Puro pre-recorded pa rin marahil ang episodes ng ASAP Natin 'To at All-Out Sundays

by PEP Troika
May 8, 2021
ASAP Natin 'To and All-Out Sundays Mother's Day presentations.
Parehong pang-Mother's Day ang episodes bukas ng ASAP Natin 'To at All-Out Sundays at marahil, taped or pre-recorded pa rin ang mga ito.
PHOTO/S: ASAP Natin 'To PR / All-Out Sundays PR

JERRY OLEA

Nag-first anniversary na ang ABS-CBN shutdown, pero andito pa rin ang ASAP Natin ‘To.

Nag-uumapaw ang saya at pagmamahal sa ASAP Natin 'To bukas, Mayo 9, Linggo ng tanghali sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 dahil bida ang mga momshie.

Magpupugay sa mga nanay si Toni Gonzaga, pati ang new generation of ASAP divas na sina Sheena, Zephanie, at Janine Berdin.

Sasabak sa senti music collabs sina Jed Madela, Nyoy Volante, at Martin Nievera, maging sina Bamboo at Darren Espanto.

Magbibigay-inspirasyon sa world-class duets sina Martin at Klarisse de Guzman, Jason Dy at Zsa Zsa Padilla, Erik Santos at Nina, at Darren at Regine Velasquez.

Asap Natin To

Continue reading below ↓

Hahataw sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Maymay Entrata, MNL48, at AC Bonifacio.

Espesyal din siyempre ang Mother’s Day presentation ng All-Out Sundays bukas ng tanghali sa GMA-7, GTV, at official social media pages ng GMA Network.

Sa segment na "Mommy Day Party," may inihandang performance sina Christian Bautista at Mark Bautista para kina Aiko Melendez at Gelli de Belen.

All Out Sundays

Continue reading below ↓

Magpapakitang-gilas sina Rayver Cruz, Miguel Tanfelix, DJ Loonyo, at Mannex Manhattan sa all-out Cypher showdown kasama ang Sexbomb moms na sina Rochelle Pangilinan at Izzy Trazona.

May tribute din para sa kani-kanyang ina ang OGs na sina Rayver Cruz, Ken Chan, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin.

May special playlist at touching messages din na handog ang Divas of The Queendom na sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Jennie Gabriel, at Lani Misalucha.

Magpapatuloy ang search para sa perfect match sa romantic musical comedy na "Love Doctors" kasama sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Denise Barbacena, Kristoffer Martin, Betong Sumaya, Jennie Gabriel, at Tuesday Vargas.

Kaabang-abang din ang performance ng Billboard Music Awards 2021 Top Social Artist nominee na SB19 ng kanilang single na "What?"

Naka-9.5M views na ang official music video ng "What?" mula nang in-upload noong Marso 9, 2021 sa YouTube channel na SB19 Official.

Continue reading below ↓

SB19 in AOS

GORGY RULA

Medyo mahirap sa mga taga-All Out Sundays itong taping ng ilang episodes.

Pero awa ng Diyos, nairaos naman at may nakabangko na sila na ilan pang episodes bago sila bumalik sa live at taping.

Pero ang isa sa inaabangan dito ay ang sakalam na performance ng SB19 na nagpu-promote ng bagong single nilang "What?"

Continue reading below ↓

Dito sa AOS, maaring mapu-promote na rin ni Alden ang pagbabalik ng Centerstage bukas ng gabi.

Tatlong linggong tumigil ang Centerstage, at mabuti na mapapanood na muli ito bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ang batang taga-Obando, Bulacan na ukulele player na si Oxy Dolorito pa rin ang defending champion.

Abangan natin kung mapapataob na siya ng mga susunod na challengers.

Kasama ni Alden dito si Betong Sumaya at mga judges nilang sina Pops Fernandez, Mel Villena, at Aicelle Santos-Zambrano.

NOEL FERRER

Marahil, parehong taped or pre-recorded na ang episodes na ito ng ASAP at AOS.

With all the cost for the swabbing, tests and cleaning, hygiene, and protocol considerations, kailangang bawiin ito at mag-tape din ng episodes para menos sa set up at utility costs.

That makes sense. Nakaka-miss lang talaga yung dating mga live shows na anything goes.

Ito ang nagbibigay ng “authenticity” and kakaibang energy kung nagso-show.

Kaya for now, adjust muna tayo sa entertainment output ng new normal.

Continue reading below ↓

Sa ASAP o AOS man kayo manonood, Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay at nagpapaka-nanay!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong pang-Mother's Day ang episodes bukas ng ASAP Natin 'To at All-Out Sundays at marahil, taped or pre-recorded pa rin ang mga ito.
PHOTO/S: ASAP Natin 'To PR / All-Out Sundays PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results