GORGY RULA
Ini-reveal ni Alice Dixson nitong Mayo 8, Sabado sa Eat Bulaga na baby girl ang kanyang anak na iniluwal through surrogacy.
Binanggit din niyang Aura ang pangalan ng kanyang baby.
Isa si Alice sa choices na mga first time moms sa Mother’s Day episode ng "Bawal Judgmental."
Inilahad ng Kapuso actress ang mga pinagdaanan niya magmula nang iniluwal ng surrogate mother ang kanyang anak.
Dahil sa pandemic, may mga travel restrictions at lockdown, kaya hindi siya nasamahan ng pamilya niya sa pagpunta sa Amerika.
Siya lang daw ang lahat na gumawa magmula nang kinuha niya si Baby Aura sa hospital—mula sa pag-aalaga hanggang sa pag-ayos ng mga papeles nito para madala niya pauwi ng bansa.
“It was all me for the first month… actually month and a half. Ang hirap. Hanggang ngayon, puyat ako, but I’m not complaining. I’m enjoying every moment,” pahayag ni Alice.
“I embraced yung experience para makilala ko nang mabuti ang aking anak. Para magkaroon din kami ng bonding time.”
Pero pagdating sa Pilipinas pagkatapos nilang dumaan sa anim na araw na quarantine, katuwang na niya ang kanyang partner sa pag-aalaga sa baby.
Dagdag niyang kuwento, “Ikinatutuwa ko nung pag-uwi ko… siyempre, naka-quarantine ako for 6 days.
“Sabi niya [her partner], ‘Ayoko ng driver. Gusto ko, pagsundo ko sa inyo, gusto ko ako lang kasi special moment ito na mami-meet ko ang aking anak for the very first time.’
“When we got to… tulong kami, kasi, alam niya… that was the only time na magkaroon ako ng karelyebo na mag-alaga. So, he helped me with feeding her.
“He let me sleep for the first time na dere-deretso na 8 hours. And he really… I saw parang how much he adores our child right away, he fell in love.”
Ang isang malaking pagbabago raw sa kanilang dalawa ngayong dumating na sa buhay nila si Baby Aura, “Wala na kami masyadong time para mag-Netflix,” nakangiti niyang pakli.
JERRY OLEA
Feeling ni Alice ngayong isa na siyang ina, “It was a feeling of halu-halo emotions... parang a sigh of relief, nerbyos na I’m gonna be a good mom, happiness.
“Meron din konting fear, kasi siyempre there’s a lot of negative things going on around in the world right now.
“I guess, because I’m a very optimistic person, nalampasan ko ang mga trials na yun because of positive thinking.”
Tingin ni Alice, matalino si Baby Aura.
“Just looking at her, I think she’s a very intelligent baby already. Ang dami na niyang milestones na that she already started na hindi pa dapat.
“She just like to give that look na nagpa-ponder siya, na nag-iisip siya na what is this hmmm… ‘What can I do to my mommy or to my daddy to get them inis?’
“Parang meron siya laging iniisip na malalim. I think she’s gonna be a smart kid.”
Ang wish ni Alice sa kanyang baby, “I just hope that she grows up to be a strong woman.
“My mom was very strong and I learned from her to really be persistent to look at the bright side of things and to just be a ray of sunshine.
“She is already actually our sunshine.
“I hope that she will continue to bring brilliance and be somebody who will contribute to our community as well.
“Ang dream ko, sa NASA, na maging austronaut siya.”
NOEL FERRER
If it is true na a baby is a blessing and brings luck to the family lalo na sa ina, mukhang totoo ito kay Alice Dixson.
Kasama si Alice sa cultural drama series ng GMA-7 na Legal Wives bilang isa sa tatlong asawa ni Ismael Macadato (karakter ni Dennis Trillo).
I’m sure, a lot of endorsement opportunities will open up to Alice and her baby in the future.
Swerte ngang bata at Alice!
Happy Mother’s Day, Misis “I Can Feel It!”