Gold Squad, masusubukan ang lakas sa Click, Like, Share

by PEP Troika
May 9, 2021
Gold Squad in Click Like Share
May kani-kanyang episodes sa anthology series na Click, Like, Share ang members ng Gold Squad na sina (from upper left, clockwise) Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.

JERRY OLEA

Variant ng Black Mirror ang anthology series na Click, Like, Share, kung saan bida sa kani-kanyang episode sina Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.

Ang Black Mirror ay dystopian sci-fi anthology, na sumuri sa modernong lipunan, partikular sa mga resulta ng mga bagong teknolohiya.

Mapapanood sa Netflix ang limang season ng Black Mirror, na inspired ng The Twilight Zone.

Sa Click, Like, Share, responsableng paggamit ng social media ang hatid na mensahe ng Gold Squad (KyCine at SethDrea).

Mapapanood ang Click, Like, Share sa buong mundo simula Hunyo 5, Sabado, at may bagong episode sa tatlong susunod na Sabado sa KTX at iWantTFC.

Magiging available din ito ngayong taon sa TFC IPTV at Upstream.

Bida si Kyle sa unang episode na “Reroute” bilang Brennan, na mag-iiba ang buhay nang magkagusto sa kanya ang kinakaadikan niyang app.

Tampok si Francine sa “Cancelledt” bilang Karen, na magkakatotoo ang tila perpektong buhay na ipinapakita sa social media, ngunit mayroong panganib na kapalit.

Continue reading below ↓

Bibigyang-buhay ni Seth sa “Trending” si Cocoy, na nagpakalat ng fake news sa isang kuwentong nag-viral sa social media.

Gagampanan ni Andrea sa “Poser” si Beth, na haharap sa sunud-sunod na pagsubok dahil sa clone na gawa ng isang app.

Makakasama rin sa episodes ang The Squad Plus members na sina Danica Ontengco at Renshi de Guzman, pati na sina Jimuel Pacquiao at Nio Tria sa kani-kanyang acting debut.

Kasunod ng premiere ng unang episode sa Hunyo 5, Sabado ng 6:00 PM, isang bagong episode ang mapapanood sa Hunyo 12, Hunyo 19, at Hunyo 26 ng 6:00 PM.

Para mapanood ang apat na episodes, bumili ng season pass sa KTX (P299) o iWantTFC (P299 sa Pilipinas o US$5.99 sa labas ng Pilipinas).

May kalakip na bonus features at fan meet sa bawat episode kapag nanood sa KTX.

Mula ito sa direksyon ni Emmanuel Q. Palo at produksyon ng iWantTFC at ABS-CBN Entertainment, kasama ang Dreamscape Entertainment at Kreativ Den.

Continue reading below ↓

Bida rin ang Gold Squad sa inspirational series na Huwag Kang Mangamba, na natutunghayan Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa TV5, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at WeTV.

Noong Marso 22 nagsimula ang Huwag Kang Mangamba bilang kapalit ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Gold Squad in Click, Like, Share

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Dito masusubukan kung may lakas pa rin ba ang Gold Squad, na rumatsada sa teleseryeng Kadenang Ginto.

Nag-back-to-back noong Nobyembre 2019 sa iWant ang digital movies na Silly Red Shoes (KyCine) at Wild Little Love (SethDrea).

Kaso, parang naudlot ang paglulunsad sa kanila dahil sa surge ng COVID-19, at pagkawala ng franchise ng ABS-CBN.

Yung KyCine, naging suporta kay Kim Chiu sa Bawal Lumabas The Series noong Disyembre 2020.

Promising ang mga tambalang KyCine at SethDrea ng Gold Squad.

Kaya lang, yung grupo nila ay in-expand. Tinambakan ng mga bagong members sa The Squad Plus.

Abangan na lang natin kung magki-click ang apat na kuwento ng Click, Like, Share.

May potensyal ba ito na maging franchise a la-Shake, Rattle & Roll na nakalabinlimang edition?

NOEL FERRER

Iba kapag TV dahil libre itong napapanood, pero kung KTX at may bayad na, may following ba ang Gold Squad?

Maglalabas ba ng pera ang mga tao for them, moreso their followers na buryong na buryong na sa bahay?

Continue reading below ↓

At ang tanong, may purchasing power ba ang followers nila?

Magandang malaman ang mga detalyeng ito para malaman ang profile ng fans nila.

Go go go Gold Squad!

Dito magkakasubukan kung Gold standard kayo o tanso lang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kani-kanyang episodes sa anthology series na Click, Like, Share ang members ng Gold Squad na sina (from upper left, clockwise) Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results