP Troika
May 7, 2021
Pinamagatang The Broken Marriage Vow ang Philippine version ng Doctor Foster tampok sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at Sue Ramirez. Ang direktor ng aabangang Kapamilya serye ay si Concepcion Macatuno, na humulma ng mga sexy romance films na Glorious at Malaya.
PHOTO/S: @jodistamaria / @onlyzanjoemarudo / @sueannadoodles

JERRY OLEA

Si Jodi Sta. Maria agad ang naisip ko nang mapabalita noong Abril 13, Martes, ang kasunduan ng ABS-CBN at BBC Studios para sa Pinoy remake ng psychological drama series na Doctor Foster.

Swak kasi sa kanya ang linyang “Ang asawa ko ay akin!”

Pwede ring sabihan siya ng gaganap na kabit, “Ang asawa mo ay akin!”

Nagtapos noong Marso 19 ang teleserye nina Jodi, Iza Calzado, at Sam Milby na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Naglabas ng art card ang ABS-CBN na “May 7, 4 PM Doctor’s Appointment” kaugnay sa title and cast reveal ng Pinoy version ng Doctor Foster.

Sa litrato, kaliwete ang doktora na may sinusulat. E, kaliwete si Jodi, di ba?!

Doctor Foster PH remake teaser

Continue reading below ↓

Bet ko namang gumanap bilang taksil na mister si Paulo Avelino.

Kaso, si Paulo ang leading man ni Janine Gutierrez sa teleseryeng Marry Me, Marry You.

Si Jericho Rosales naman ay ayaw nang magteleserye.

Sa farewell presscon ng Halik (Agosto 2018-Abril 2019) ay nagsabi si Echo na iyon na ang huli niyang teleserye.

Naulinigan natin kapagkuwan na si Zanjoe Marudo ang gaganap na philandering husband, at ang kulasisi ay si Sue Ramirez.

Aprub sa atin ang kumbinasyong Jodi-Zanjoe-Sue, na naiulat natin dito sa PEP Troika noong Abril 26, Lunes—at kinumpirma ng ABS-CBN ngayong Mayo 7, Biyernes ng hapon.

Ang magdidirek ay si Concepcion Macatuno, na nagdirek ng iWant original movie na Malaya starring Lovi Poe and Zanjoe Marudo.

Mayo 28, 2020 nag-umpisa ang streaming ng Malaya.

The Broken Marriage Vow ang title ng Philippine adaptation ng Doctor Foster.

Sa istorya, mag-asawa sina Dra. Jill Ilustre (Jodi) at David (Zanjoe). Meron silang isang anak, si Gio (Zaijian Jaranilla).

Continue reading below ↓

The Broken Marriage Vow cast: Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla as Ilustre family

Buti, Gio at hindi Gino. Meron kasi noong Seiko stud named Gino Ilustre na lumabas sa mga pelikulang Linggo Lang Ang Pahinga... Dapat Lang (1997), Pag Dumikit, Kumakapit (1998), Anakan Mo Ako (1999), at iba pa.

Sa pelikulang Pinoy, memorable sa atin ang Ilustre sisters sa Hanggang Saan, Hanggang Kailan (1993)—sina Blanca (Dina Bonnevie), Esther (Alice Dixson), at Jocelyn (Vina Morales).

Continue reading below ↓

At any rate, ang ma-L na escabeche ni David sa The Broken Marriage Vow ay si Lexy Lucero (Sue Ramirez). Nakaka-L!

NOEL FERRER

We told you so at pasok sa banga ang hula ng PEP Troika.

Ngayon, umasa na lang tayo na sana ay maging safe ang kanilang taping, at walang magkakasakit.

Kaliwaan sa panahon ng pandemya—ang Juday-Nadine naging Jodi-Sue.

Ano, na-excite ba kayo?

GORGY RULA

Kapag ganitong domestic drama, dapat talagang magagaling ang mga artista.

Na-appreciate ng mga Netflix viewers ang mga madramang eksena ng The World of The Married (South Korean adaptation ng Doctor Foster) at iba pang drama series.

Pero sa free TV, mas madrama at maaksyon ang gusto ng mga manonood. Umaatikabong sigawan, sampalan, sabunutan, at iba pa.

Pero sana iba ang atake rito ni Direk Connie. Magagaling naman ang mga artista niya, e.

Tiyak na iba rin ang atake ni Jodi na malayo sa mga ginawa nila ni Iza Calzado sa Ang Sa Iyo ay Akin.

Continue reading below ↓

Ito kaya ang tatapatan ng madramang drama series na gagawin ng GMA-7 na To Have and To Hold?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinamagatang The Broken Marriage Vow ang Philippine version ng Doctor Foster tampok sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at Sue Ramirez. Ang direktor ng aabangang Kapamilya serye ay si Concepcion Macatuno, na humulma ng mga sexy romance films na Glorious at Malaya.
PHOTO/S: @jodistamaria / @onlyzanjoemarudo / @sueannadoodles
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results