Mother's Day episode at lockdown love story ngayong gabi sa Magpakailanman at MMK

by PEP Troika
May 8, 2021
Ai-Ai delas Alas, Snooky Serna, and Joanna Marie Tan in Magpakailanman. JM de Guzman and Janine Gutierrez in Maalaala Mo Kaya
Mamayang gabi, Mayo 8, Sabado, istorya ng dalawang ina at isang anak ang mapapanood sa Magpakailanman (kaliwa), starring Ai-Ai delas Alas, Snooky Serna, and Joanna Marie Tan, habang ang lockdown love story naman ng characters nina JM de Guzman at Janine Gutierrez ang tampok mamaya sa Malaala Mo Kaya (MMK).
PHOTO/S: GMA-7 (Magpakailanman) / ABS-CBN (MMK)

JERRY OLEA

Ire-replay ng Magpakailanman ang “Anak, Saan Kami Nagkamali?” episode ngayong Mayo 8, Sabado ng 8:00 pm, pagkatapos ng Agimat ng Agila sa GMA-7.

Swak sa bisperas ng Mother’s Day ang episode na ito na unang ipinalabas noong Enero 9, 2016.

Ai-Ai delas Alas in Magpakailanman

Ang tanong para sa MELlennials... May tamang pormula nga ba ang pagiging isang mabuting ina?

Continue reading below ↓

Dahil hindi kaya ni Mercy (Ai-Ai de las Alas) na alagaan ang mga anak ay ipinaampon niya sa kanyang hipag na si Lourdes (Snooky Serna) ang isa sa mga ito, si Shirlyn (Joanna Marie Tan).

Matagal nang naghahangad na magkaroon ng anak na babae si Lourdes kaya ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ni Shirlyn.

Kapitbahay lang ni Mercy sina Lourdes kaya hindi nalayo si Shirlyn sa tunay na ina.

Pero buong pagkabata ni Shirlyn ay inilihim sa kanya nina Lourdes at Mercy ang pagiging ampon.

Naging mahirap para kay Shirlyn na tanggapin ang katotohanan...

Joanna Marie Tan in Magpakailanman

Continue reading below ↓

Tampok din sa episode na ito sina Jak Roberto, Emilio Garcia, at Allan Paule, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Samantala, mahuhusgahan na ang akting ni Janine Gutierrez bilang Kapamilya sa “Love in Lockdown” episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) mamayang 9:00 pm sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Sa kanyang unang sabak sa longest running drama anthology, gaganap si Janine bilang si Jex na chef sa isang airline catering services company.

Crush ni Jex ang kapwa niya chef na si Zaldy (JM de Guzman).

Kahit ilang beses niyayaya ni Jex si Zaldy na lumabas, palagi siya nitong nire-reject.

Kalaunan, umalis si Jex sa nasabing kumpanya para makahanap ng mas magandang oportunidad.

Makalipas ang ilang taon, nahanap muli nina Jex at Zaldy ang isa't isa dahil sa social media, at natuloy na ang kanilang pagda-date.

Nagsisimula pa lang ang pandemya nang pumunta ang dalawa sa Baguio. Hindi na sila makakaalis doon nang ideklara ang lockdown sa Luzon.

Continue reading below ↓

Paano nabuo ang pagmamahalan ng dalawa? Anu-ano ang mga hamon na kanilang hinarap nang mapilitang magsama sa gitna ng lockdown?

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ang MMK sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

NOEL FERRER

Pagkatapos ng kanyang Superstar na lola na si Ate Guy sa replay ng Magpakailanman, heto naman si Janine Gutierrez sa kanyang unang acting chore bilang Kapamilya sa MMK!

Oo, ‘no, after her acclaimed performance sa Babae At Baril which won her the Urian and Famas awards, and after streaming the movie Dito at Doon, magandang i-test ang ratings power ni Janine aside from her performance here opposite the intense actor JM de Guzman.

JM de Guzman and Janine Gutierrez in Maalaala Mo Kaya

Continue reading below ↓

After this, sabak na siya sa Marry Me, Marry You na isang light romantic drama para sa kanyang unang teleserye naman bilang Kapamilya. All the best, Janine!

GORGY RULA

Gustung-gusto na ng buong team ng Magpakailanman na bumalik sa taping para may bago nang napapanood, pero nahihirapan pa sila dahil sa dami ng requirements bago tumuloy sa lock-in taping.

Ang preparasyon sa isang episode ng naturang drama anthology ay pareho lang sa isang buong season ng drama series.

Bukod pa riyan ay marami na rin sa mga artista ang takot pang lumabas at bumalik sa trabaho.

Si Mayor Lani Mercado nga na ilang beses nang tinatawagan para mag-guest pati sa ilang drama series, tumatanggi muna dahil sa tumataas pa ring kaso ng COVID-19, at nakatutok pa siya sa mga dapat asikasuhin sa Bacoor, Cavite.

Kaya itong Magpakailanman ay talagang naghahanap pa ng magagandang episodes na puwedeng mapanood muli.

Malaking bagay rin siguro ang Agimat ng Agila na bagong napapanood sa TV kaya mataas ang rating at nadadamay na ang Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Last week ay nag-number one trending pala ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla sa iQiyi International na streaming app.

Agimat ng Agila in iQiyi

Inaasahan nilang tataas uli ito mamayang gabi dahil malalaman na galing sa Agilang ni-rescue ni Gabriel Labrador (Sen. Bong) ang agimat na ibinigay sa kanya.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay may pa-giveaway uli si Sen. Bong sa kanyang Facebook page kung saan required na magpadala lang daw ng selfie o groufie ng pamilya na nanonood ng Agimat ng Agila.

Ang mapipiling litrato ay magwawagi ng P10,000.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mamayang gabi, Mayo 8, Sabado, istorya ng dalawang ina at isang anak ang mapapanood sa Magpakailanman (kaliwa), starring Ai-Ai delas Alas, Snooky Serna, and Joanna Marie Tan, habang ang lockdown love story naman ng characters nina JM de Guzman at Janine Gutierrez ang tampok mamaya sa Malaala Mo Kaya (MMK).
PHOTO/S: GMA-7 (Magpakailanman) / ABS-CBN (MMK)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results